Chapter 1
Maaga akong nagising para sa mga gagawin ko. Aasikasuhin ko pa ang nagiisang pinakamamahal kong nanay na siyang nagpalaki sakin ng maayos
Pumasok ako sakanyang silid upang gisingin siya dahil mag aalas sais na ng umaga di parin siya nakainom ng kanyang gamot
Pumasok ako kaagad sa kanyang silid para gisingin siya ayokong kumatok baka magulat na naman ito kagaya nung mga nakaraang araw
"nay, nay. Gising na ito na po yung gamot niyo tsaka may niluto akong supas kaninang madaling araw para sa inyo. Ubusin niyo yun ah?" sabi ko saking nanay
Niyakap niya ako ng mahigpit.
Ang sarap sa feeling na ganito, yung kahit mahirap kayo dama dama mo parin ang pagmamahal na pinadama saiyo ng magulang mo
Paalis na sana ako nang tinawag niya ako
"nak, aalis muna ako uutang muna ako kina Ale Merna ha. Ilang buwan na tayo hindi nakabayad ng upa baka sa susunod na buwan wala na tayong matirhan" paliwanag ng aking ina
Nay kong may trabaho lang ako tinutulungan na kita. Pero sa ngayun hahanap muna ako ng tamang oras para dito
Nakita kong kumuha ng pera si nanay sa kanyang pitaka sabay abot nung sampung peso
"ayan anak, tiis tiisin muna ah? wala pa kasi tayong pera eh hayaan mo hahanap ako ng traba—"
Hindi ko na pinatapos si nanay sa pagsasalita nang bigla akong sumabat
"nay, bukas na bukas hahanap ako agad tsaka" tiniklop ko ang kamay ni mama kung saan andun ang diyes pesos "sayo nayan pamasahe maglalakad nalang ako"
Umalis agad ako sa bahay dahil kapag lalong tatagal ako kakausap kay inay mas maaawa ako
Wala naman kasing puso yung tatay ko na iniwan ang aking ina. Isang katulong si inay noon sa isang napaka mayaman na mansyon. Nakilala niya doon ang aking ama na driver din sa tinatrabahuan niya. Gabi-gabi lagi silang magkakasama sa iisang silid. Kagaya nung sabi ni inay, pinapayagan silang matulog sa isang silid kaya sa pagdadalas dalas nilang pagsasama nabuntis si ina at iniwan hindi na niya alam kung saan ito nagpunta
Ilang sandali lang nakarating na ako sa paaralan,isang pampublikong paaralan lamang. Kasi wala kaming sapat na pera pambayad sa tuition
Nagpunta agad ako kung saan ang aming silid at tamang tama na wala pa ang aming lecturer, dali dali akong umupo kung saan ako naka upo. Sa may likuran
"napaaga ata Linlin ah" nilingon ko ang isang pamilyar na boses at hindi ako nagkamaling si Alice
Ngumiti ako at umupo "oo kasi may lakad si nanay, binilin ko nalang ang pagkain at gamot doon" sabi ko
Hinawakan niya ang kamay ko "di parin ba gumagaling ang nanay mo?" tanong niya sakin
Sa halip na sumagot yumuko nalang ako tiyak kong alam na niya ang sagot sa tanong niya
Dalawang araw na ang lagnat ni nanay at 2 linggo nadin yung sipon niya naaawa na ako kay nanay kung pwede lang sana lumipat ang kaniyang sakit matagal ko nang nanakawin iyon
Tama tamang dumating ang aming lecturer at nag umpisa na itong mag leksyon
Mahigit 2 oras din itong natapos sa pag leleksyon tungkol sa subject na Math. Aaminin kong hindi ako nakinig dahil ayaw ko naman talagang makinig sa subject na iyon. Dahil kahit anong pilit ko di parin ako matututo
"Linda, tara na baka magsiksikan na naman tayo sa canteen. Nako!" agad akong hinila ni Alice papuntang labas ng aming classroom
Sa sobrang bilis tumakbo ni Alice natumba kami sa sahig at may narinig kaming babaeng sobrang galit baka ito yung nabangga namin
YOU ARE READING
He's The Reason
RandomA poor girl who was working hard for her mother. But life was hard and unfortunately her mother died. She was left alone, raised herself and worked as a maid. Then, There was a guy who accepted her and fell inlove with. What do you think will happen...