KABANATA 04

43 6 1
                                    

BOY MEETS GIRL

Hanggang ngayon hindi parin kami nagpapansinan ni Mommy dahil sa nangyare kahapon, alam ko namang mali ako eh aaminin ko iyon pero hindi naman din tama na ganito na lang kami hanggang mamaya ayaw kung pati presence ni Mmommy sakin mawawala narin.

"Mommy tulongan ko na po kayo" Ani ko kay mommy habang tinutulongan siyang iligpit ang mga kinainan namin "Wag na.. Malelate na kayo"

"Whoo! ang lamig ng panahon.. Kaya wag mo nang sabayan, okay? Pagsinabi kung tutulong ako tutulong talaga ako diba? Remember? I'm your Only Marie at your service Ma'am!" Napaka cringe man pakinggan ang pangalang Marie alam kung ito lang ang paraan mapangiti ko si Mommy ang tawagin ang sarili ko sa pangalang hindi ko gusto.

Nag salute sign ako buti na lang napangiti ko si Mommy "Hoy Ate kung kailangan mo ng baon kay Daddy ka humingi walang budget si Mommy ngayon.. Padalian na lang pwede malelate na ako."

"Tss.."  Inirapan ko lamang si Kaye at binalik ang tingin ko kay Mommy "Tama kapatid mo.. Sige na ingat kayo" Ani ni Mommy habang kinukuha sakin ang plato na dala dala ko "Mommy naman pati ba naman kayo maniniwala sa unano nayun?"

"NARINIG KO YUN!" Sigaw ni Kaye mula sa labas.

"Sige na ingat kayo." Nginitian ko na lang si Mommy at hinalikan sa pisngi, bago pa man ako napatalikod tinawag niya ulit ako "Kelly..."

"Ano iyon Mommy?"

"Wag munang uulitin iyon"

Gustohin ko mang yakapin siya ulit pero ang ingay na ng sasakyan namin sa pag seserbato "Hinding hindi na." Ang sarap sa pakiramdam nakangiti na ulit ang Dragon kung Mommy.



---

"Woah ate ang ganda!"  Paghangang tugon ni Kaye habang patingin tingin sa paligid mula bintana ng kotse ni Dada "Sige na bumaba na kayo, enjoy!" Ani ni Dada samin "Bye Dada ingat!" ani ni Kaye habang ako wave ng wave lang kay Dada.

"Wow Ate ang ganda."

"Hoy unano hindi mo first time makapunta dito wag kang ignorante." Pang-aasar ko sakaniya "Ang ibig ko lang naman sabihin ang mga Studyante sa paligid karamihan na ang naka uniform ang Ganda lang tignan.. Tsk tsk kulang karin ng common sense eh noh?"

"Eh kung sapakin kaya kita jan." Lumayo naman ito sakin at at nagpaalam. Hindi naka uniform ngayon si Kaye dahil naubusan siya ng stock pero within this week makukuha na rin niya ang uniform niya.

Heto na naman tayo papasok na naman ako sa campus na pagtitinginan ako ng mga Studyante aaminin kung mayabang ako pero alam ko ring kaya kung gamitin ang salitang limitasyon sa sarili ko.

"Hoy bethy antayin mo ako!!"

Pagpasok ng pagpasok ko ng campus halos magbanggaan na ang mga studyante sa harapan ko.

 "Anong nangyare?"

"Anong meron?"

Paulit ulit ko yang sinasabi sa mga taong naakakasalubong ko pero sarili ko lang ata ang kausap ko ngayon. "Kelly?" Napaharap agad ako dahil kilalangkilala ko ang boses sa taong tumawag sa pangalan ko.

"Willy.." Napatingin ako sa gilid niya naiimagine ko na lang na katabi niya si Dindo ngayon at nakangiting nakaharap sakin, napangiti na rin ako dahil dun.

"May balita ka na ba kay Dindo?" Malungkot nitong tanong nilapitan ko ito at hinawakan sa magkabilang pisngi "Hindi tayo mag-aantay ng kahit anong impormasyon tungkol kay Dindo.. Tayo mismo ang hahanap ng balita tungkol sakaniya. Gets?"

Napatango na lamang ito at hinawakan ang Magkabilang kamay ko mula sa pisngi niya "Wag mo akong iiwan ah?" sinapak ko naman agad ito sa braso "Baliw kaba? Hinding hindi ko kayo iiwan ni Dindo."

"Aray naman biro lang.." Napangisi naman ito ng kunti, buti naman din sa ganon.

Magkasabay kaming humanap ng pangalan namin mula sa mga assign Classroms ng Grade 10 "1st section tayo Kelly." Ani ni Willy. Pagpasok ng pagpasok namin sa Bagong classroom namin nakakapanibago dahil lahat sila hindi nakatingin sakin gaya ng nakasanayan ko tuwing 1st day of school ng W.U.

"Anong meron?" Pagtatakang tanong ni Willy pati rin naman ako tinatanong yan sa sarili ko kanina hanggang ngayon.. Lahat ng studyante nag bulong bulongan may mga muka pa rin naman akong nakikilala rito.



---

Nagsimula ng magpakilala ang New Adviser namin si Ma'am Meryjane Quipod inshort daw Mary parang ayaw ko ata banggitin pangalan niya.

"Hindi naman ata bagay sakaniya ang pangalang Direk.. Baka Manuel? O hindi kaya John?"

"Daniel ata.."

"Luke sana para naman matchy matchy kami. Luke Lucy diba?"

Halos naagaw ata ang atensyon ko sa Tatlong chipmunks sa harapan namin ni Willy ah "Oh ano nanaman yan sasapakin mo sila?" Tss.. Pasalamat lang tong tatlong to pinigilan ako ni Willy handang handa na sana ako eh.



---

"Dadaan muna ako sa locker ko mauna ka na sa library susunod lang ako." ani ko kay Willy, sumunod naman siya. 

"Bakit ba hanggang ngayon parang walang nagbago sa mga libro ng skwelahan nato ang kakaapal" Bulong ko sa sarili ko habang nilalagay isa isa ang mga libro ko sa locker. "Ms. wala na bang masyadong babae sa labas?" Tanong ng isang lalakeng nakatago sa gilid ng locker.

Hindi ko na lang ito pinansin at patuloy parin sa paglalagay ng libro. "Bingi kaba?" 

"Anak ng tokwa.." Napatalon ako dahil biglang sumilip ang nakaupong lalake sa gilid ng locker napagkamalan ko tuloy'ng tyanak na bigla biglang sumisilip, sinara ko agad ang locker ko upang aalis na sana kaso agad akong hinila ng tyanak at nagtago sa likod ko.

"Ano ba!?" Pagrereklamo kung tugon, kaso mas lalo niya akong hinigpitang hawakan ang magkabilang balikat ko. "Ngayon lang to miss, ihatid mo lang ako sa C.R.. Please..Please" Pagmamakaawa niya.

'Ihatid? Ano ako alalay ng Tyanak na to?'

Naglakad nalang ako kahit ang sakit sakit na ng balikat ko dahil sa pagkahawak niya. 'Ah ganon?'

Nang nakalayo na kami ng locker bigla kung ginawa ang plano ko makaalis lang ako sa tyanak na to.

"TULONG MANYAK! TULONG!!"

Agad bumitaw sa pagkakahawak si Tyanak at halatang galit na galit pinagtitinginan na siya ngayon ng mga studyante  "Nagkakamali kayo.." Gusto kung tumawa sa reaksyon ng muka niya.. Pero hindi ipakita mo sakaniyang naiirita karin.

"Don't...you..dare..touch me." Bilin ko sakaniya sabay pagpag sa dalawa kung balikat.

She's more than just a girlWhere stories live. Discover now