Chapter 50

4.1K 53 13
                                    

"Madam, akala ko po ba ay magsa-shopping tayo? Bakit parang papunta po tayo ngayon sa bahay nina Miggy at Francine?" pag-aalala ni Yaya Seba habang nakasakay sila sa kotse nang nagmamanehong si Miranda

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

"Madam, akala ko po ba ay magsa-shopping tayo? Bakit parang papunta po tayo ngayon sa bahay nina Miggy at Francine?" pag-aalala ni Yaya Seba habang nakasakay sila sa kotse nang nagmamanehong si Miranda. "Madam, ano po bang binabalak nyo?"

"Puwede bang manahimik ka na lang, Seba? Puro ka dada, wala ka namang naitutulong." Iniliko ni Miranda ang kotse papasok sa isang subdivision. "Bakit? Ang akala mo ba ay talagang hahayaan ko na lang na gano'n-ganunin ng Vera na iyon ang anak ko? Over my dead body! Kailangan may gawin akong paraan para mawala na ang lintang iyon sa buhay ng mag-asawa."

"Pero Madam, hindi ho ba't nangako na kayo kay Francine na hindi kayo makikialam sa problema nila? You're just making the situation complicated!"

"Alam ko ang ginagawa ko. Sumunod ka na lang kung gusto mong bigyan kita ng raise sa sweldo mo. 'Tsaka bakit ka ba nag-i-english? Hindi bagay sa 'yo."

"Madam naman, e." Napakamot si Seba sa ulo. "Concern lang naman po ako."

"Hay naku! Ewan ko sa 'yo," iritang sagot ni Miranda at mas nagfocus na siya sa pagmamaneho.

Makalipas ang ilang sandali ay nakarating na sila sa tapat ng bahay nina Francine at Miggy. Dali-dali siyang bumaba at pinababa na rin niya ang tumututol na si Seba. "Humanda talaga sa 'kin ang babaeng 'yan!" galit na sabi niya.

"Madam, kinakabahan talaga ako sa binabalak mo. Hindi ka ba natatakot na baka maapektuhan ang relasyon nyong mag-ina ni Francine sa gagawin nyo?" Hinawakan ni Seba ang mga kamay ni Miranda at tumingin nang diretso sa mga mata nito. "Madam, mag-shopping na lang po tayo. O hindi kaya, manood na lang tayo ng prusisyon ng mga santo sa labas ng subdivision. Baka wala rito si Vera at nanonood din doon."

Mahal na araw kasi iyon at halos lahat ng tao sa subdivision ay abala sa panonood ng parada ng mga santo na ginaganap sa plaza.

"No! Papasok tayo sa loob!" Inalis niya sa pagkakahawak ang mga kamay ni Seba. "Kung ayaw mo na sisantihin kita, susunod ka sa 'kin. 'Tsaka paano mo naman nalaman na manonood ng prusisyon si Vera, e hindi naman kayo close? Hindi nanonood ng prusisyon ang kampon ng mga ang demonyo!"

Hihilahin na sana ni Miranda sa kamay si Seba, pero kumalas kaagad ito. "Madam, kayo na lang po kaya ang pumasok? Hihintayin ko na lang kayo rito sa sasakyan."

"Bahala ka na nga sa buhay mo!"

At padabog na nagtungo na sa loob si Miranda.

Meanwhile, abala naman si Vera sa paghuhugas ng manok sa kusina para sa iluluto niyang nilaga. Tama nga ang hula ni Miranda, hindi ito nanonood ng prusisyon.

Kahit na hindi magkasundo ang dalawa nila ni Miggy ay inako na talaga niya sa sarili ang mga responsibilidad na dapat ay si Francine ang gumagawa. She looks fine on the outside, panay ang ngiti niya at para bang walang problema, ngunit sa isipan ay mas lumala pa ang problema niya sa pag-iisip. Pakiramdam niya ay natalo na talaga niya si Francine at naagaw na nang tuluyan si Miggy.

Sinful Heaven [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon