"Oh sige Aya. Mag iingat ka"
Tumango ako at naglihis na kami ng daan ni Bethany. Naglakad ako pauwi ng bahay. Nakasanayan ko na kasi at saka sayang naman ang pamasahe sa tricycle. Ilalagay ko nalang sa alkansya yung 8 pesos ko.
Pagdating sa bahay, agad akong nagbihis at saka kinuha yung mga sinampay sa likod ng bahay at nilagay ko muna sa sofa. Mamaya ko nalang yun titiklopin. Kinuha ko yung mga maruruming damit at nag simula na akong mag laba.
1pm palang kasi. Half day kami sa skwelahan kasi may meeting daw yung mga teachers. Sayang naman ang oras. Tsaka wala naman kaming assignment o proyekto. Kawawa naman kasi si Mama. Pagdating niya galing trabaho siya pa ang mga lalaba. Ang kapatid ko kasi busy. Maraming inaatupag sa skwelahan. Senior high kasi kaya ganoon.
Pagkatapos kong maglaba, sinampay ko na sa sampayan. Naligo ako ulit at nag simula nang mag tiklop ng damit habang nakikinig ng kanta.
"Ate! Pakibuksan nga tong gate"
Sigaw ng magaling kong kapatid. Kinuha ko yung susi sa gate at saka binuksan. Nagtataka ako kung bakit umuwi ng maaga tong isang to. Madalas kasi siyang gabihin kung umuwi. At saka alam niya ata na ako yung nandito sa loob ng bahay?
"Bat ang aga mo ata, Kian?"
Hindi man lang ako sinagot. Pumunta agad sa kwarto niya.
"Wala kasing mga guro. Ewan ko ba! Nakakairita sila. Di man lang magsasabi na di sila papasok ngayon. Sayang ang pamasahe ng mga studyante. Bwesit"
Nakabihis na siya ng pang bahay at saka ini-on yung TV. Pinatay ko na rin yung music ko.
"Ganoon talaga. Di ka pa sanay?"
"Tss. Nakakainis lang. Sobrang antok ko kaya nung ginising ako ni mama kanina"
"Tulungan mo nga ako mag tiklop."
Tinulungan naman ako ni Kian. Sa totoo lang. Wala naman kaming problema na magkakapatid. Nagkakasundo kami sa lahat ng bahay. Nga lang, nag aaway din kami minsan. Lalo na sa TV at saka sa Bluetooth speaker. Isa lang kasi speaker namin kaya madalas naming pag awayan.
"Ate may project nga pala kami. Pero matagal pa naman ang deadline nun"
"Oh? Ano ba yan? May maitutulong ba ako?"
"Wala. Kaya ko naman. Pero medyo mahal kasi"
"Manghingi ka kay Mama. Sweldo naman bukas."
Tumingin siya sakin na akala mo may ginawa akong masama.
" 'bat mo alam?"
"Sinabi niya kanina pag alis mo. Oh ikaw na ang mag ligpit niyan sa aparador ni mama ha."
"Oh? Tapos ikaw mag ligpit ng sakin at sayo?"
"Ikaw na din. Bibili ako ng meryienda"
"Oh sige. Banana que yung akin ha.
Ngumiti lang ako at umakyat sa taas para mag bihis.
"25 pesos lahat ija"
Binigyan ko ng 50 si Manang. Kumuha naman siya ng panukli at binigay sa akin.
"Salamat po. Mauna na po ako"
Ngumiti si Manang at tumango.
Naglakad na ako patungo sa bahay. Malapit lang yung binilhan ko ng snacks kaya mabilis din akong nakarating sa bahay.
Ni lagay ko sa lamesa yung binili kong saging at saka turon. Tinawag ko naman si Kian.
"Kian!"
BINABASA MO ANG
Remain (BTS JIMIN)
FanfictionOne of the BigHit staff is kinda stressful but she need this job for her to go to College. What if being staff, will turn ger world upside down? Will she find her 'seoul-mate'? Is Jimin really her 'seoul-mate'?