CHAPTER 20
[GOLDS POV]
Lubb-dubb, lubb-dubb, lubb-dubb tunog ng puso ko, dahil ngayong hapon iaa-anounce na kung sino ang may bagsak sa mga subjects namin. Hawak ko ang kamay ni Mary, at nagdadasal kami na sana walang bagsak saaming magbabarkada. Kasama naman ni Trishia si River.
“Okay! BS-BIOLOGY 1…. All passed!” naghiyawan kami at napatalon pa yung iba “Mary, Gold, maiwan kayo”
“Ano daw?” biglang sumimangot si Mary. At nanlaki ang mata sa kaba.
“Baka kakausapin lang tayo, chill ka lang”
“Miss Ressurrection?” sabi ng Dean of Arts and Sciences
“Yes po ma’am?” nasa likod ako ni Mary
“Mr. Santos?”
“Yes ma’am?” sagot ko, at pati ako kinakabahan na din.
“You may take your sit, base sa GWA niyo kayo ang representative sa class niyo, Valedictorian kayo sa pinanggalingan niyong school right? At may kamali ang registrar’s dahil nagbabayad pa din kayo ng tuition kahit full scholar kayo” napatingin ako kay Mary, mukhang naguguluhan.
“Pero ma’am ako po, di po nagbabayad” sabi ni Mary.
“Ah ako po ma’am nagbayad dahil sa books” oo, nagbabayad ako ng books, nagtaka nga ako noon, pero sana mai-refund.
“Ah, di kasi ako kumukuha ng books” di kumukuha ng books si Mary? Paano siya nakakareview? Galing talaga ng girlfriend ko.
“Ah, kay Gold lang, so, Gold, ire-refund namin yon, at you may get you refund sa registrar’s mamaya”
“Talaga ma’am?” mga fifteen thousand din ata yun ah.
“Yes and, please come on October 28th because, as I said, both of you are class representative of Biology, we have camping in Baguio, and wala kayong babayadan, sagot lahat ng school, so this are the waivers, sana payagan kayo” nagtitigan kami ni Mary, at may halong lungkot sa mata niya. “That’s it!”
“Oh, thank you ma’am happy semestral break!” naglakad kami ni Mary, naka holding hands, di ko siya matanong kung bakit siya malungkot kanina pa. Nakatingin lang ako sa mata niya.
“Ah, sa registrar’s tayo” sabi ko at umikot kami para dumaan sa registrar’s, tumatangingting na fifteen thousand pesos, ibabalik ko kaya kay Dad? O ipande-date kay Mary? Gusto ko siyang ipasyal sa bahay, pero di pa kasi opisyal na kami. Gusto ko muna siyang ligawan, pasiyahin at pakiligin.
“Bakit ang lungkot mo?” binabasa niya yung waiver na binigay ni Dean. “About ba dyan? Mom can sign for you” sabi ko pero umiling siya. Niyakap niya ako bigla at humagulgol siya sa iyak, nabigla ako I feel nervous sa ginawa niya, pero siguro about sa Baguio baka di siya payagan.
“Ayaw ko pumunta, takot ako Gold” takot?Ngayon ko lang siya narinig na takot, takot pala siya bumyahe?.
“Bat ka matatakot eh kasama naman ako” niyakap ko siya ng mas mahigpit.
“Eh kasi….” umiyak pa siya lalo, pero kumalas siya sa yakap niya. “Libre ka naman, nakuha mo na nga fifteen thousand mo” bigla niya akong tinapik sa braso, libre lang pala katapat niya.
“San mo gusto?”
“Kahit saan basta kasama kitang kakain”
“Ows! Nanlalambing ka ba?”
“Hindi, sa Mcdo nalang”
“Sa Grill and Restaurant nalang, business ng family ko”
“Talaga may restaurant kayo? Sige sige dun nalang!” excited siya
“Pero….”
“Ano?”
“Kiss muna!”
“Naku! Malandi ka” binuksan ko yung kotse at pinauna siya, ii-start ko n asana ng bigla niya akong sinungaban ng halik, may passion and love akong naramdaman, ang sarap kaya halos nag gantihan kami, at napalo niya ako sa braso ng naramdaman kong di siya makahinga sa ginawa ko.
“Hoo! Gold! Gusto mo ata akong mawalan ng oxygen”
“Hahaha! I love you Rans”
“Wag mo ko iiwan ah”
“Never babe”
Kumain kami syempre hinarana ko siya, mabuti at namulaklak ang rose na itinanim ni mom noong high school ako, nanghiram ako ng gunting at kunuha ng tatlong flowers. Kasing ganda ni mom ang bulaklak, ang ganda ng pagka kulay red niya, at fit for Mary, habang kinakanta ko ang Grow old with you, napapaiyak siya sa ginawa ko. Pinabayaan ko lang na mag-tilian ang mga taong nandoon.
“Wow, diba wala namang girlfried si Sir Gold?”
“Kanino kaya niya ibibigay yung mga roses?”
“Baka sa atin…. Tatlo oh”
After that dinner date, she cried in my shoulders, yung tono ng iyak niya ay parang may gusto siyang sabihin na hindi masabi.
“You can trust me Mary”
“Ayaw kong pumunta sa Baguio….Takot ako, takot akong baka mangyari ulit ang pinaka ayaw kong nightmare ng buhay ko….”
Tinignan ko siya sa mata, mata niyang magang maga na.
Ikinuwento niya ang nightmare ng buhay niya, ang Baguio Accident at isa nga don ang kuya niya sa mga casualty. Di ko na siya pina-explain pa, I know we need the seminar in Baguio, pero I respect the decision of Mary….
Hindi porket nabusted ka, hindi ka na makakahanap ng magmamahal sayo, minsan andiyan lang sila sa tabi mo, di mo lang sila napapansin dahil meron kang ibang gusto, pero try mong lumingon sa likod mo, andiyan ang isang kaibigang mag hihintay na mahalin mo.
Mabilisan mo man siyang nakuha, atlis totoo siya sa feelings niya, at totoo ka din sa feelings mo sa kanya.
Ang Love nahihintay yan, medyo matagal nga lang, pero hintay hintay lang dadating at dadating yan. Minsan INSTANT pa nga. :D
BINABASA MO ANG
Book 3: He's Hiding His Feelings 1 (COMPLETE)
Подростковая литератураPlayboy ang mga kapatid, pero siya hindi? Takot kasi siyang masaktan ulit. A battle of REAL love. RATED SPG COVER: Diposkan oleh ryuunosuke sarashiki PAALALA: Nanakaw po ang manuscript ko, kaya kung sino man po ang nakabasa neto sa ibang site san...