CHAPTER 16
[GOLD’s Point Of View]
Naging close ko si Trishia ng gabing yon, although sinisingit singit niya ang pangalang River sa mga topic namin ay napapaiwas nalang ko, at minsan wala akong masabi, naging love adviser pa nga ako, paano daw ba niya sasabihin ang nararamdaman niya. Gusto daw niyang sabihin pero nahihiya siya, at for short gusto niyang maging boyfriend si River.
Pilit kong sinasabi nab aka masaktan ka lang sa gagawin mo, dahil alam naman namin na malapit si Miss. Betty kay River, baka sila or more than that. Pero pilit pa din ng pilit si Trishia na hindi, hindi daw sila magkarelasyon dahil nag-oopen up din daw si River sakanya about businesses and family, nasabi na din kaya ni River na sakanila ang Quarter Moon? I know dagdag pogi points kapag nasabi niya yon kay Trishia. At ito namang si Trishia, baka lalong mainlove.
“Magaling si River, vocalist marunong mag guitar, gwapo, matalino” isa sa mga text ni Trishia saakin, vocalist? Nakiki jam lang naman siya sa QM dahil wala silang ma recruit na kakanta dahil strikto ng lugar na yon, bawal tumugtog ng rock, lahat senti. Bawal mag-isa, dapat may kasama, bawal ugh-! Bawal ka mainlove sakanya! Dahil OO NA NGA GUSTO KO SI TRISHIA, I’M JUST HIDING MY FEELINGS kasi ayaw ko ng maulit ang nangyari saamin ni Angel.
Pinababayaan ko nalang si Trishia sa mga text niya, “Oo,” “Kaya mo yan” “Goodluck” lang ang mga naiitext ko kung topic si River. Di ko alam kung bakit, umiinit, kumukulo ang dugo ko kay River pero napagtanto ko, am I jealous or something? Para makaiwas na sa mga text ni Trishia ay, nag work out na muna ako sa isang gym malapit sa C. Heigths, magpapa abs ako, para mapansin ako ni Trishia haha.
Speaking of the devil nga naman dahil, andito si River nag wo-work out din.
“Bro! bago ka dito?”
“Ah- oo bro!” naki fist bump ako at ipinakilala niya ako sa mga instructors, kasamaang palad nga naman, sakanila pala itong fitness gym na ito.
“Ito si Brian, magpa instruct ka lang sakanya” tumango ako kay River at nagsimula akong nagpaturo ng mga dapat gawin dito sa Brian, matanda na siya at may mga babae din siyang tinuturuan. Mga basics lang muna ang ipinagawa saaming baguhan dahil nga noong high school ako isang bagsakan kong nagbuhat ng mga mabibigat, pag-uwi ko sa bahay nagka-trangkaso ako.
“Bat di mo kasama sila Trishia at Mary? Invite mo din sila minsan, ah nga pala, Premium card, sayo na yan, 50% discount” wow, akala ba neto di ako makakabayad ng fee? Pero ganun pa man.
“Ah salamat bro!” nagpupunas na ako ng pawis ko at uuwi na, 3 hours na din pala ko nakapag work out at heto na ang nararamdaman kong pagod at muscle pain.
“Hello Sir Gold!” sabi ng security guard, napa hand salute naman ako at hinihintay na bumukas ang elevator ng biglang may tumawag sa pangalan ko.
“Gold!” si Mary, may dalang bag, lalayas siya? Bakit siya umiiyak? Anong meron? Agad akong tumakbo palapit sakanya.
“San ka galing? Mary?” umiiyak pa din siya at bigla niya akong niyakap.
“Tahan na” binaplos ko yung likod niya. Para patahanin, galing pala siya sa kila Carlo at kinuha ang iba niyang gamit. Alas onse na ng gabi at kakauwi pa lang din niya? Eh sabay sabay lang kami umuwi kanina.
“Dun ka muna saamin, itetext ko nalang si Trishia” tumango siya, at nung nasa 39th na kami ay nag prepare lang ako ng sandwich at naligo na, amoy pawis kasi ako.
“Mary?” hinanap ko siya sa sala pero wala siya, hinanap ko sa kusina pero wala, nakita ko siya sa terrace, at may nakita akong umuusok, si Mary, nagyoyosi nanaman, malaki ang problema at halata sa mga mata niya, napa Japanese sit ako sa tabi habang tinitignan siya.
“Mahal mo pa ba siya Mary?” umiiyak siya
“Hindi na, sa ginawa niya? Hindi na” nap ailing siya at pinatay yung yosi niya sa may paso.
“Ano bang ginawa niya?” tanong ko.
“Nung naging kami, Masaya ako dahil akala ko, matatakpan niya ang mga sakit na nadarama ng puso ko, pero ngayong mag-iisang taon na kami, puro kasinungalingan lang pala ang lahat, ang tanga ko Gold!” napayakap nanaman siya saakin at ramdam ko ang bigat ng problema niya, sabihin ko din kayang nakita ko din si Carlo na my kasamang iba?
“Tahan na, sorry Mary”
“Sorry? Bat ka nag so-sorry? Ako nga sana mag sorry sayo dahil palagi akong ganito”
“Don’t be, sorry kasi may nalalaman din akong kagag*han ni Carlo, nung di pa kita nakilala” umiyak siya lalo at tumalikod saakin para magpunas ng luha.
“Sorry Mary, pero sana sinabi ko na sayo noon pa?”
“H-hindi, ayos lang yan, mas masaklap pa ang nabalitaan ko”
“Ano?” umiyak pa siya lalo
“P-pinagpustahan lang pala ako ng barkada niya”
“Sila Bronze?!”
“Hindi, Hindi kasali si Bronze, mabait si Bronze, sakanya ko nalaman ang lahat” akala ko kasama si Bronze, kung kasali man siya, masusuntok ko yun, dahil kung sakali, si Mary pa ang gagaguhin nila. Pero salamat naman kay Bronze mabait na siya ngayon.
“Ano plano mo? Move on kana Mary” lumapit ako sakanya at niyakap siya, at ginulo yung buhok niya.
“Gusto ko uminom?”
“Tubig, kape?”
“Yan ka nanaman eh! Haha” ayun, at tumawa na siya, tinawag namin si Trishia sa 26th at nahihiya daw siyang uminom dahil di pa siya nakakatikim ng alak dahil sa allergies niya, pinilit namin siya.
“Okay, wine nalang sayo Trish, kasi kapag di ka maexpose sa mga alcohols, lalong lalala, yang allergies mo” sabi ni Mary.
“Okay sige na nga”
Wala na sigurong tulugan ito, salamat at Saturday pala bukas. CHEERS FOR MARY’S MOVE ON
BINABASA MO ANG
Book 3: He's Hiding His Feelings 1 (COMPLETE)
Novela JuvenilPlayboy ang mga kapatid, pero siya hindi? Takot kasi siyang masaktan ulit. A battle of REAL love. RATED SPG COVER: Diposkan oleh ryuunosuke sarashiki PAALALA: Nanakaw po ang manuscript ko, kaya kung sino man po ang nakabasa neto sa ibang site san...