Fairytail Book Club

66 6 14
                                    


Fairytail Book Club

Takdang-aralin sa Pagkomento at Pagboboto lang po ang makikita natin dito sa libro na ito.

Basahin ng mabuti dahil hindi po namin tatanggapin ang sinong lumabag o hindi sinunod ang mga simpleng patakaran lamang.


Ang misyon namin ay gawaran ang mga Pilipinong manunulat na ibahagi ang kanilang akda. Misyon namin na bigyang pansin ang mga akdang hindi nabibigyan ng halaga sa mundo ng Wattpad.

Kahit anong klaseng kuwento ay puwedeng-puwede sa libro na ito dahil walang pinipili o minamaliit ang aming libro.

Hindi namin hahayaan na kayo ay mawawalan ng gana sa pagsulat ng isang akda, dahil may mga manunulat na kapag pumasok sila sa ganitong klaseng mundo, kakainin nila ang mga ibabatong insulto. Kailangan lang nating maging matatag sa anong oras para maging handa ka sa lahat ng panahon na darating.

Rule #1 — Bukas kami sa mga Pilipinong manunulat. I-follow lang ang account na ito at idagdag ang aming libro sa inyong Reading List at Library.

Rule #2 — Dapat responsable kayong gumawa at tumapos ng mga takdang-aralin dahil kapag hindi niyo ita mabasa ng maigi ay huwag ng pag-aksayahan ang libro na ito at huwag narin sumali pa. Ang aming misyon dito ay tulungan kayo hindi bantayan ang mga ikinikilos niyo.

Rule #3 — Tagalog at Taglish lamang ang tinatanggap namin dito dahil gusto namin na makadiskubre ng mga manunulat na gumagamit parin ng malilikhaing salita gamit ang tunay na lengguwahe. Malay natin na magugustuhan niyo ang kuwento sa isa't-isa.

Dapat kapag sumali sa librong ito ay dapat may naisulat na 3-5 na mga kabanata. Hindi kasali ang synopsis, foreword, introduction o ano pang hindi parte ng kuwento.

Rule #4 — May dalawa kayong pagpipilian; magbabasa ka ng 3 na kabanata o 5 na kabanata. May apat na manunulat ang magbibigay ng komento at boto sa isa't-isa kapag tatlong kabanata ang iyong babasahin. Tatlong manunulat naman kapag limang kabanata ang babasahin.

Rule #5 — Isa hanggang tatlong (1-3) istorya lang po ang aming tatanggapin para naman mabigyan ng tyansa ang iba pang gustong sumali. 

Kung hindi kayo komportableng magbasa ng may mga Sexual Plots, LGBT, Horror, Mystery/ Thriller o ano pang klaseng genre na hindi nababagay sa panlasa niyo ay hindi namin kayo igugrupo sa isa't-isa.

Magbigay lang ng mensahe sa account namin kapag nakaengkwentro kayo ng ganitong klaseng pagkakamali.

Rule #6 — Magbigay ng mga kumento na makakatulong sa ating mga manunulat kung kayo ay magaling sa pagtama ng mga mali.

Hinihikayat namin kayo na huwag gumamit ng mga masasakit na mga salita dahil makakawala ito ng gana sa ating mga manunulat. Hindi po namin kayang humanap pa ng iba kung kayo ay mawawala, importante kayo sa librong ito kaya sana ay bigyan niyo ito ng pansin. Gumamit ng puwede, ang maitutulong ko, mas maganda, hindi naman mali pero o ano pang mga salita na hindi makakasakit ng damdamin sa ating mga manunulat.

Klaruhin lamang ang mga salita at mga komento para may matutunan ang ating mambabasa sa kanilang mga kamalian kung meron man.

Rule #7 — Maging palakaibigan at iwasan ang pag-aaway dahil lang sa maliit na rason. Hindi lang ang mga admins dito ang dapat respetuhin pati na din ang kapwa mong manunulat. Hindi namin hinahayaang papasukin ang mga ganitong klaseng manunulat dahil hindi kami naghahanap ng mga manunulat na may mga magagaspang na ugali, may kayabangan at mahilig sa pagbibigay ng mga masasakit na komento.

Kung hindi kayo kumportable sa naging kagrupo niyo ay pwede niyo kaming bigyan ng mensahe para maitama agad natin o maayos agad ang problema.

Rule #8 — Bibigyan lamang kayo ng isang (1) linggo para tapusin ang inyong mga takdang aralin. Ang ating updates ay tuwing sabado at desisyon namin ang dapat sundin.

Rule #9 — Bibigyan lamang kayo ng tatlong linggo kapag gustong mag-hiatus. Kung hindi kayo babalik ay matatanggal kayo sa Guild Members. At kapag gusto niyong bumalik ay mag-sign-up nalang ulit.

Rules #10 — Kapag naintindihan niyo ang aming patakaran at nabasa ng mabuti ay simpleng magkomento ng 'Naiintindihan ko' para malaman namin na isa ba kayong responsable.

Kapag nagsimula na kayong gawin ang takdang-aralin ay magsisimula kayong magtrabaho bilang isang Mage.

Fairytail Book ClubWhere stories live. Discover now