Bestfriends

986 22 3
                                    

Ck's POV

Alam niyo ba ang pakiramdam na gustong gusto mo siya kaya lang hindi pwede? Gustong gusto mo siya kaya lang natatakot ka,natatakot ka na baka sa isang iglap ay mawala ang lahat ng kung ano man ang meron kayo ngayon.I'm afraid of telling her how I feel.I'm afraid of being rejected.I'm afraid na baka she doesn't feel the same way as I do.And I'm afraid of losing her,I'm afraid of losing my bestfriend.Yeah you heard it right.My bestfriend.We've been bestfriends since we're in our diapers.Her name is Vivoree Esclito,morena,maganda,cute rin pagnagagalit,matalino,mabait,mapagmahal,masayahin lang,halos lahat na nga na sa kaniya na,she's perfect in every kind of way.Pero ang pinakanagustohan ko talaga sa kaniya ay ang passion niya sa pagkanta,her voice made me fall inlove with her even more. Magkaibigan kasi mga mommy namin at chaka magkakapit bahay lang kami.I've been inlove with her since Junior high,noong kinomfort niya ako dahil iniwan kami ni papa.Di ko na namalayan na nahuhulog ako sa kaniya hanggang sa narealise ko na lang na bumibilis ang tibok ng puso ko sa tuwing nakangiti siya sakin,umaakbay siya sakin,hinahalikan ako sa pisngi,niyayakap ako,kinakantahan ako at higit sa lahat..sa tuwing tinatry niya na patawanin ako sa worst days ko.Kaya inlove ako sa kaniya ng todo.Pero hindi ko alam kung pano ko to sasabihin sa kaniya.Hindi ko kayang mawala siya sakin.Kaya naman heto ako ngayon nakatulala lang sa kaniya na nagprapractice ng cheering.Iniisip kung pano ko ba to sasabihin sa kaniya ng hindi masisira ang friendship namin.

"Huy! Foo nakatulala kananaman eh!"-Nabalik na ako sa katotohanan nung lumapit na siya sakin.Tapos na pala silang pumraktis.Tumingin ako sa kaniya at nakitang hinihingal siya kaya binigyan ko siya ng tubig.Nagpasalamat siya at tumabi na sakin sa pag-upo.

"So bakit ka ba natutulala diyan? May problema ba?" -sabi niya sabay uminom ng tubig.

"Aahmm wala,may iniisip lang ako.Hindi naman importante eh."

"Sigurado ka? Ang seryoso mo kasi kanina eh."

"Di ok lang talaga ako,bumihis kana sa locker room niyo para makapunta na tayo ng park."

"Ah sege sege,intayin mo na lang ako sa labas ng school"-sabi niya sabay halik sa pisngi ko at lumabas na ng gym.Bumilis nanaman yung tibok ng puso ko nun.Hayst Vivoree Esclito,ang lakas ng epekto mo sakin.Lumabas na rin ako ng gym at hinintay na siya sa labas ng gate ng school.Maya maya pa ay lumabas na rin siya na naka jeans at white 3/4 na na suot niya kanina.Wala kasi kaming school uniform kaya naman masusuot talaga namin kung ano yung gusto naming suotin.Pero syempre may rules and regulations rin ang school diyan.

"Let's go?" Ngumiti siya at ngumiti rin ako pabalik.

"Let's go!"

Umakbay ako sa kaniya at nagsimula na kaming maglakad papuntang park.Friday kasi ngayon kaya pupunta muna kami ng park bago umuwi.Nakasanayan na kasi namin na pumunta sa park tuwing friday kasi maraming bilihin don tuwing friday.Chaka may pamovie night sila don.

Nakarating na kami ni Vivoree don at dumiretso na agad kami sa may gitna ng park kung saan nagpapalabas ng pelikula.Medyo marami-rami na rin ang tao dito kaya umupo na agad kami sa may bakanteng upoan para di na maagawan pa.Nasa likuran kami nakaupo,madami na kasing nakaupo sa unahan eh.Ang daming couples ngayon dito,halos lahat nga eh.

"Uy V bibili muna ako ng makakain,gutom narin kasi ako eh."-ako

"Hahaha sege ako na ang bahala dito.Bumalik ka agad ah?"

"Ok po" at ngumiti lang siya nun.Ang ganda talaga ng bestfriend ko.Napangiti na rin ako at pumunta sa nagtitinda ng mga popcorn at iba pa.

"Kuya pabili po,isang popcorn na large at dalawang cheesedog chaka soda dalawa rin po."-sabi ko sa nagtitinda.

"Aah sege po wait lang po sir"-sabi niya at tumango lang ako.

Tumingin ako kung saan naka pwesto si Vivoree at nakitang tumitingin rin siya sakin.Nung nakita niya akong tumingin umiwas na lang siya ng tingin.Na curious naman ako don.Kadalasan kasi ngumingiti siya sakin pag ganon.

KierVi  ImaginesWhere stories live. Discover now