KABANATA 09

27 6 0
                                    

[Truth slap]



Itinulak ko siya agad "Ano ba?" Asal ko "Ikaw pala yan Marie." Ani nito at may pa ngiti-ngiti pa, tingin ba niya natutuwa ako sa tawag niya sakin? tss. "Pwede ba sabihin muna agad anong kailangan mo? At wag mo akong matawag tawag na Marie!"

Ngumisi lamang ito, ang totoo pinapaainis ba ako ng 'sang to? 

"Magtatanong sana ako kung kailan ako papasok." Seryoso niyang sabi "Hindi ako ang coordinator mo kaya wag ako ang tanungin mo." Ani ko sabay talikod sakaniya at bumalik sa pag familiarize ko ng magiging speech ko kaso hindi pa pala tapos magsalita ang tyanak.

"Sinabi ko bang sayo ako mag tatanong?"

Aba pinapainis nga ako ng isang to ah, pagharap ng pagharap ko upang sapakin na sana siya bigla naman siyang nawala.





GUS POV



Hinahanap ko ngayon si Bianca dahil siya lang naman ang nakakaalam kung saan at kailan ako papasok "Hi Gus nawawala ka ba?"  Tanong ng isang babae sakin "Hinahanap ko si Bianca."



Nawala ang ngiti sa labi niya ng banggitin ko ang pangalan ni bianca, hindi pa man ito nakapag salita ulit tinawag na ako ni bianca na papunta pa lang sa direksyon namin "Gus! After kelly open remarks, you need to go upstage kelly will be the one to welcome you for your special number. Gets? ."



Tumango naman ako dahil dun "Kaya don't go anywhere ha? dito ka lang sa backstage mas mabuti dun ka malapit sa entrance, do you want me to offer you a water? bawal sayo ang cold water." Bilin nito sakin at hinimas himas ang braso ko.



Nakita ko ang naging reaksyon ng babae na kanina pa tumatayo sa harapan namin. Nandidiri siya at naiirita "Okay baby.." Ani ko kay Bianca.



Ikinagugulat naman ng babae ang naging asal ko kay Bianca "Ang sweet sweet mo talgaa so very sweet... Fey? you startled me." Ani ni Bianca pagkatapos niyang pisilin ang pisngi ko, halata namang napansin rin ni bianca na may babae sa harapan namin eh pinapaselos lang naman niya ngunit wala namaan tong meaning sakin mas lalo ko lang naman pinapairita si Fey.



"Gusto ko lang naman sabihin sainyo nagsisimula na si kelly." Masungit na sambit ni Fey samin sabay alis.



"A very good morning to our honorable principle, teachers and all my co-students. To begin our assembly today, I like to welcome each and everyone of you in our welcome assembly year 2019.. blah blah blah"



Ang daldal naman ng babaeng ito atat na atat na akong kumanta. Napakadaming studyante  naman din pala ng paaralang ito kaya naman pala ang mahal at sikat na sikat, Bumalik ang tingin ko kay Marie 'Bakit kaya ayaw na ayaw niyang tawagin ko siyang marie?"



~~~



"Always put this in your mind, Kelly doesn't want her to call by her second name. Be careful.."



-Bianca

~~~



Nararamdaman ko rin ang nararamdaman niya kung tinatawag ko siya sa second name niya ang pinagkaiba lang first name ko ang ayaw kung ibabanggit nila sakin, hindi ko lang talagang maiwasang inisin siya.



Baliban sa pagiging masungit niya napaka iba niya sa lahat ng nakilala ko.



"Help me welcome our First special number." Kita niyo pangalan ko lang hindi pa niya kayang banggitin. Tsk



Umakyat na agad ako sa stage nagsigawan ang lahat ng babae umakyat yung iba naman umakyat sa bleacher "Hello everyone.. I'm Gus." 



Hindi ko palang natapos ang sasabihin ko nagsimula ng tumugtog ang music ng love someone na kakantahin ko, napatingin ako sa taga operate ng music sa taas nag thumbs up lamang ito.

Inulit niyang patugtugin ang kakantahin ko hanggang sa sinimulan ko na nag thumbs up na rin ako sakaniya at mas lalong nag sigawan ang mga babae.





Habang kinakanta ko ito biglang pumasok sa isip ko si Amaya ang unang babaeng minahal ko ng lubos ng dahil lang sa negosyo sinakripisyo ko lahat. Sinakripisyo ko ang taong hindi sumuko kahit ayaw siya ni Mommy at Grandpa. 

Wala namang kasalanan si Amaya ang Ama lang naman niya ang naging bunga ng lahat. 



"If you love someone,

And you're not afraid to lose 'em

You'll probably never love someone like I do,

You'll probably never love someone like I do"  



---

Kelly's POV

"Free taste first before you buy.."



"KTV for only 50pesos in 1hr!"



"Photo booth!"

At ibat iba pang booth na inihanda namin ang naririnig ko sa paligid ng field namin, napakadaming studyante ang naglalaro at  bumibili, hindi pa tapos ang job mo as a President Kelly marami ka pang ipaparamdam sakanila na ikakasaya nila hindi lang ang maging studyante na nakakatanggap ng mga Achievements.



"Ang sarap naman sa pakiramdam.." Naagaw ang atensyon ko sa booth massage, kung saan karamihan at si Tyanak ang gumagawa ng trabaho. Naikuyom ko bigla ang kamay ko dahil dito "Pano napunta jan ang tyanak na yan?"



Sa nakikita ko hindi pag mamassage ang ginagawa niya wala siyang suot na t-shirt naka apron lamang siya. Napakalaswa sa mata ko. Pupuntahan ko na sana siya kaso bigla siyang napatingin sa babaeng susunod na pasyente niya.

Naabot ng isang minuto bago niya ito pinaupo. Nag cross arms lamang ako habang tumitingin sakanila. Hindi naman ako interesdo pero kilala ko itong babae na to ah hmmm pinagmasdan ko siyang maigi kung san ko ba siya huling nakita.. yung babaeng kausap ni willy!

"Next.."

Teka hindi naman yata naabot ng tatlong minuto ang pag mamassage niya sa babae.  Napatayo ang babae at biglang niyakap si Gus. "Ms. are you ok?" 

"Gus please... Wag naman ganito.."

Hindi maari.. Si tyanak ang tinutukoy ng babaeng umiiyak na iniwan siya ngunit hinabol parin niya. "Napaka walang modo talaga.."

"Pwede ba wag kang epal, kita mo may trabaho siya at isa pa hindi ka niya kilala!" Ani ng babae na isa sa mga pumipila at tinulak siya, napatumba naman yung babae sa ground ngunit walang ginawa si Gus kundi tinignan lang siyang nakahandusay sa sahig.

Agad ko naman itong nilapitan at tinulungang tumayo "WALA BA KAYONG MGA RESPETO? KITA NIYO NAMAN NA UMIIYAK ANG TAO AT NAGMAMAKAAWA SA LALAKENG TO HINDI NIYO PARIN BANG NAISIP NA MAKAKATOTOHANAN LAHAT NG SINABI NIYA? AT IKAW INIWAN MUNA NGA TINATANGGI MO PA.. GANYAN KA NA BA KA WALANG KWENTANG LALAKE? NANDITO NA  NGA ANG TAO DAHIL MAHAL KA PARIN HINDI MO BA KAYANG KAUSAPIN MAN LANG KAYSA SA TINATANGGIHAN MO SA HARAP NG MARAMING TAO.... Kung alam mo lang sana ang pakiramdam sa taong tinatanggihan ng taong napakalapit sakaniya noon.. Hindi ka magkakaganyan."

Bumalik naman ang tingin ko sa Babaeng tumulak sakaniya "Humingi ka ng tawad."



She's more than just a girlWhere stories live. Discover now