GAME 1

8 0 0
                                    

KLAORK's P.O.V.

"AGGHHH!!" Ang sakit ng ulo ko!

Hinawakan ko ang parte ng ulo kong tumama sa pader. Nagsimulang manginig ang kamay ko nang makakita ako ng dugo dito. Napaluhod ako sa sakit. Nakakaramdam na ako ng pagkahilo dahil sa impact ng tama sa akin. I don't think I can still fight. I'm sorry Hilly.

"I-i lo-ove yo-u Hilly"

Unti-unti nang nalalabo ang aking mga mata. Napangiti ako ng malungkot. Ni hindi ko man lang siya nailigtas. Alam ko sa sarili ko na onting segundo na lang ay bibighay na ang katawan ko. Nahihirapan na ang katawan ko.

"Ark.."

"Ark..."

"ARK!!!"

Halos mapatalon ako sa pagkakahiga ko ng maramdaman ko ang malamig na tubig sa aking mukha. Bumungad sa akin ang nakangising aso na mukha ni ate Ginger.

Napahawak ako sa dibdib ko. Ang lakas ng tibok nito. Napanaginipan ko na naman... Until now Hilly still haunts my dreams.

"Ate naman! Pwede ba! Patulugin mo naman ako ng maayos?" Tsk wala talaga akong matinong tulog kapag nandito ako sa headquarters.

"Dinamihan ko lang yung luha sa mukha mo no. Until now you still have nightmares?" Tanong nito habang tinatanggal yung bedsheet na nabasa.

Tumayo na lang ako at dumiretso sa kusina para uminom ng tubig. Well for me it's not a nightmare. Para sa akin ay pagpapaalala lang iyon na kailangan kong maghiganti.

"Pinapapunta ka pala ni Dwight sa main. May ipapasundo daw siyang tropa niya. Newbie." Tss matapos niyang sabihin na kailangan ko munang magpahinga dahil sa training namin kahapon tapos ngayon papapuntahin niya ako sa kung saan-saan.

Napakagaling mo talaga Dwight. Humanda ka bukas sa training...



Tatlong oras. Tatlong oras na akong paikot ikot dito sa main pero hindi pa din dumadating yung sinasabi ni Dwight.

*meooow*

Sa "main" napupunta ang mga newbie dito kaya naman marami kaming nakakasalubong na naliligaw na newbie. Pero wala kaming makitang katulad ng sinasabi ni Dwight.

Marahan kong tinapik si Hally. Mukhang naiinip na din siya kakahintay. "Nagugutom ka ba ba Hally? Kasalanan kasi ni Dwight to eh. Kanina pa tayo nandito oh. Bukas ha.. kalmutin mo yun."

Nagulat ako nang biglang tumalon ito sa aking kamay at tumakbo sa kung saan. Mukhang may naamoy na pagkain yun ah. Napatakbo na lang din ako upang sundan ito.

Si Hally ay may kakaibang bilis. Marahil ay kasing bilis na ito ng isang cheetah kung tumakbo. Dahil ito sa pagpapakain ni Hilly ng mga speedfeeds. Nagtatrain din ito kaya mas nag-eexcel pa ang kaniyang speed skills.

Binuksan ko na lang ang tracker ko dahil panigurado ay malayo na ang narating niya. Huminto ang tracker sa gitna ng gubat. Agad akong pumunta doon sa pamamagitan ng pagteteleport. Mabuti na lang at may malapit na lugar doon na napuntahan ko na kaya makakagamit ako ng teleport.

Naabutan ko si Hally na nasa kandungan ng isang babaeng nakayuko. Tinatapik nito si Hally at parang may sinasabi pa ito.

Sumipol ako para makuha ng atensiyon ni Hally. Agad naman itong lumapit sa akin. Lumuhod ako upang makakapit si Hally sa aking braso.

"Excuse me ate, nasaan ba ako?"

Napaangat ang tingin ko nang magsalita ito. Teka.. 'ate'? Ako? Tss alam kong mahaba ang buhok ko. Pero obvious naman sa suot ko na lalaki ako no. Ipinasawalangbahala ko na lang ang pagtawag nito ng 'ate' sa akin.

SimulatorWhere stories live. Discover now