3: I Miss You

235 16 9
                                    

ELA POV

"Hahahaha. Wren, anong ginagawa mo? Naliligaw ka ba?" tanong ng pinakaguwapong professor sa balat ng lupa.

"Prof JP!" Napuno ng stars ang paligid at panandalian akong nakalimot.

"Pakalat-kalat ka yata sa faculty?" tanong ulit niya.

Saka bumalik muli sa akin ang mga nangyari kanina, "Sir! Pinagtutulungan po ako nila Prof Jo at Prof Riza. Ilalagay daw nila ako sa Class 1!"

"Oh, really? Well, congratulations then!"

"Huh, ayoko pong malipat doon."

"Why not? You deserve to be in that class."

"But.. does it mean hindi na ako maaaring mag-attend ng class mo?"

"No, actually.." he paused then thought of something, "I will even allow you to take one of my classes. It's a composition subject and it will fit your major perfectly."

"Really prof?" then nadagdagan pa lalo mga stars, pati planetang Mercury at Pluto nakikita ko na.

"Sa isang kundisyon."

"Kahit ano po.."

"Tulungan mo akong magcheck ng mga test papers ng 3rd years."

"Wehh?"

"O tara na.."

"P-pero p-prof.." wala akong nagawa kundi sundan na lang siya sa office niya. Siyempre ang totoo niyan, gustung-gusto ko naman since masosolo ko na naman siya! Sorry Tinacs. Hehe..

Pagkapasok namin sa office, inilagay niya sa harapan ko ang santambak na test papers ng mga third years. Napalunok na lang ako. Ilan bang classes ang hawak ni prof at napakarami nito?

"Nandyan na ang answer key. Oh ikaw na ang bahala ah, kukuha lang ako ng kape."

Tumango na lang ako at nagsimula ng magcheck ng mga test papers. Siyempre, hindi ko na napigilan ang kilig ko paglabas ni sir ng kuwarto. Haist! Bakit ko ba ito ginagawa? Sa ngalan ng pag-ibig! Ahaha.

Yun lang napapailing ako habang nagchecheck ng mga papel. Ilang puno ang pinutol para makagawa ng papel tapos marami lang naman palang babagsak? Haay naku!

Ring.... Ring.... Ring...

Napatingin ako sa landline phone na nakapatong sa desk ni prof. Sino naman kaya itong istorbo na tumatawag?

Bakit ba kasi ang tagal ni prof kumuha ng kape? Ayoko na sanang sagutin pero naririndi na ako sa kaka-ring eh.

Oh well, here it goes.

"Hello?" tinatamad kong sagot sa telepono.

Hindi agad nagsalita yung nasa kabilang linya.

"H-hello po? May I know who's calling?"

Walang sumasagot kaya nagpatuloy ako, "Lumabas lang po saglit si prof JP pero babalik din siya. Tawag na lang po kayo ulit after five minutes siguro. Thank you po."

My Amnesia Band: Two Worlds Season IITahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon