CHAPTER 9
Samantha POV
Kakatapos lang namin magdinner, ako ang naka-assign mag wash ng dishes, so mabuti nalang at di ako bagong manicure kaya walang masisira na nail polish sakin.
after kong ma-wash lahat ng pinagkainan nagpunta muna ako sa room ko saka kinuha yung phone then lumabas na ulit ako sa room saka nagpunta sa sala at umupo sa couch.
wala dito sa sala yung girls, malamang nasa kanya-kanyang rooms na sila.
sumandal ako sa couch at tinignan yung phone ko, napaka-dami na namang unread messages. 143messages agad-agad, naghugas lang ako ng mga pinagkainan ang dami agad. na-floodtext na naman siguro ako nito dahil di ako nakapag-reply sa mga text-mates ko na college students.
binasa ko yung ibang text ng mga paborito kong katext, saka nagtipa ng irereply nang biglang may nag pop sa notif. area ng phone ko na tumataginting na SENDING FAILED.
Ohmygod!
bakit ngayon pa ako naubusan ng load! kaasar! napatingin ako sa wall clock sa sala, eight-thirty pm na pala. pero kailangan ko magpaload malapit lang naman eh, saka di ko keri na wala akong load magdamag.
tumayo na ako sa pagkakaupo sa couch saka pumasok sa room ko, nilapag ko muna sa kama yung phone ko saka kumuha ng hood jacket sa closet ko, pagkakuha ay sinuot ko na agad yun. kumuha lang ako ng 200peso bill sa wallet saka kinuha yung phone ko sa kama at nilagay to sa bulsa ng jacket, di ko na din pinalitan yung suot kong maong short.
lumabas na ako ng kwarto saka dare-daretsong lumabas ng bahay, paglabas ko ay tumawid ako sa kabilang kalsada saka naglakad ng konti papunta sa pinaka-malapit na sari-sari store. agad naman akong tumawag at lumabas din naman agad yung tindera.
"Paload po!!"
"anong load ganda."
"globe po."
pinindot pindot nung Ale yung 3210 niyang cellphone atsaka napakunot ang noong tumingin sakin.
"Ay sorry ganda ubos na yung load ko sa globe." kamot ulo niyang sabi kaya naman napangiwi ako.
"Hala, paano yan? saan pa po ba may tindahan ditong malapit?"
"Ay dun pa ganda sa may kanto." turo niya sa daan.
"Ah sige po."
naglakad na ako papunta dun sa sinabi ng Ale, hindi ko masyado kabisado yung lugar na to yung way lang papunta sa school ang kabisado ko, medyo boplaks pa naman ako sa directions.
napalunok ako.
may mga ilaw naman sa bawat poste, ang kaso lang.. walang katao-tao sa kalasada, Shaks! mag-nine palang naman bakit wala ng tao sa kalsada.
medyo malayo na ang nalalakad ko at tanaw ko na yung sinabi na tindahan, naka-hinga ako ng maluwag. Woh!
lumapit agad sa tindahan, may tatlong lalaki na nakaupo sa gilid nung tindahan pero di ko naman yun binigyan ng pansin, nagpaload na ako. pagkatapos ko magload ay kinuha ko yung phone ko sa bulsa ng jacket ko, habang naglalakad ay nagtitipa ako ng ireregister.
pagsend ko ay napansin ko na madami akong naririnig na yabag, hala! e kanina nga wala naman naglalakad dito, habang naglalakad pa din ay pasimple akong lumingon sa likod, only to find out na yung tatlong kalbo sa tindahan ay naglalakad din at parang sinusundan ako o baka mali ako.
binilisan ko yung lakad halos patakbo na nga e, pasimple ulit akong lumingon..
O.M.G!
sinusundan nga nila ako at ngayon tumatakbo na sila, para akong nakakita ng multo dahil kinilabutan ako at bumilis yung tibok ng puso ko, tumakbo na talaga ako dahil malapit na sila sakin. ang kaso..
BINABASA MO ANG
Fuckgirl SQUAD (COMPLETED)
Fiksi Umum-W A R N I N G !- this story contains mature content. Ang mga babaeng bida ay walang mga manners at puro kalokohan at kahalayan ang alam, sorry in advance sa mga di kaaya-ayang salita. Charooot! - Apat na magkakaibigang babae, pareho ng hilig, pareh...