HEADLINE news sa bawat pahayagan ang pagpaslang sa isang labingwalong-taong gulang na babae. Sa imbestigasyon ay lumalabas na pagkatapos gahasain ang biktima ay saka ito pinatay.
Nanlaban ang babae base sa ilang palatandaan. Hindi lamang isa ang maaaring suspect. Tiyak na torture ang tinamo nito buhat sa mga walang puso at kaluluwa sa siyang sumalbahe rito. Patunay ang naglalakihang mga pasa at malalalim na saksak sa katawan ng bangkay.
Hindi malapitan ni Sofia at hirap siyang matingnan man lang ang kabaong na pinaglalagyan ng kanyang kapatid na si Sandra.
Sa isip ay pilit na inilalagay niya na ang kasalukuyang sitwasyon ay isa lamang malagim na bangungot, na anumang sandali ay magigising siya at muli niyang mayayakap ang pinakamamahal na kapatid.
Subalit ang pagtangis ng dalawang pinsan niya na sina Caroline at Shirley na higit na malapit sa yumaong kapatid, ay nagpapamulat sa kanya sa katotohanan na hindi na niya kailanman masisilayan na buhay si Sandra.
Ang puso niyang nagdadalamhati ay higit na binalot ng poot.
Poot para sa mga taong pumaslang sa kapatid.
Itinatak niya sa isip, kung hindi man mapagbayad ng hustisya ng batas ang mga alagad ng demonyo na may kinalaman sa pagkamatay ni Sandra, ay siya mismo ang gagawa ng hakbang para pagbayarin at paghigantihan ang mga ito.
Handa siyang madungisan ang sariling mga kamay. Kahit pa ang katumbas niyon ay makaharap at makatunggali niya si satanas.
Sa libing na ni Sandra nakarating si Patrick. Nang mabatid niya ang balita sa nangyari sa kanya sanang soon-to-be sister-in- law, gustuhin man niyang agad lumuwas ay ngayon lamang siya nagkaroon ng pagkakataon.
He's a private investigator at nagkaroon siya ng project para tumuklas sa isang liblib at malayong lugar.
Ngayon ay hindi niya hinihiwalayan ang ka-live in na si Sofia.
Alam niya kung gaano nito kamahal ang kapatid na si Sandra.
Kung sana lang ay puwede niyang akuin ang lahat ng sakit at bigat ng kalooban na nararamdaman ngayon ng kanyang minamahal...
Kaakit-akit pagmasdan ang isang babae na nakasuot ng pulang damit na yari sa makinis na tela. Ang maluwag na laylayan ng damit na lampas-tuhod lamang ang haba ay marahang iginagalaw ng hangin na bahagyang nagpapahantad sa makinis na hita ng dalaga.
Naakit ng tanawin na iyon si Rafael.
Ang binata ay isang anak ng kurakot na mayor ng isang probinsya.
Nilapitan nito ang dalaga. Nagpakilala rito si Rafael. Napakiramdaman ng lalaki na game ang dalaga na makipag-flirt.
Sa sandaling pag-uusap, sa pakiwari ay kapwa nagkahulihan ng loob - hanggang humantong ang dalawa sa tapat ng pinto ng isang suite ng isang five star hotel.
Kapwa nananabik sa isa't isa subalit sa magkasalungat na intensyon.
Ang lalaki ay naghuhumiyaw sa isip ang pagnanasa dulot ng init na pangangailangan ng katawan.
Ang babaeng nakapula ay magkahalong pananabik at pangamba ang nasa dibdib para sa napipintong katuparan ng planong paghihiganti.
Nang makapasok ang dalawa ay nagsalin si Rafael ng mamahaling alak sa dalawang kopita na nakapatong sa mesa.
Nang malingat ang lalaki ay mataktika at listong kumilos ang babae para kunin sa shoulder bag nito ang tila pulbos na inihalo sa isang kopita.
Nang muling lumapit si Rafael at kapwa hawak na ng dalawa ang kopita, iginiya ng babaeng nakapula ang lalaki na maupo sa kama.
BINABASA MO ANG
The Lady In Red
Short StoryPaghihiganti sa brutal na paraan ng pagpatay ang nais ng Babaeng Nakapula upang pagbayarin ang mga nagkasala sa pagkawala ng labis na minamahal nito sa buhay.