Tibo at Ang Single Mom

8K 15 0
                                    

Ako nga pala si Charles(Charlene ang totoo kong pangalan), isang out na Tiboom. Bagong salta lang ako sa Laguna ng maisipan kong iwanan ang dating company na pinagtatrabahuan ko sa Cebu at maghanap ng magandang opportunity at malaki-laking kita. Sa edad na 33 eh masasabi kong gusto ko na lumagay sa tahimik. Pag sinabing ganun siyempre sa babae pa din. May mga babaeng dumaan na din sa akin pero syempre kabataan ko pa nun at sa mga tulad naming tiboom eh mahirap makahanap ng babaeng willing magstay samin hanggang pagtanda. Puro masarap sa una, maraming pangako, maraming paasang salita. Pero in the end, sasama parin sa lalaki, pipiliin parin nila yong sinasabing "tuwid na daan o yong normal" sa society. So after naka 3 jowa ako, dina ako masyado nag-expect. After nung pangatlo eh nag-lie low nako at nag-focus sa trabaho.

Mag 2 linggo palang ako sa Laguna bilang Web Designer sa isang IT company. Madali naman ako nakapag adjust sa work at sa mga katrabaho ko. Hindi nga lang ako comfortable sa una kong tinutuluyan kasi malayo sa working place ko at medyo malayo lalakarin bago mo marating ang main road. May nirecommend sa akin ang isa kong ka-workmate na taga Sta Cruz at binigay sa akin ang address. Doon din daw natuloy ang kapatid nya kaya lang umalis eto nung nagstart na magwork sa Maynila so bakante ung space na tinutuluyan at naghahanap sila ng papalit. 

Madali ko nahanap agad yong bahay sa binigay na address sakin. Isa siyang compound, may main house  sa harap pagpasok mo ng gate at sa likod nun may 6 na maliliit na bahay pa. Sa main house ako pinatuloy sa mismong kwarto ng kapatid ng kaworkmate ko. Medyo nahihiya pa ako kasi kasama ko sa bahay ang mag-asawang may-ari at ang nag-iisa nilang anak, si Shiela.

Ng dumating ako ang mag-asawa lang nadatnan ko. Medyo masama pa tingin sa akin ni Nanay. Sa isip ko baka allergic sa tibo. Pero yong lalaki nakagaanan ko agad ng loob at maganda trato sa akin. Inaya pako kumain kaso busog pako. Napag-alaman ko na may anak na si Shiela at limang taon ng hiwalay sa asawa. Naputol ang kwentuhan namin ni Tatay ng dumating si Shiela kasama ang walong taong gulang na anak nya galing sa galaan. Una ko syang makita di maikakaila na malakas ang attraction ko sa kanya. Medyo napatanga pako, napatitig sa kanya ng matagal. Shit! Ang ganda nya! Yong tipong simple pero malakas ang dating. Maliit sya ng konti sa akin, mahaba ang buhok, payat in short hindi mo mahahalata na may anak na. 

After nang unang encounter namin, napapadalas ko ng makausap si Shiela kapag nauwi ako galing work o kaya day-off ko. Buti nalang at di sya tulad ni Nanay. Syempre tinityempo kong wala ang nanay niya kapag kakausapin ko sya. Masarap kausap si Shiela, walang dull moments at madami kaming napapagusapan. Naging malapit din ako sa anak niyang lalaki. Nagsimula mag-open si Shiela sa akin about sa ex hubby niya ng minsan matanong ko eto. May ibang babaeng kinakalantare ang asawa nya habang sila pa. Nahuli nya eto sa mismong opisina ng minsan sinorpresa nya eto. After nun dina naging maayos ang pagsasama nila, andun na yong muntikan syang masaktan ng pisikal na dahilan upang mag decide na sya na tapusin ang relasyon nila dalawa at umuwi na bahay nila. Tapos si Shiela sa kursong Education at dahil matalino madali syang nakapasok sa pribadong eskwelahan kong saan din pumapasok ang kanyang anak. Sa araw2x na nakikilala ko si Shiela mas lalo lumalalim ang pag tingin ko sa knya. Pero syempre iniiwasan kong makahalata sya at ayoko masira kong ano man nasimulan namin. And besides hindi rin ako sure kong talagang pumapatol sya sa tulad ko.

Nung araw ng day-off ko tinatamad ako lumabas at napagdesisyonang magstay nalang sa bahay. Maaga nauwi ang mag-ina galing sa school. So nadatnan nila ako na mag isa sa bahay. "Okay ka lang ba?", tanong ko sa kanya ng makita ko naupo sya sa may sofa at panay hawak sa ulo nya. "Medyo masakit lang ulo ko. Pero okay lang ako.", sagot nya sakin habang napikit ang mata at isinandal ang ulo sa upoan. Maya2x pa ay lumabas si nico na kapapalit lng ng damit pambahay at ngpaalam na mglalaro lang sa labas. Hindi sana papayagan ng ina pero sabi ko hayaan nalang at titignan tignan ko nalang tutal wala naman ako gagawin. Ng makalabas ang bata, nilapitan ko si Shiela. "Akin na ulo mo hilotin natin.", bago paman sya makasagot naupo na ako sa tabi nya sabay hinimas ko ang magkabilang side ng ulo nya. Eto ang unang beses na nakalapit ako sa kanya ng ganun kalapit. Sinamantala ko titigin ang maamong mukha niya habang syay nakapikit. Amoy ko din ang hininga nya. Sa pagkakataong eto hindi ko alam kong nakakatulong paba sa kanya ang ginagawa kong pagmamasahe. Ang nipis ng labi nya, pinipigilan ko sarili ko na halikan sya. Tinigil ko pg himas sa ulo nya, pero dko inalis kamay ko. Alam ko ramdam nya un dahil unti2x niya binuksan ang mata nya. Sa pagkakataong eto hindi ko na napigilan ang sarili ko at dahan2x dinikit ang labi ko sa labi ng babaeng nasa harap ko ngayon. Sapat lng na nagtama ang mga labi namin ng tinulak niya ako at syang kinagulat ko. "Sh-shiela, so-sorry!", bago pako makatayo para lapitan sya tumakbo na sya papasok ng kwarto.

Seksitorya CollectionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon