Ako si Brianna,Isang simpleng babaeng nangangarap ng happy ending. Isa lang naman ang pangarap ko sa buhay yun ay mahanap ko yung lalaking hinding-hindi ako kayang iwan o saktan pero siguro sa panahon ngayon wala na sigurong ganun meron nga kaso parang iilan na lamang.
Isa lamang ako sa mga taong umaasa.Umaasa na sana dumating na yung taong nakatakda satin,Umaasa na sana hindi nalang tayo dapat masaktan,umaasa na dapat hindi na tayo dapat paluhain pa at umaasa na sana lahat nalang ng tao pag mahal nila ang isang tao sila na agad hanggang sa huli yung tipong hindi niyo na kailangan ng complicated na sitwasyon para pag hiwalayin kayo.
At Ito ang aking istorya.
Araw-araw akong gumigising na walang buhay,matamlay at mahina.Iniisip ko nalang lagi bakit ganun? Lahat nalang ng itinuturing kong prinsipe sa buhay ko iniiwan ako.Nangangako sila na hindi nila ako sasaktan hindi nila ako iiwan.Ilang prinsipe na ang dumaan sa buhay ko pero wala sakanila ang nagpatunay ng kanilang pangako. Totoo mga sinasabi nila "LAHAT NG PANGAKO AY NAPAPAKO."
Pumasok ako sa isang room na puro estudyante na tulad ko.Para akong nasa isang mundo na lahat hindi ako pinapansin lahat walang may pakielam sakin lahat ng tao manhid,bulag,pipe at bingi. Manhid dahil wala silang pakielam kung may masaktan man sila,Bulag sa mga taong nasa paligid nila kung kamusta ba siya or kailangan niya ng tulong,Pipe dahil hindi nila kayang magsalita ng magaganda,Bingi sa mga ibang opinyon ng mga tao. Yan ang araw-araw kong mundo.
Isa akong anak ng simpleng katulong sa isang malaking kaharian sa Macedona (Walang maisip) kaya lahat walang may paki sakin. Magulo ang buhay ko ngayon.Iniwan nanaman kasi ako ng Prinsipe ko nangako siya sakin at pinatunayan niya na mahal niya ko pero sinaktan at iniwan niya ko.
Lahat naman siguro ganun eh sa una ka lang nila itatratong prinsesa pero pag tumagal na para ka nalang basahan na tinatakpakan nalang. Masakit man pero yan ang buhay.
May isang hardin sa likod ng palasyo ngunit sabi nila bawal daw pumasok dun dahil hindi kana makakatakas dun dahil ang hardin na yun ay isang maze.
Subalit matigas ang ulo ko at wala sa katawan ko ang kaluluwa ko kaya't pumasok ako.
Hindi siya isang hardin lamang isa siyang napakalaki at magulong lugar. Alam mo yung tipong wala na talagang pag-asa parang buhay ko komplikado at wala nang pag-asang maayos pa.
Naglakad-lakad ako sa maze na iyon hindi ko alam kung saan ako pupunta masyadong maraming likuan parang sa totoong buhay pag pumasok ka sa isang komplikadong sitwasyon hindi mo alam kung saan ka pupunta kung saan ang tama at kung ano ang mali maiisip mo nalang siguro sa bandang dulo na tama sila wala na itong katapusan.
Hanggang sa naisip ko na bahala nalang kung saan ako dadalhin ng paa ko. Dumating yung oras na pagod na pagod na ako. Pagod na pagod na dahil sa kakaiisip kung ano nga ba ginagawa ko bakit bahala na ang ginagawa ko hindi ba mali tong ginagawa ko?
Sa kalagitnaan ng aking paglalakbay sa isang misteryong hardin na iyon may isa akong nakitang lalaki nakaupo siya at nakasandal sa isang malaking damuhan (imagine niyo nalang yung maze siya) na tila ba pagod ngunit siya'y nakangiti. Napaka gwapo niya ang ganda ng kanyang mga mata at makapal nyang kilay , matangos na ilong at kanyang mapupulang labi. Mukha siyang Prinsipe.
Lumingon siya sakin at ngumiti "Naligaw ka rin ba magandang binibini?." tumayo siya at lumapit sakin "Ahh, Hindi napadaan lamang ako." sagot ko habang nakatingin ako sa kanyang mga mata na tila bang inaakit ka. Tumawa siya at napakamot ng ulo "Ha? Napadaan lamang? hindi mo ba alam na wala pang nakakalabas dito?" naging seryoso ang mukha niya kahit ganun gwapo niya parin siya.
Tumingin ako sakanya at nakatitig din siya sakin biglang nalang siya nag salita "Pero seryoso ako magandang binibini wala pang nakakalabas dito dahil may mga pagsubok dito sa loob ng hardin na ito 4 na pag-subok upang makaalis at makawala ka dito sa magulo at komplikadong hardin na ito , Pero huwag kang matakot sakin hindi ako rapist mag nanakaw o kung ano man nasa isip mo andito lamang ako sa tabi mo at kailangan natin makawala dito sa madaling panahon."

BINABASA MO ANG
Once upon a time
RomanceMay iilang bagay na dapat nating malaman yun ay lahat ng bagay nangyayare na may rason.