Kabanata I

1K 61 3
                                    

Gian Aguiles

"Where are you, Gian?!"

Iyan ang bumungad sa kanya nang sagutin niya ang tawag ng kanyang Manager na si Nico. Ibinaling niya ang tingin sa labas ng bintana ng sinasakyang bus na kasalukuyang binabaybay ang mahaba at malawak na kalsada na napapaligiran ng halaman at puno. 

Hindi muna niya sinagot ang tanong ng Manager. Wala rin kasi siyang balak na ipaalam dito kung saan siya pupunta. Kung hindi lang siya nainis sa paulit-ulit nitong pagtawag, hindi niya talaga ipapaalam sa kahit kanino ang biglaan niyang pag-alis. It was actually his plan, to leave without telling everyone, even his own manager, kumbaga bigla na lang siyang nawala.

"Answer me, Gian Aguiles. Nasaan ka?!"

 Atsaka lamang siya nagsalita nang magalit na ito ng tuluyan. Bumuntong hininga siya. 

"I'm taking a break, Nico." Aniya.

Narinig niya ang pagsinghap nito mula sa kabilang linya. Alam niya na gulat at nalilito ito sa naging pasya niya; sa sinabi niya, pero matagal na niyang gustong magpahinga at lumayo sa lahat.

Gian is an actor, sikat at iniidolo siya ng lahat ngunit hindi porket sikat ka at nakatuon sa 'yo ang atensyon ng lahat ay magiging masaya na ang buhay mo. Gian's tired of being famous. Nakakapagod din na sundan ka ng mga camera saan ka man magpunta, ni hindi niya magawa ang lahat ng gusto niyang gawin. Lahat ng galaw niya ay alam ng mga tao, limitado ang kilos niya sa punto na nasasakal na siya. It's like he's a puppet who'll never have a chance to control his own life. Para na siyang preso sa sarili niyang katawan at buhay, That's why he decided to run away. Sa camera at sa lahat. Hindi na rin naman siya masaya sa ginagawa.

"Anong ibig mong sabihin? Hindi ka pwedeng basta-basta na lang magbakasyon. May shooting ka pa this week!" Nagpapanic na ani ng kanyang Manager. 

"There's a cheque on my wardrobe, give it to the producer of the drama. That's my payment for the damages."

Nailayo ni Gian ng kaunti ang cellphone niya nang biglang mapasigaw ang manager niya. Napangiwi siya, pakiramdam niya kasi ay nabasag ang eardrums niya. 

"What do you mean?!"

"Umaatras na ako sa kontrata. I'm no longer an Actor. I'm no longer happy with this career that's why I'm quiting." Simple at diretso niyang sagot. Tila ba nakahinga siya ng maluwag at nabawasan ang bigat na nararamdaman niya nang sabihin niya 'yon.

Tila ba naputol na ng mga oras na iyon ang mga tali na kumokontrol sa kanya. 

"Bumalik ka, Gian. Pag-usapan natin 'to---"

Hindi na niya tinapos ang sinasabi ng manager at kaagad na ibinaba ang tawag. Binuksan niya ang bintana ng bus at walang anu-ano'y itinapon ang cellphone sa daan na naging dahilan ng pagkasira nito. Wala ng makakahanap sa kanya, wala ng kokontrol sa buhay niya.

He's finally free.

Babalik na siya sa dati niyang buhay; noong hindi pa siya sikat. Babalik na siya sa lugar kung saan nagsimula ang lahat.

...

Nag-unat si Gian nang makababa na sa bus. Umabot din ng kalahating araw ang byahe niya papunta sa lugar na ito; sa probinsya ng San Martin. Iginala niya ang tingin. Malinis, presko, at nakakarelax pa rin ang lugar. Napangiti siya nang bumalik sa kanya lahat ng alaala noong dito pa sila naninirahan ng kanyang mga magulang; sa lugar kung saan nakatira ang yumaong lolo at lola niya.

Dito siya ipinanganak at dito rin siya magsisimula ng panibagong buhay. Mabuti na lang at pinanatili niyang sikreto sa media at sa lahat ang patungkol sa San Martin, na dito siya ipinanganak, kung hindi ay baka nahihirapan pa rin siya ngayon kung saan ba siya magtatago.

Inside The Mirror (BL)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon