Jack Sebastian's POV
What just happened? Anong nang yari kanina? Bakit gano'n? Noong una it felt like nothing pero nung tumagal, nagiging exciting. Am I falling in love? Or maybe I'm just attracted kasi cute siya, oo sige napaka ganda niya for a probinsyana girl pero the biggest question is, will I ever see her again?
Dinampot ko ang cellphone ko sa kama.
'Clara Edosma' tinype ko sa notes. Beautiful, kind or maybe there's no reason why I'm typing this. I can't stop thinking about her, her smile is the most beautiful thing I have ever seen.
Sinearch ko siya sa social media pero walang lumalabas na Clara Edosma, ang labo naman. Baka di uso sa probinsya nila. Pinag pa bukas ko na ang pag iisip sa kaniya at natulog na ako.
***
"Ma, punta akong clinic ni Doc ah?" Sabi ko habang nag lalakad ako papuntang pinto.
"Pero di mo naman check up ngayon ah?" Tanong ni Mama.
"Uhm, may checheck lang ako, Ma. Balik rin po ako agad." Sabi ko, pumayag naman si Mama at nag patuloy na ako.
Naka rating na ako sa clinic ni Doc, hinintay ko siya do'n pero, wala. Paulit ulit akong sumisilip sa pinto pero paulit ulit din akong nadidismaya.
Lumabas ako at nag lakad papuntang bayan. Nagutom ako. Ang usok sa dadaanan ko, terminal ng bus.
Bigla akong napa lingon... and there she is kasama ang Nanay niya. Nakaupong hinihintay ang bus na sasakyan niya wait?! uuwi na siya, pano na 'yon?!
Alam kong mabilis 'tong nangyari pero, gusto ko na siya. Anong gagawin ko! Ahhhhhhh! Dumukot ako sa bulsa ko. Kinuwa ko ang wallet ko. This is it.
Umupo ako medyo malayo sa kanila. Kinakabahan ako sa gagawin ko. Wala akong dalang damit, 'tong sweater lang.
Bigla silang tumayo ng may dumating na bus, tinignan ko kung saan papunta. Grabe ang layo, itutuloy ko pa ba 'to o wag na? Kinakabahan ako, pero baka di ko na siya makita kung di ko to ituloy, ahggg! Ang sakit sa utak.
Bahala na. Tumayo ako at sumakay sa bus, sinuot ko ang hoodie ko at nag patuloy sa pag lakad hanggang mapunta yung likod.
Mas bumilis ang tibok ng puso ko. Asa pinaka dulo ako ng bus at apat na upuan sila mula sa kinauupuan ko.
Umandar na ang bus, wala akong naka tabi which is good. Ilang minuto naring umaandar ang bus at nag simula ng maningil ang konduktor.
"Manong, tuloy tuloy po ba to?" Tanong ko sa kundoktor ng makapunta sa pwesto ko.
"Oo, boy. Bat naiihi ka ba o nadudumi?"
"Ah hindi po ah manong, ilang oras po byahe? Malayo pa po ba?" Tanong ko.
"Mga tatlong oras pa, boy, matulog ka muna." Sagot ni Manong. In fairness, caring HAHAHAHA.
*Beep beep*
Dinukot ko ang cellphone ko.
"Anak, asan ka na?" From Mama dear.
Oh shit. Anong sasabihin ko? Di ko muna ni replyan si Mama. Pinatay ko ang cellphone ko. Nakakakosensya, mag aalala sakin ng sobra si Mama. Ahhhh!
"Hijo, maari ba tayong mag palit ng pwesto?" Rinig kong sinabi ng matanda. Tinignan lang siya ng katabi niya. Nakakainis 'yon ah.
Tumungtong si Clara sa upuan niya at humarap kay Lola. "La, dito na po kayo sa pwesto ko."
"Oh maraming salamat naman, Hija." Ngumiti si Lola at tumayo.
YOU ARE READING
Risking My Ephemeral Heart
RomanceDo you believe in love at first bond? Siguro malabo pero that thing happened to me. She's the first and last woman I've ever loved. This is our lovely story, a fast story I guess yet it will last for a lifetime, for us. Wala ng kwenta kung mabubuhay...