"Oh my gosh, is that you Ellionora Fortalejo?" isang babae ang tumawag sa pangalan ni Elly. Napatingin si Elly at itinaas ang sunglasses niya mula sa kanyang mga mata hanggang sa kanyang ulo. "Oh my gosh, it's you!"
"Jewel!" nakilala ni Elly ang isang dating kaibigan. Lumapit siya kay Jewel at nagyakap sila. "Kumusta ka na?"
"Ikaw ang kumusta! Girl, hindi ka man lang nagsabi na uuwi ka na pala!"
"Gusto kong isurprise ang lahat," ang sabi ni Elly. "Si Nova at Leah?"
"Nako nagbabakasyon na sila, sembreak na kasi. Iniwan nila ako dito, pero okay na din kasi diba at least nakita kita," sobra taas ng ngiti ni Jewel. "Kailan ka pa bumalik?"
"Noong isang araw lang," ang sabi naman ni Elly. "Lumabas lang ako para makita kung ano na ang pinagbago dito."
"Naku friend, wala kang makikitang gaanong pinagbago dito, parang itong mall lang naman na ito ang nadagdag. Wait, nagkita na ba kayo ni Zach?" Hindi nakaimik si Elly sa tanong ni Jewel. "Don't tell me hindi parin kayo nag-uusap after all these years?"
"Hindi eh," umamin si Elly. "Hindi pa kami nag-uusap since that night."
"Grabe lang ah, kahit man lang isang tawag hindi ka tumawag sa kanya. Buti nalang pala hindi kami gaanong nag-uusap ni Zach or else nasabi kong halos gabi-gabi tayong nag-uusap."
"Wala akong lakas ng loob na kausapin siya eh. Nasaktan ko siya sa ginawa ko, sarili ko lang ang iniisip ko nang sinabi ko."
"May lakad ka ba? Halika maglunch muna tayo at doon tayo magkwentuhan."
* * *
"Noong umalis ka, grabe parang mababaliw si Zach sa paghahanap sayo. Lagi niya kaming tinatanong, eh iyon yung mga time na hindi ka pa tumatawag kasi sabi mo nga madami kayong inaasikaso kaya wala din kaming maibigay na sagot sa kanya," ang paglalahad ni Jewel. "Tapos after third year hindi na namin siya nakita, nagtransfer siya sa ibang school!"
"Alam niyo ba kung bakit?" ang tanong ni Elly.
"Girl tinatanong pa ba yan. Siyempre you have memories kaya on every corner of the school, ang school ang isang malaking paalala sa inyong matamis na nakaraan. At nagtaka ka pa 'te ah."
"Masiyado ko pala talaga siyang nasaktan."
"Siyempre naman no, ikaw ba naman iwan sa ere at hindi mo alam kung bakit hindi man lang nagpaalam. Sana nakipagbreak ka nalang baka mas magaan pa sa loob niya." Uminom lang si Elly sa chocolate shake niya. "Balak mo bang magpakita kay Zach?"
"Siguro, maliit lang ang lugar na to. Magkikita din kami eventually. But I don't know if I have the guts to talk to him."
"At friend, huwag kang aasa na magkakabalikan pa kayo."
"Alam ko naman yun, pano makikipagbalikan sa akin si Zach eh nasaktan ko na siya ng lubos lubos."
"I mean nawala ka ng three years, three-month-rule ang meron tayo at hindi three-year-rule."
"Three month rule?"
"Hay naku friend, maganda't sexy ka nga pero shunga ka sa mga ganitong bagay."
"At insultuhin ba naman ako," natawa lang si Elly. "Ano ba kasi ang three-month-rule?"
"Kapag nagbreak kayo kailangan in three months ay hindi ka maghahanap ng iba. Pero 'te, three years kang nawala! Pero sabagay, may point ka. Nahurt mo nga naman ang feelings niya."
"Pero hindi naman ako nakipagbreak sa kanya," ang sabi ni Elly.
"Oo nga, pero nawala ka, that's the point."
Napabuntong hininga nalang si Elly at hinayaan nalang si Jewel na magkwento. Alam niya kung gaano niya nasaktan si Zach, at hindi niya maisip kung anong sasabihin ni Zach kapag nagkita sila. Alam ni Elly na hindi pa nagkakaroon ng girlfriend si Zach, alam niya lahat ng nangyayari kay Zach lately dahil sa lagi niya itong tinitignan sa internet. Alam niyang masaya si Zach ngayon, na nakalimutan na siya nito, na nakamove on na si Zach at ang puwang na iniwan niya sa puso ni Zach ay wala na at wala na siyang lugar sa buhay niya. Pero mahal na mahal parin ni Elly si Zach. Sa loob ng tatlong taon na iyon ay hindi siya nawala sa isip niya. Si Zach lang ang tangi niyang minahal.
BINABASA MO ANG
Bloodlines and Heartstrings 2: Broken Strings
Teen FictionSa pagpapatuloy ng kwento ni Zach... Nayanig ang buong mundo niya nang makilala niya ang tunay niyang pamilya. Magkahalong galit, takot at pagkalito ang bumalot sa kaniyang puso. Sa mga pagbabagong dumarating sa kaniyang buhay, paano kung bumalik an...