CHAPTER 1
"Angellah, mahal na mahal kita, sana lagi tayong ganito, yung walang iwanan,at magkasama tayo lagi",habang nakaupo ang dalawa sa may buhangin, at nakasandal ang dalaga sa kaliwang dibdib ng binata,
"wag kang mag-alala arnell, at nandito lang ako lagi para sayo," mga matatamis at malalambing na tinig ng dalaga,
"talaga..? Pangako mo sa akin yan ah?", habang pinagmamasdan ng dalawa ang papalubog na araw sa may tabi ng karagatan,
"oo arnell, pangako at mamahalin kita, hanggat tayo ay nabubuhay pa,"
"Ako rin Angellah, pangako sayo na lagi kitang iibigin, sa bawat panahong daraan,"
"Pagmasdan mo ang araw na iyan Angellah, lulubog yan, ngunit paglipas ng labing dalawang oras, muling lilitaw yan, upang bigyang liwanag ang mga tao sa paligid, Ganyan ako sayo Angellah, kung mayroong mang oras na hindi mo ako nakikita, asahan mong nanjan lamang ako sayong paligid, at paulit ulit akong sisikat, upang bigyan ka liwanag, upang ihandog sa iyo ang pagmamahal ko.."
"Ako naman Arnell, maihahalintulad mo ako sa mundong ito,alam kong nanjan ka lang lagi sa paligid ko, pero nais kong malaman mo, na hindi ako mawawala sayo,katulad ng mundong ito, lagi lamang akong nandito, upang hintayin ang liwanag mo, ang pagmamahal mo.. Ang pagmamahal mo..... Pagmamahal mo... Habang unti unting lumalayo ang boses na iyon,na maihahalintulad sa isang boses na pumapailalim sa isang balon,
"huuhhh!!!..."pabalikwas na gising ni Arnell,
"Angellah, ang sakit ng ginawa mo saakin, ngunit bakit nga ba, hindi pa din kita malimut limutan,"-mahinahong wika nya sa sarili,
habang namumo ang luha sa kanyang mga mata,at unti unting pumatak, sabay na napapahagulgul ang binata,
"isa kang sinungaling na babae.. Isa kang sinungaling na babae.. At kanyang pinakawalan ang isang malakas na tinig, "Angellah!!!!! Isa kang sinungaling...!!!!
Poot at sakit ang kanyang nadarama ngayon, kinublian ng sakit ng bawat pangyayari,ang kanyang mapagmahal na damdamin,
Tumayo sya, pinuntahan ang salamin, pinagmasdan ang mukha nito,matiim na hinawak hawakan, "nang dahil lang dito, andami nang nawala saakin, ang mga pangarap ko sa buhay, ang minamahal kong magulang, at higit sa lahat si Angellah, dahil lang sa isang aksidente, o ng pakana ng isang masamang tao, lahat biglang naglaho saakin,
umuukit sa kanyang utak, tumatagos sa kanyang puso, at patuloy na bumibiyak sa kanyang damdamin, ang mga masasayang nakaraan sa buhay nya, na ngayon lahat ay naglaho, wala na syang kwentang tao ngayon,
25 anyos na sya ngayon, at pitong taon din nang lumipas ang nakaraang iyon,masyadong mahirap ang pinagdaanan nya, pero kahit papaano medyo natatanggap na nya ang lahat, yun nga lang may mga araw na pilit bumabalik sa kanya ang nakaraan, na nagigigng dahilan ng muling pagkabasag ng kanyang damdamin,
muntik na syang magpakamatay noon, pero pinilit nyang muling
mamuhay ulit, naaalala nya si Angellah, gus2 nyang maniwala na magkikita pa silang muli at matatanggap pa sya nito,
"wala na rin kayo tay at nay, dahil lamang sa isang taong may galit sa inyo, muli nyang naalala, kung paano nya pinatay ang lalaking may kagagawan ng gabing iyon, iyon ang isa sa naging dahilan niya, upang muling tumayo, dahil nais nyang patayin ang lalaking iyon,ang ang dahilan ng kanyang pagdurusa ngayon, at nagawa nga nya ng hindi nalalaman ng mga tao, tumawa sya habang nakatayo sa salamin na tila nasisiraan ng ulo, at kasunod na muling naaalala ang dalagang lubos nyang minahal, "Angellah, nasaan ka na ba?, bakit mo ako iniwan?, ang babaw pala ng pag-ibig mo sa akin??, habng tumutulo na naman ang kanyang luha,