Tsismis na aking nasagap habang ako'y naglalakbay

74 0 0
                                    

        Ako ay isa sa mga kabataang sinasabihang di marunong makinig at magmasid sa mga nangyayari sa aming kapaligiran. Ngunit gusto kong mag bahagi ng mga ilang kwentong aking narinig at nasaksihan sa aking kapaligiran na nagmula sa mga kwento ng mga taong aking nakasabay sa aking Maikling paglalakbay patungo sa kung saan man.

                Naaalala ko pa yung katagang narinig ko sa isang batang babaeng kasama ang kanyang lola nung kame ay nasa jeep at napadaan sa isang maruming ilog. "Lola ang baho ng ilog" at ang sagot ng lola ay "Oo nga. magtakip ka ng ilong mo" at tinakpan nga ng bata ang kanyang ilong. ako din naman ay di ko matatanggi mabaho nga ang amoy ng ilog at marumi nga ito. habang ako ay nakatingin sa ilog ay nadinig ko ang kwento nung lola sa kanyang apo tungkol sa ilog "noon hindi ganyan karumi at kabaho ang ilog na iyan. nakakalungkot na nasilayan ko kung paano nagbago at nasira ang ilog na iyan." saktong nakalagpas na kami ng ilog at ilang minuto lang ay bumaba na ako. nang marinig ko iyon ako ay nakadama ng lungkot at panghihinayang dahil tulad ng apo niya di ko din nakita ang kagandahan ng ilog na iyon.

         ako'y sumakay uli ng jeep dahil ako ay patungong kalaw/lawton. pagsakay ko ay may magkasintahan akong nakasabay na kasing edad ko lang din siguro o mas matanda ako ng mga isa o dalawang taon sa kanila. naririnig kong sila ay nagtatalo tungkol sa isang simpleng bagay. "IKAW LALAKI KA! BA'T ANG TAGAL MO MAG REPLY KANINA SA MGA TEXT KO?!" sabi ng babae na galit at medyo malakas ang boses kaya napatingin kame sa napahiyang lalaki na pinagagalitan ng kanyang girlfriend.  sumagot ang lalaki ng "hindi ko lang kase malabas yung cp ko kase delikado at baka mahablot ng magnanakaw" mahinahon ngunit medyo asar ang tono nya. "PINAGHINTAY MO AKO AT DI KA PA NAGREREPLY SA MGA TEXT KO? SABIHIN MO NA YUNG TOTOO MAY KALANDIANG KA SIGURONG IBA SA TEXT O BAGO MO AKO PUNTAHAN AY MAY DINAANAN KA PANG BABAE NO?" sagot ng babaeng galit na galit na talaga at gusto na yatang sampalin ang boyfriend nya. at yung lalaki naman ay tumahimik sandali. parang may iniisip at biglang nagsalita "Hindi ako nambababae! 10mins ka lang nag antay sa akin feeling mo ilang oras kang nag antay? tas hindi ko nga lang malabas yung CP ko dahil delikado nga" naawa ako sa lalaki dahil sa ugali ng girlfriend nya. naisip ko sa sobrang advance ba ng ating teknolohiya ngayon ay required ng maging mabilis ang kilos nating lahat? bawal na ba tayong mabuhay ng mabagal? isa ba ito sa mga dahilan kung bakit umiikli ang life span nating mga tao?  at naisip ko din na ano naman kung late mag reply? bakit ang lola at lolo ko hindi naman nagrereklamo pag late nila natanggap ang tugon nila sa mga bawat sulat dahil kailangan pa itong ipadala sa post office sa maynila upang mapadala lamang sa probinsya. at isa pa mas mahaba ang isang minuto noong panahon ng lolo at lola ko kesa sa isang minuto natin ngayon?  Gusto ko man malaman kung maghihiwalay na ba sila o hindi pa ay kailangan ko ng bumaba sa lawton sa tapat ng post office mismo. sakto ako ay napaisip. "ito ay isa mga bagay na malaki ang naitulong sa ating mga tao noon ngunit ngayon ay tila wala na tayong pake at wala na siyang silbe sa ating pamumuhay" diretso akong naglakad patungo sa aking pupuntahan at ito ay ang aking paaralan.

        habang naglalakad may nakasabay akong grupo ng kapwa ko estudyante na naka civilian silang tatlo pero alam kong estudyante sila dahil may id sila. "pare bagsak tayo sa isa subject! Hahaha!" masayang sabi nung lalaking may hawak na yosi. "hahaha ano pa bang bago? eh lagi tayong absent dun sa subject na yun" sagot nung isa pa nyang kasama na nakainom yata dahil medyo namumula ang mukha nito. habang tahimik yung isang at bigla itong nagsalita. "brad babawi nalang ako next term hahaha" dahil ako ay nainis sa narinig ko ay binilisan ko ang lakad ko ng hindi ko sila marinig pero malakas ang boses nila at may isang tumatak sa isipan ko na nagmula sa bibig nila "okay lang bumagsak. may pambayad naman tayo sa tuition eh" medyo napaisip ako. dahil kawawang mga magulang na umaasa na makakahawak sila ng diploma ng kanila anak at makakaakyat ito ng stage at magkakaroon ng "kodak moments" At syempre umaasa din ang mga magulang nila ng mataas na marka. ngunit di nila alam may plano ang kanilang mga anak na maging summa (short for Sumasampung taon) hayy at sa wakas narating ko ang aking paaralan na puno ng bagong istorya ang aking isipan.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Aug 30, 2014 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Tsismis na aking nasagap habang ako'y naglalakbayTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon