Chapter 1

11 0 0
                                    

Exactly 6:28 am nang gumising ako. Naunahan ko pa yung alarm clock kong tumunog ng 6:30. Pero okay na din yun. Kailangan ko naman talaga kasing gumising ng maaga kasi sabado ngayon. Hindi para pumunta sa school. Kailangan kong pumunta sa cafè na pinapasukan ko.

Medyo napapagod na din ako sa weekly routine ko na to. Kailangan pumasok ng monday to friday ng 8 am hanggang 4:30 pm, tapos diretcho na sa trabaho ng 5 - 10 pm. Buti nalang medyo malapit lang yung cafe sa Brent University kaya kinakaya ko naman. Kaso pag maraming research at homeworks,walang ibang option kundi magpuyat nalang. Pero sanay na din naman ako. Nakakapuyat naman talaga itong course kong Medical Technology. Swerte na ako kung makakuha ako ng six hours na tulog sa gabi. Pero okay lang. Sanay na din naman ako.

Pag weekends, 9am - 3pm ang shift ko kaya nag ayos na ako para makapunta na sa trabaho.

Habang naghihintay ako ng jeep na masasakyan ko papunta sa cafè, may lumapit na matandang lalake ng may hawak na maliit na de battery na radyo. Medyo weird kasi naglalakad syang may hawak na radyo tapos medyo malakas pa ang volume pero naki rinig na din ako. Di na din naman kasi ako updated sa mga pangyayari sa pilipinas ngayon.

"Kasalukuyang umuusad ang grand parade ngayon sa Elias road ang bagong bukas na 'the grand mall' papuntang Bretwood Park kung saan magbibigay ng speech ang President ng Stanley Enterprise Holdings Mr. James Stanley with his son, Gr--"

"Ano daw?!! May parade sa Elias road? Kelan pa nag parade dahil sa bagong mall? Eh dumaan sa Elias road ang mga jeep papunta sa cafe!"

"Nako iha, matatraffic ka nyan. Eh alam mo kasi, dahil jan sa mall na yan, maraming nag invest na mga kumpanya sa ibang bansa dito sa pilipinas. tataas ang ekonomiya natin dahil jan sa mall na yan."

Sagot ni lolo. Oo nga pala naki sagap lang ako ng balita sa radyo nya kung maka react naman ako medyo OA.

"Ahh ganon po ba. Sosyal naman. Ayos pala yan eh ano po. Medyo malas lang sa akin kasi mattraffic ako papunta sa trabaho. San po ba punta nyo lolo?"

"Aba, eh di makiki usyoso din sa mga kaganapan dun sa Bretwood Park. Hindi pwedeng ma miss ko itong event na ito."

Aba ha. Sosyal si lolo. Mas updated sa mga nagaganap sa pilipinas. Pero alam ko na din naman na may sobrang laking building na tinayo dun. Di ko lang alam na ngayon ang opening.

Sakto may dumating nang jeep papunta sa mall kung nasaan yung cafe. Pinasakay ko muna si lolo bago ako pumasok. Medyo puno na yung jeep kaya pinagsiksikan ko nalang yung pwet ko sa may hulihan na part. Medyo magkalayo kami ni lolo kaya di na din kami nakapag usap.

Pag daan namin sa Elias road di na rin naman traffic. Whooo! Di ako malelate sa trabaho. Natanaw ko na din yung the grand mall. medyo, *correction* sobrang napanganga ako. ang sosyal naman talaga! Ang laki. Ang gara. Siguro ganito yung mga mall sa ibang bansa. Makapasok nga jan pag may ---

"Babaeng nakausap ko kanina! Teka ano ba ang pangalan mo iha?"

Nagtinginan sakin yung mga tao sa jeep. Si lolo palang may radyo yung nagsasalita.

"Ako po lolo?"

"Oo ikaw."

"Ah ako po si Alex. Bakit po?"

"Hindi ka na naman malelate sa trabaho mo diba? Pwede bang samahan mo ako sa Bretwood Park? Sumasakit na kasi ang tuhod ko eh."

"ah..ehh..."

Tiningnan ko yung relo ko. 8:15 am. Mukhang kakayanin ko naman. Kung bibilisan ko lang.

Nagtinginan ulit yung mga pasahero sa akin, pero ngayon medyo mga masasama na ang tingin nila. ano ba problema nila? di nagtagal may mga nag salita na rin.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Aug 31, 2014 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

She Saved The DayTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon