Ball #10 - Partners

739 12 0
                                    

Song: Can I Have This Dance

Thalia's POV

Nandito kami ngayon sa wooden gym namin dahil P.E ang subject namin ngayon. Nag wawarm up kami para sa gagawin naming practice para sa cheerdance competion. Hindi ito yung national cheerdance sa UAAP ah by courses lang ito. Kailangan namin mag come up ng sasayawin namin para maganda ang naging grades namin.

"Okay guys! May naisip na ba kayong concept para sa sasayawin natin sa cheerdance?" Anikka

Siya ang class leader namin kaya naman nag tatanong siya dahil group work ito.

Nagtaas ng kamay ang katabi kong si Robert.

"Kung dance partner nalang kaya ang palabasin natin? Parang highschool musical. By partners lalabas sa stage. What do you guys think?

"I think magandang idea yan, Robert. Sige ganun nalang ang concept natin. For the partners naman kayo ng bahala. Pwede kayong kumuha from other courses or pwede din classmates niyo. Kaya naman ngayon palang maghanap na kayo tapos sa iba pang concept pwede niyo kong kausapin sa mga ideas na meron kayo." - Anikka

Nagsi alisan na ang mga classmates ko sa wooden gym. Ako naman nag aayos ng mga gamit ko nang biglang may kumalabit sakin. Isang lalaki.

Tinignan ko naman ang lalaki, hindi ko siya kilala. Medyo singkit siya at maputi.

"Hi! Ikaw ba si Thalia Torres?"

"Uh, yes. Ako nga si Thalia Torres sino ka?"

"Hi! I'm Brent Paraiso. Bestfriend ni Ricci."

Oh em gee! Hindi ko namukhaan na si Brent Paraiso ito, paano naman kasi nagiba ito ng hair cut tapos mas lalo pa yatang pumuti.

"Sorry hindi kita namukhaan. Hi! Nice to meet you!"

We both shake hands. Umupo naman siya sa tabi ng bag ko.

"Alam kong ikaw ang number one fangirl ni Ricci."

"Kalat na pala sa buong DLSU ang nangyari at yang balita na yan."

"Hindi ko narinig sa iba kay Ricci ko mismo nalaman."

Ako naman ang nagulat. Sinabi ni Ricci sa kanya? Bakit naman sinabi ni Ricci kay Brent ang ganun?

"At ngayon for sure mangangailangan ka ng ka partner para sa cheerdance niyo di'ba?"

"Paano mo nalaman? Ganyan din kasi si Ricci and speaking of Ricci. Hi bro!"

Napalingon naman ako bigla ng marinig kong tinawag niya si Ricci at tama nga ito papalapit samin si Ricci.

Oh my. Hindi pa nga ako nakaka move on sa nangyari a few days ago tapos heto nanaman. Hindi ko po kakayanin kapag araw araw!

Sus kunwari ka pa!

Che! Chupi konsensya!

Nakalapit na samin si Ricci at ngayon nakakunot ang noo niya habang nakatingin samin ni Brent.

Anong problema nito?

"Oh bakit ka naka kunot noo paps? Selos ka ano?" - Brent

What? Si Ricci? Nagseselos? No way!

"Anong ginagawa mo dito, Brent?"

Ang sungit naman ni Koya Ricci.

"Napadaan lang tapos nakita ko si Thalia."

Tumayo naman si Brent at tinap ang balikat ni Ricci.

"Bakuran mo na pre mukhang marami kang magiging kaagaw maganda pa naman."

Hindi ko narinig ang sinabi ni Brent pabulong niya lang kasi sinabi kay Ricci. Hanggang sa maka alis na si Brent naka kunot noo parin si Ricci.

Tumingin naman sakin si Ricci at walang sabing kinuha ang bag ko.

"Hoy! Teka lang! Bakit mo kinuha ang bag ko!"

Muntik ko na siyang hindi mahabol dahil sobrang bilis niya maglakad buti nalang at naka rubber shoes ako.

Nang maabutan ko si Ricci ganun parin ang expression ng mukha niya.

Hanggang sa tumigil sa paglalakad si Ricci at tumingin sakin.

"Hindi si Brent ang magiging ka partner mo sa school cheerdance kundi ako. Maliwanag?"

Sobrang nakakatakot ang itsura ni Ricci ngayon kaya naman napa oo nalang ako sa kanya baka kasi mamaya kapag nag hindi ako mas lalong kumunot ang noo niya.

And a mad Ricci Rivero is no good sight everyone.

Teka, iniisip ba nito kanina pa na si Brent ang magiging ka partner ko?

Nagseselos ba ito kay Brent?

Brrrr! Huwag ka mag isip ng kung ano ano Thalia! Atleast be thankful at si Ricci mismo ang magiging ka partner mo sa dance.

Yeheyyy!

HIS Fangirl || Ricci Rivero Fanfiction || Book 1 Of HIS Series || MAJOR EDITINGWhere stories live. Discover now