Chapter 19

793 33 1
                                    

"Welcome back Dale"

R E G I L


Nakatulog na sa hita ko si Dale hindi naman gaano katapang itong wine pero eto bagsak sya haha. Napangiti nalang ako sa ganda ng view nakikita ko. Grabe hindi ko alam bakit ako nabaliw kay Dale iba yung charisma nya at iba sya sa mga babaeng nakarelasyon ko na noon hindi ko alam kung bakit.

Ang pula ng labi nya sarap halikan minu-minuto. Ugh, bakit mo ba ako inaakit ng ganito Dale hindi na ako makapag hintay na angkinin ka. Sisiguraduhin kong walang ibang lalaki ang makakalapit sayo makikita nila ang hinahanap nila.

Napatingin ako sa kalangitan pawala na ang ibang bituin dahil sa mga ulap. Nahagip ng mata ko ang isang shooting star, hindi naman siguro masama kung humiling ako.

Sakin ka lang Dale, hindi ka pwede sa iba pangako ko yan.

Nakarinig ako ng mga sumisigaw sa di kalayuan sila na siguro iyon. Hinayaan ko lang na makapag pahinga si Dale sa hita ko wala na akong pake kung makita nila kami dito. Ano pa eh magiging kami na ni Dale advance ako mag isip.

"Nandito lang pala kayo Sir Regil kanina pa namin kayo hinahanap" Sabi ni Miles sa likod namin.

Pagtingin ko sa likod nandito sila Miles, Benedict at yung boyfriend ni Miles. "Nakatulog kasi si Dale sa sobrang pagod"

"Tara na malalim na ang gabi delikado na dito" Aya ni Benedict.

Itinayo ko na si Dale tsk naalimpungatan tuloy kawawa naman.

"Still sleepy?" Tumango naman sya. Pinasakay ko sya sa likod ko at hinayaang matulog ulit.

Nakarating kami sa resort, sa harap ng kwarto nila ni Shane at agad kaming pinagbuksan ni Shane ng pinto.

"Saan ba kayo galing?" Hindi ko sya pinansin at agad na dinala si Dale sa kwarto nya. Dahan dahan ko syang inihiga at isinara ang pinto ng kwarto.

D A L E

Nagising nalang ako dahil may nakayakap sakin, sino naman kaya 'to ang bigat ng braso. Nanlaki nalang ang mata ko ng makita kung sino ang nakayakap sakin.

"Aaaaaahh! Anong ginagawa mo dito?" Napatayo ako at pinaghahampas sya ng unan. Wala na akong pake kung masaktan sya.

"U-uy teka lang naman... sandali" Pero hindi ko parin tinigil ang paghampas. Ano ba nangyari sakin at dito natulog ang kumag na 'to.

"Bakit nandito ka? Ano bang ginagawa mo dito?" Sabi ko at binato sya ng unan.

"Easy lang wala naman ako ginawang masama" Napapamewang ako dahil sa inis.

"Eh bakit wala kang suot na damit pangitaas tapos short ha?" Napapikit pa ako kasi naman naka boxer short lang sya alam nyo yun yung boxer na maiksi lang, my virgin eyes my ghad. May m-may naka ano kasi e hays.

"Tsk ang dumi kasi ng damit ko ayoko namang marumihan yung higaan mo masyadong kang O.A bahala ka dyan matutulog nalang ako" Napalunok nalang ako sabagay pero wala syang karapatan matulog dito. Bahala sya dyan bangungutin.

Nag almusal nalang ako dito sa kusina. Nagtimpla nalang ako ng gatas at gumawa ng sandwich okay na rin ito. Nagtungo ako sa terrace para doon nalang kumain.

Nakita ko silang lahat sa dalampasigan naglalaro ang iba at ang iba naman ay napapabilad sa araw. Etong si Shane bakit naman nya pinayagan matulog si Regil dito minsan sarap din batukan ni Shane.

Pagtalikod ko nagulat ako dahil nasa likod ko si Regil ang lapit namin sa isa't isa kaya umatras ako ng kaunti. Napatingin ako sa mata nya grabe wooh parang nangaakit kasi. Yung labi naman nya ang pula jusko.

I was in love with love (BoyxTransgender) ON HOLDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon