Prologue

0 0 0
                                    

Paulit-ulit kong iniikot ang tingin ko sa kisame habang nagriring ang kabilang linya. Wala pa ring sumasagot.

"Isa pa, pag eto wala na talaga, tama na. Ako na bahala." Bulong ko sa sarili ko at nag-dial na naman ng isa pang number.

Nagring ito ng ilang segundo at...

"DEN!" napasigaw ako nang may sumagot na sa mga tinatawagan ko.

Kanina pa kasi ako tumatawag sa mga friends ko. Well, I think they're really busy with work, their own lives.

"Yuh?" she answered. Medyo maingay sa kabilang linya, and I do understand why.

"Uhm, ano. Wala ka pa rin bang raket dyan o kahit anong pwede pang pagkakakitaan? New films to produce? Series? Or kahit photoshoots? Gipit na gipit na kasi talaga ako sa mga bayarin this month eh." Tinry kong magpaawa hangga't kaya ko, sana effective! I even pouted although 'di niya naman makikita.

"Kae, sorry. Wala talaga akong maitutulong sa'yo ngayon. Actually nagle-lay off na nga sila ng mga staff dito e." If I could see my face right now, I think I really look disappointed. As usual, still unemployed.

"Ay, ganun ba. Sorry talaga sa abala ah." In the back of my mind I was still wishing na sana may chance pa.

"Alam mo Kae, paulit-ulit ko nang sinasabi 'to sa'yo pero sana naman tumatak sa isip mo. Bumalik ka nalang sa pag-aaral mo. In fact, your family has the means--they have more than the means to support you." I felt a slight pang of pain in the chest. I kept on hearing this shit. Naiinis ako.

"Den, no offense, but should I keep doing things that I don't want to do? Sunud-sunuran na lang ba ako lagi sa mga magulang ko sa kung ano yung ideal future nila para sa akin? Hell no, this is my own life. I decide to live it on my own, away and independent from them. Sana naman respetuhin mo dssisyon ko."

"Damn it, fine, just a friendly advice, sana pag-isipan mo muna yung balak mong gawin sa buhay mo ha. Kasi ikaw lang nagpapahirap sa sarili mo eh--" I ended the call bago pa ako mapuno.

I almost crumpled the monthly bills on my hand. No, I won't cry.

Hindi kasi nila naiintindihan.

That is not what I want to hear. Again.

So much for "good" friends.

Damn. Sinubukan ko rin naman kasing gawin kung ano ang gusto ng mga magulang ko para sa'kin. Lahat ng achievements na inexpect nila sa akin, I even exceeded it.

Pero nakakapagod din na mag-comply sa gusto ng mga tao na nakakaligtaan mo na talaga yung sarili mong pangarap.

Oo, I chose a small apartment over our family's mansion. I chose a complicated life rather than having all the things I want in a snap.

Sabi nila, sinayang ko daw yung mga oportunidad na binigay sa akin ng mga pagkakataon.

But one time, a person made me realize that your own genuine happiness will always be fulfilling rather than meeting expectations of others.

And I know, he was right.

I made the right decision.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Mar 29, 2019 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Loose EndsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon