CHAPTER 13

2.2K 39 0
                                    


Antoinette POV

Napangiti ako ng matanaw sa di kalayuan si Amanda habang nakalingkis ang mga kamay niya sa braso ng lalaking kasama niya.

"Aga lumande ng loka oh" natatawang sabi ko kay Martina na nasa tabi ko, inangat niya ang tingin mula sa librong binabasa. Tumaas lang ang isang kilay nito saka binalik ulit ang atensyon sa binabasa.

"Kita nalang tayo mamayang lunch ah?" Maarteng sabi ni Amanda sa lalaki saka mabilis itong hinalikan sa labi, napansin ko naman ang pamumula ng mukha ng mestisong lalaki bago naglakad palayo.

"Landi mo talaga" sabi ko kay Amanda saka kunyaring kukurutin siya sa singit.

"Aww! Toni ano ba" tatawa tawa niyang sabi kaya sabay kaming tinawanan ang isa't isa.

Napahinto kami sa pagtawa ng maagaw ang atensyon namin sa ground kung saan may kumpol ng mga istudyante doon.

"Let's go girls" sabi ni Martina saka tumayo at nauna ng maglakad, sumunod kami sa kanya ni Amanda.

Habang naglalakad kami papunta sa building namin ay nadaanan namin ang tumpok ng mga babaeng nasa gitna ng ground, medyo natigilan ako ng makita kung ano talaga ang nangyayari doon.

"Poor girl, siya nalang lagi ang napagtitripan ng mga seniors" rinig kong sabi ni Amanda, hindi naman maalis ang tingin ko sa kawawang babae na nakasalampak sa damuhan habang pinagtatawanan ng kapwa namin istudyante.

"Kawawa naman siya, tulungan kaya natin?" Biglang nasabi ko, pansin ko naman ang paghinto ni Amanda sa paglalakad kaya napahinto na din ako.

"Ano kaba Toni? Kakagaling lang natin sa detention room kahapon, gusto mo na naman bumalik? Wag kana nga makisali sa gulo ng iba" sabi niya saka hinawakan ang kamay ko saka hinatak na ako paalis.

Buong grade 7 year namin ay madalas namin makita ang kawawang babae na yun na binubully, minsan ay muntik ko na siyang lapitan at gusto kong ipagtanggol siya sa nangbubully sa kanya pero kapag napapatingin ako kay Amanda at Martina ay pinipigilan ko ang sarili ko.

Kapag kasi nasangkot sa gulo ang isa sa aming tatlo ay hindi natitiis ng dalawa ang makisali para tulungan ang isa sa away niya, kaya kung tutulungan ko iyong babae ay tyak na mapapaaway ako lalo na't mga sigang Seniors ang nangbubully sa kanya.

Dumating ang taon kung saan ay grade 8 na kaming tatlo, unang araw ng klase nun nang makita ko sa comfort room ang isang babae na basang basa, puro mantya ang kanyang uniform, may kung ano-anong dumi ang nasa ulo niya at nadikit sa kanyang buhok.

Lumapit ako sa may sink katabi niya saka binuksan ko ang gripo para maghugas ng kamay, di ko mapigilan ang sarili ko na tumingin sa salamin ang tignan ang repleksyon ng babae.

Natigilan ako ng makita ang babaeng palagi naming nakikitang pinagtitripan ng mga seniors, doon di ko napigilan ang sarili ko na kausapin siya, noong una ay hindi niya ako kinikibo pero dahil sa galing sa pang uuto gamit ang napakagaling kong bibig ay kinausap niya din ako.

Tinulungan ko siyang ayusin ang sarili niya, pinahiram ko din siya ng uniform noon, sinama ko siya sa cafeteria at sa table kung nasaan si Martina at Amanda noong una ay naiinis sakin si Amanda dahil nakialam na naman ako sa gulo ng iba, kaso ay hindi ko talaga kayang makita ang cute na babaeng to na inaapi.

Si Martina naman ay walang naging problema, ayos lang sa kanya na sumabay sa amin ang babae mag lunch, dun namin nalaman ang pangalan niya. Siya si Samantha, sobrang cute niya, maputi, mahaba ang buhok at may bangs, noong nagsalita siya ay napansin ko din na mayroon siyang braces, katulad ng pangalan niya ay maganda siya yung nga lang ay mukha siyang mahina kaya siguro palagi siyang pinagtitripan.

Fuckgirl SQUAD (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon