Kabanata 1
Tok.Tok.
Nagising ako ng may kumatok sa aking noo.Walangya! Nakitang natutulog pako! Kainis! Dahil wala na naman akong magawa umupo na lamang ako sa kama.
"Gising na Aki! Time for school. Get ready." nakapikit pa ako nung may nag sabi nun. Base sa boses alam kong si kuya Aldric yun. Tss. Nandito pala yun? Akala ko bukas pa ang uwi nun. Nakarinig ako ng pagsarado ng pinto, hudyat na nakalabas na si kuya.
Hays. School. Nakakatamad.
Tumayo na ako at nag unat unat bago kumuha ng towel at nagsimula ng maligo at mag ready.
"Good Morning Baby!" masiglang bati ni mommy sakin ng makaupo na ako sa table para kumain ng breakfast. Nanatili ang tingin niya sakin habang nakangiti kaya bago paman ako makapag simulang kumain ay mabilis na tumayo ako at humalik sakanya..
"Good Morning too mommy.." bumalik na ako sa upuan ko at nag simula ng kumain.
"Enjoy your food baby!"
"Yeah..Ahh.. Saan sil--"
"GOOD MORNING PRETTY LADIES!!!" hindi pa nga ako tapos sa tanong ko kay mommy ay nasagot na agad ang katanungan ko. Kung magtatanong kayo kung sino yung sumigaw? Daddy ko lang naman yun. Oo. Daddy ko.Lumapit siya sa amin ni mommy at binigyan kami ng tig iisang kiss.
"Asan na sina Aldric and Arianne? Bakit kayo lang?" tanong niya ng makaupo na siya sa chair niya..
"Still upstairs, baka bababa narin yun mayamaya.." sabi ni mommy ng nakangiti. Hindi nga siya nagkamali kasi pagkatapos ng pagkatapos niyang mag salita ay sabay na bumaba yung dalawa. Napatigil ulit ako sa pag kain ng dumating sina kuya at ate dahil ginugulo nila yung buhok ko. Lintik!
"Nagsuklay ako para maayos yung buhok ko tapos guguluhin niyo lang? Walangya!" hindi nila pinansin yung pagmamaktol ko at tumatawa lang sila habang papaupo sa kani kanilang mga upuan. Bwisit!
"Aren't you guys excited ?" masiglang tanong ni ate sakin at kay kuya.Hindi masyadong malayo ang age gap namin ni kuya kaya same lang ang school na pinapasukan namin kasi next year pa siya gagraduate. Bale 4th year highschool pa siya ngayon samantalang 3rd year naman ako.
At Oo! first day of school nga namin ngayon kaya nagtanong si ate kung excited ba kami o hindi.At ang sagot ko diyan? ISANG MALAKING HINDI!! pagod pa ako pumasok.tsk!
Imbes na sumagot ay binigyan ko nalang ng pinakamatamis ko na ngiti si ate kaya kinurot niya ang pisngi ko dahilan para mapakunot ang mukha ko na ikinatawa nilang lahat. Leche! Wala talaga ako sa mood ngayon kaya hindu ako makakasabay sa mga biruan nila.
Si kuya naman ang tinignan ni ate.Si ate Viera ang pinakamatanda sa amin mag kakapatid at ako ang pinakabata and I hate it! Kasi ang daming bawal!
"How about you Al? Excited kaba?"
"Maybe? Tss. Nah!" sabi niya sabay iling. Ang malaking ngiti ni ate ay napalitan ng simangot.
"At bakit hindi ka man lang na excite? Ha! Si Aki nga sobrang excited eh ikaw hindi? Aba!" tss. If only you knew. Baka nakahiga pako sa kama ko ngayon kung hindi lang ako ginising ng lalakeng yan. Tss. At siya pa yung hindi excited samin ha? Kapal!
Nagpatuloy sila sa pag uusap at tawanan habang ako ay nagpatuloy lang sa pagkain at nanatiling tahimk at nakikinig lang sa kanila.
YOU ARE READING
Wake Up Eccedentesiast
Teen FictionIm a girl wearing a beautiful smile behind a fading heart..