Chapter 5: Real?

119 9 2
                                    

Chapter 5: Real?

Avery's POV

Habang naglilibot ako sa campus may humablot sa akin.

Ang higpit ng pagkakahawak niya sa akin. Yung isa niyang braso  nasa leeg ko, yung para bang sinasakal ako.Tapos yung isa niyang kamay nakatakip sa bibig ko.

Pilit kong inaalis yung pagkakahawak niya sa akin.

Hindi ako makahinga, hindi rin ako makahingi ng tulong dahil nakatakip yung bibig ko ng kamay niya na may panyo.

Ramdam ko ang paghina ng katawan ko.

Hindi ko makita yung mukha niya dahil nasa isang madilim na sulok kami ng school.

Pero isa lang ang sigurado ako...

Na may nagplano nito

Nahihilo na ako at bibigay na talaga ang katawan ko.

"Sino ka ba?" tanong ko.

"Anong kailangan mo sa akin?" nanghihinang tanong ko ngunit hindi siya sumagot.

Unti-unti kong inangat yung ulo ko para makita ko yung mukha niya pero ang nakita ko ay isang nakakangilabot na ngiti na para bang may masamang intensyon.

Biglaan nanlabo ang paningin ko pero bago pa man ito manlabo nakakita pa ako ng isang imahe ng babae na nasa harapan ko at nakangiti rin ng nakakakilabot.

'Ano ba ang ginawa ko sa inyo?'

Biglaan na lang dumilim yung paningin ko at ramdam ko ang pagbagsak ng katawan ko.

Kevin's POV

Habang nagmamaneho ako ng kotse ko ay biglang may tumawag sa akin.

09*********

Hindi ko kilala ang tumatawag pero may nararamdaman akong iba.

Kinakabahan ako ng wala sa oras pero hindi ko alam kung bakit.

Hindi ko muna pinansin yung tumatawag na iyon.

Baka kasi naligaw lang eh o kaya nagkamali ng no. na tinawagan.

Nakahinga ako ng maluwag dahil huminto ito pero pamayamaya tumawag na naman.

Pinagpapawisan ako pero hindi ko alam ang dahilan.

Kinakabahan ako para saan?

Inlove With My Childhood Friend?! (slow update)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon