( According to Tala..Sila po yung mga aliporis ni Monique.
The Three A's because their named start the letter A.
Ara- Girl,
Aliza- Queen and
Annaliza- Beshy..
So, you know them already guys..)
Please keep reading and enjoy.😊😊
The three A's P.O.V:
Hello guys, I want to introduce my self first before the two crazy sisters interrupt me. By the way, I am one of the most loyal friends of Monique no other than ARA MAE VIEL. Kahit na hindi naman Friends ang turing niya sa amin at ang sama-sama pa ng ugali niya grabe kung makapanglait, walang galang, palautos, laging nang-iiwan sa ere, kung umasta parang siya na ang may-ari ng mundo, alalay lang ang turing sa amin, mahilig mang-bully, ang taas-taas ng tingin sa sarili at marami pa. Pero ang nagustuhan namin sa kanya ay..
.....
....
....
Wala! as in WALA! dahil wala naman talagang ka like-like ang babaeng yun... kaya nga hindi ko masisisi si ZERO kung bakit hindi niya kayang magustuhan itong si Monique. Kahit na maganda ito, at mayaman pero sa ugali talagang failed na failed.
At ang kami namang mga lukaret ay tinanggap pa rin namin siya kasi ganyan ang magkakaibigan eh! tatanggapin kung ano at sino ka.
Ops!! mali pala...siya pala ang tumanggap samin kasi nga ang kukulit namin eh.😁😁
Okey, stop the drama now...but, totoo lahat ng sinabi ko.
Hanggang ngayon ay narito pa rin kami sa place namin kanina before Monique left...sobrang nagtataka kami sa mga kinikilos niya dahil ang dami kasing nag-iba mga kilos niya, pananamit at pananalita after she came back dahil sa aksidente. I remembered what Tita Lucia said to us ng nangyari ang accident...may sinabi siya tungkol sa isang babae na kasama raw ni Monique kung kilala ba raw namin yung babae. Kasi bago nangyari ang aksidente ay siya lang naman mag-isa ang nakasakay sa kotse niya matapos niya kaming iwan! yun ang natatandaan ko.
"Ang wierd ni Beshy ngayon, diba girls?"
Tanong ni Annaliza sa amin habang nakatingin sa salamin niya.
" Dah! Si Queen pa talaga ang wierd...?eh mas wierd ka pa nga sa kanya eh! kanina ka pa tingin ng tingin sa salamin kunti nalang mababasag na yan sa pagmumukha mo!"
Sagot naman ni Aliza sa kapatid niya at napakunot naman ito ng noo kahit nga ako mapapakunot dahil sa kumuha na naman ito Lipstick kahit sobrang pula na nang labi niya...dinagdagan niya pa ulit kaya mas lalong naging pula ang mga labi nito at ininguso niya pa ito.
Napatawa naman ako ng biglang tinakpan ni Aliza ang mukha ng kapatid niya gamit ang mga kamay nito.
Kaya ang resulta ay nagkalat ang Lipstick nito sa gilid ng mga labi niya.
" Tigilan mo nga yan...nakakadiri ka"
Aliza
" What the F...sis! naman kung naiinggit ka sabihin mo lang at lalagyan kita ng Lipstick."
"No need nang lagyan itong putty lips ko ng Lipstick na yan... at isa pa I'm not like you na masyadong trying hard.!"
Hay naku! ayan na naman sila.
Mamaya pa yan titigil kung walang magpapatalo sa pagbabangayan nila.
Nandito lang ako sa isang tabi habang pinapakinggan ko sila at sumasakit na itong tiyan ko sa kakapigil na matawa dahil hanggang ngayon ay hindi pa rin nakikita ni Annaliza ang mukha niya pati nga rin yung mga studyanting napapadaan dito ay tawang-tawa pag nakikita ang itsura ni Ann.
Kaya naman na halata rin niya kung bakit sa tuwing napapasulyap ang ibang studyante ay tumatawa sila pag nagagawi ang tingin nila sa kanya. kaya agad niyang pinulot ang salamin dahil nga sa nalaglag ito.
Pareho naming tinakpan ni Aliza ang mga tinga namin dahil in a second ay....
1
2
"AHHHHHHHH KYAHHHHHHHHH BWISIT KA TALAGA ALI KA!!! OH MY!!!! MY BEAUTIFUL FACE!.."
"HAHAHHAHA"
"HAHAHHAHA"
Kaya naman pareho kaming humagalpak ng tawa ni Ali( Ali- Aliza). Napaluhod naman si Ann( Ann- Annaliza) sa sobrang inis nito sa amin kaya ako na ang unang tumigil sa kakatawa dahil parang iiyak na itong si Ann.
Ganito kami pag magkasama kaming tatlo mag-aasaran, magkakapikunan but in the end... We have tears in our eyes but not tears of sadness or any negative thoughts and actions but it is tears of joy because of the happiness that we have.
Kaya nga gusto rin naming maranasan yun ni Monique na maging normal siya, maging simpleng babae at maranasan niya kung ano ang totoong kaligayahan at maintindihan niyang hindi lahat ng gusto niya ay makukuha niya dahil hindi lahat ng nakukuha niya Magiging masaya siya. Ito ang dahilan kung bakit nagsusumiksik pa rin kami sa kanya kahit na ilang beses na mga masasakit na mga salita ang sabihin niya sa amin.. Go pa rin...
Hindi pa rin namin siya susukuan kahit ilang beses niya pa kaming ipagtabuyan lalo na ngayon na nag-iiba na siya.
"Ah! mga beshy... ano nga ulit yung sinabi ni Beshy Monique kanina tungkol sa tinanong mo Beshy Ara?
tanong ni Ann sakin habang pinaupunasan niya ang mukha niya.
"Oo nga noh!.. muntik ko nang makalimutan
Flashback:
"Wa-wait lang Girl.May itatanong lang kami sayo.?"
Habol ko kay Monique. At medyo hiningal pa ako ng kunti dahil sa ang bilis nitong maglakad.
"at ano naman yun! Pakibilisan kung pupwede!?"
Naiiritang sabi nito sakin.
At tiyak akong mas lalong naiinis na ito dahil sa pagpigil ko sa kanya. Kaya naman napasimangot naman ito ng ang tagal ko sa pagtatanong ko sa kanya. Napakamot ako sa ulo dahil hindi ko alam kung tama bang itanong ito sa kanya. Curious lang naman kasi kami eh.
" Ano ang...
HITACHI?
Dahil sa narinig nito ay agad itong tumalikod samin para umalis na. Akala ko ay hindi na ito sasagot pa. kaya tatalikod na rin sana ako para bumalik sa kanila Ali at Ann.
"HANAPIN NIYO SA BISAYA-DICTIONARY...tsk!"
Present:
"Bisaya Dictionary?"
"May ganun bang Dictionary? ngayon ko lang ata narinig yun.!"
" Aha! alam ko na... dahil sabado naman bukas..
MAGHAHANAP TAYO......
sabay-sabay naming sabi. at agad naman kaming naghiwalay dahil sa hapon na at uwian na rin.
At napagdesisyonan naming magkita-kita sa Mall.
At may plano na akong na buo sa utak ko para hindi na kami aalisin ni Monique sa buhay niya.
Humanda ka Monique...hehehe
at may isa pa akong gustong malaman... kung sino ang babaeng kasama ni Monique sa aksidente.?
****
Thank you for reading guys.😊😊
And guys, please read some of my stories din po. 😊
BINABASA MO ANG
I'm not the Owner of my Body
General FictionPaano kung sa isang aksidenting hindi mo inaakala ay magbabago ang lahat ng iyong nakasanayan?. Meet Tala Santos isang commoner girl, dishwasher sa isang sikat na club, matalino at may kagandahang tinataglay, Loner man pero palaban sa buhay at may p...
