I FALL OUT OF LOVE

54 13 16
                                    

i had to leave
i was tired of
allowing you to
make me feel
anything less
than whole

-from the book Milk and Honey

****

“Are you okay bro?”
Pabulong na tanong ng kuya ko na best man sa kasal ko.

Panay ang pag-convince niya sa ‘king ngumiti at umayos ng tindig dahil nagsisimula na ang seremonyas.

Nang mag-angat ako ng tingin ay diretso akong napatitig kay Betty—ang babaeng minsan kong pinangarap na pakasalan.

Hapit na hapit ang puting bistida sa kanyang katawan, may hawak na kumpol ng bulaklak habang marahang naglalakad papalapit sa ’kin.

Pilit kong pinipigilan ang pangangatal ng mga binti ko pero hindi ko magawa. Nanlalamig ang mga kamay ko sa kasabikan kong tumakas.

Ilang hakbang bago makalapit si Betty ay naglakad ako patungo sa direksyon niya, pero hindi upang sunduin siya at akayin patungo sa altar; kundi para putulin ang taling naglalapit na sumakal sa aming dalawa.

Ang mabagal na lakad ay unti-unting bumilis hanggang sa malampasan ko na siya.

Animo'y sandaling oras ay nag-slow motion ang lahat sa paligid hanggang sa bumilis muli.

Maraming nabigla at nagbulungan ngunit ni isa ay wala akong nilingon. Nagpatuloy pa rin ako sa paglabas ng simbahan. . .palayo sa aking pamilya. . .palayo sa babaeng minsan kong hiniling na makasama.

A years before. . .

“I like you," sabi ko, kabadong-kabado sa harapan ni Betty.

Ang maganda at mabait na si Betty.

Kahit halos bumigay ang mga binti ko sa pagtitig sa mata niya ay pinilit ko pa ring makipagtitigan.

Nakita kong bumaba ang tingin niya sa hawak kong rosas, kaya agad akong natauhan sa susunod kong gagawin.

Unti-unti kong iniangat ang bulaklak na hawak ko para iabot sa kaniya.

Naging maingay ang matinis na boses ng mga kaibigan niya. Sumisigaw ang mga itong tanggapin niya ang bulaklak. Ganoon din ang iba pang mga estudyante na napatigil para panuorin kami.

Napakamot na lang ako sa batok ko sa sobrang hiya.

Mas lalo namang umingay ang kiligan sa paligid nang tanggapin niya ang bulaklak.

“Salamat, Sem,”saad niya bago ngumiti ng tipid at amuyin ang bulaklak.

Muli na namang nagsigawan ang mga kaibigan niya mula sa malayo.

Nagsilbi namang background music ang mga kabarkada na nasa likuran ko at masuyong kumakanta para sa 'min.

~Oh kay sarap isipin
Kasama kang tumanda~

Nang matapos ang musika ay doon ko siya tinanong.
“C-can you be my girlfriend, Betty?”

Nahihiya man sa atensiyong nakukuha namin ay mas lumapit pa ako sa kaniya. Hindi naman ako nabigo nakuha ko rin ang sagot niya, hindi niya man ako sinagot agad ay pinayagan niya naman akong ligawan siya.

I become her suitor.  Flowers and chocolates that typical guy gave kapag nanliligaw sila ay binigay ko kay Betty. Walang palya. Nag-effort ako para masungkit ang matamis niyang oo.

Search dito, search doon. Paano ba mapasagot ang babaing nililigawan?

My life goes up side down when I’m with her.

I FALL OUT OF LOVE ✔️Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon