" ANG BUNSO NG MGA CALVIN "
SA PANUNULAT NI SHERYL FEECHAPTER FIFTEEN - DEATH THREAT
"What? Are you sure of that tito General?" Salubong ang kilay na tanong ni Darlene sa opisyal.
"Sure my dear Darlene Faith Aguillar Smith. Di iyan ang matagal mo ng hinihintay? Ang magkaroon ng assignment sa malayong lugar? Then ito na siya, ikaw ang team leader ng ipapadala ko sa probinsiya ng Abra either you like it or not. It's a call of duty and that's an order." Nakangiting sagot ng heneral. Alam naman kasi niyang naiinis ang pamangkin pero hindi dahil sa pagpapadala niya dito sa probinsiya pero naiinis ito dahil sa pagtawag niya dito na magmadali.
"Eh ano pa nga ang magagawa ko tito General Aguillar eh that's an order na pala." Nakasimangot na sagot ni Darlene Faith.
"Then what's on that face baby girl? Are you not happy to have an assignment?" Pang-aasar pa nito.
"Natutuwa po tito General, natutuwa po ako. Heto oh natutuwa ako." Tugon ng dalaga na ngumiti pa pero halata namang tumutugon na sa pang-aasar ng tiyuhin, kaya ang pinipigil na tawa ng opisyal ay tuluyan ng lumabas. Napahalakhak ito dahilan para napatawa na rin ang dalaga.
"Wala kang ipinagkaiba sa mommy mo iha, you're her young version in everything. By the way be ready dahil mamayang gabi or mamayang madaling-araw bibiyahe na kayo ng mga kasamahan mo para early in the morning ay nandoon na kayo. May food allowance kayo doon, sa iisang apartment kayong lahat don't worry dahil mapagkakatiwalaan naman ang mga kasamahan mo, saka nakabukod ang kuwarto mo. Here take this envelope anak, nandiyan lahat ang bawat detalye na kakailanganin ninyo. Ang perang gagamitin ninyo habang nandoon kayo ay galing kay lola Sheyl at huwag kayong mag-alala dahil buong-buo pa rin ang sahod ninyo every end of the month. Alagad ka ng batas at alam mo na ang gagawin mo in case of emergency. Is that clear officer Smith?" Mahabang pahayag ni General Vince Ethan Aguillar.
"Do I have a choice? Wala naman po di po ba tito general so ibig sabihin niyan it's clear." Sagot ng dalaga sabay abot sa envelope.
"Very good iha. Now you may go na sa mga makakasama mo at kausapin sila. Mag-commute kayo para hindi mahalata ang tunay ninyong layunin doon. Diskarte na ninyo kung paano kayo makapuwesto doon basta ang bilin ni lola Sheryl ay walang malalaman ang apo niya tungkol dito. And in additional pilitin ninyong makakuha ng matitirhan doon sa malapit sa apartment nito." Pahabol na bilin ng heneral.
"Masusunod tito general. Sige na po mauuna na ako ng mapuntahan ko pa sila." Tugon ng dalaga at akmang aalis na pero nag about face.
"Tito general ikaw na ang bahalang magpaliwanag kina mommy at daddy kung saan ako napunta. Bye." Ani Darlene Faith sabay layas.
Kaya naman naiwang nakanganga ang opisyal.
Bawi-bawi lang daw sir!
"Manang-mana nga sa pinsan kong sutil." Nakailing na sambit ng opisyal.
Sa kabilang banda, sa probinsiya ng Abra.
"Tama na po muna iyan, bukas po ulit." Pagpapatigil ng binatang si Lewis Roy sa mga trabahador.
"Sige lang Lewis uubusin lang namin ang nagawa naming semento kasi masisira ito kapag hindi maubos." Tugon naman ng nasa malapit.
"Pero hapon na po mang Domeng, oras na nang pamamahinga." Salungat ni Lewis.
"Kunting oras lang naman po kuya kaya hayaan mo na po. Hindi na po kasi puweding gamitin kapag ipagpabukas pa samantalang puwedi namang gawin ngayon." Sang-ayun ng isa pa nilang kasamahan. Bata ito sa edad pero marahil dahil sa hirap ng buhay ay parang mas matanda pa ito sa tunay na edad.
BINABASA MO ANG
ANG BUNSO NG MGA CALVIN BY SHERYL FEE( COMPLETED)
Ficción GeneralGENERAL FICTION: ANG NAGWAWAGI AY HINDI UMAAYAW, AT ANG UMAAYAW AY HINDI NAGWAWAGI. AT HIGIT SA LAHAT HINDI LAHAT MG UMAATRAS AY TALO. MINSAN KAILANGANG GAWIN DAHIL IYUN ANG NARARAPAT.