Chapter 17

46 0 0
                                    

Chapter 17

Differences between Invincibilty and Vanishing. RD Type Nullifying. Controlling.


LAHAT kami ngayon ay nandito sa lounge bukod nga lang kay Pharger dahil hindi naman ito sa dorm nakatira. Tapos na din naman kaming kumain at maligo.

"Sa wakas, matatapos na din yung punishment! Aba, isang linggo mahigit na din tayo nandoon sa building ha!" nahahapong sabi ni Ospe. Tama nga naman ito. Noong nakaraang linggo pa kasi kami nasa elementary building. Magdadalawang linggo na kami kung titignan.

"Kaya nga sakto at magschool fest na sa susunod na linggo." sabi ni Chia. "Speaking of school fest, paano nga pala natib tutulungan si Aprion?" tanong nito at tumingin sa akin. "Any idea?"

Napakamot naman ako sa noo ko. Sa totoo lang wala akong alam paano.

"Don't tell me... Wala kang alam paano?" di makapaniwalang saad ni Chia. Ngumiti ako ng alangan dito.

"Ehh... Kasi naman. Naawa lang naman ako sa kanya. I mean, bago-bago lang siya dito. Tapos ganoon pa yung lagay ng Wield niya. Bah graduating na siya sa elementary. Maganda sana kung gragraduate siya na may maganda siya maaalala." paliwanag ko. Nakatingin lang sila sa akin. Naramdaman ko naman ang pagpapawis sa noo.

"Oo na. Nauunawaan ka namin. Kaya nga tayo HHCW,di ba? Kasi nandoon yung urge natin na tumulong. Saka iyon naman talaga ang dahilan ng pagbuo sa club. Ang tumulong sa nangangailangan. At since co-Wielder natin si Aprion, kahit ba nasa elementary siya, tutulungan natin siya sa abot ng ating makakaya." nakangiting sabi ni Sav. Nakangiting tumango-tango din sina Ospe, Chia at Alois. Napapunas ako bigla sa noo ko.

"Grabe naman kayo guys. Pinakaba niyo ako ng husto!"

"Dapat lang yan para matuto ka na mag-isip muna bago ka magsalita." sabi ni Ospe. Napailing naman ako.

"Mabuti pa, pag-usapan natin yan bukas kasama sina Phar at Aprion." suhestiyon ni Alois na sinang-ayunan naming lahat.



"KAYA mo bang kontrolin o sinubukan mo man lang na kontrolin yang Wields mo?" tanong ni Ospe kay Aprion. Tumango naman ang huli. Nandito kami ngayon sa may field sa may malapit sa mga puno. Tambak na naman kasi ng mga dahon kaya nagwalis na naman kami.

"Sinubukan ko naman kahit papaano. Pero nahihirapan pa din ako sa Vanishing. Di ko pa makontrol kung ano at kailan."

"Alam niyo medyo nalilito pa din ako. Paano ba ang Vanishing sa Invincibility? Di ba parehong nawawala naman sila?" litong tanong ni Alois. Napahawak naman ako sa baba ko. Oo nga, noh? Medyo nakalilito nga sila.

"Kasi di ba sa Invincibility, hindi lang ako nakikita. Pero solid pa din ang katawan ko. Meaning, kahit di niyo ako nakikita, pwede pa din akong mahawakan o maramdaman. Pero iba kasi sa vanishing. Pag magvanish ako, nawawala talaga. Timbang ko,ang katawan ko... Nawawala talaga. Kumbaga, nagiging hangin ba ako. Kung sa invincible, di ako nakakatagos sa pader, sa vanishing kaya ko." mahabang paliwanag ni Aprion. Lahat naman kami napa-ahh sa paliwanag nito.

"Cool!" komento ni Phar. "Kung ganyan lang siguro yung nadagdag sa Wield ko, ehh di sana ang astig ko na." dagdag pa nito at nagflex pa ng braso.

"Okay lang yan, Pharger-senpai. Maganda ka naman ehh." sabi ni Aprion. Sinamaan ito ng tingin ni Phar. "I mean yung boses mo." at ngumiti ng nang-aasar dito.

"Paano natin muna aayusin yung kay Aprion?" tanong ni Ospe.

"Yan nga ang problema. Di ba nga sabi niya, di niya makuha kaya bigla na lang siya minsan tumatagos o nawawala." -Sav.

Wielders Academy. (The Other Side)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon