Ball #11 - Parents

623 10 0
                                    


Ricci's POV

Kanina pa ako tapos magbihis sa loob ng kwarto ko pero hindi parin ako lumalabas. Nakatingin lang ako sa sarili ko sa salamin.

Ano ba ang iniisip ko ng sabihin ko sa kanya na ako ang magiging partner niya sa dance?

At bakit may iba akong naramdaman ng makita ko silang dalawa ni Brent nung isang araw?

Anong feeling yun?

Bakit sobrang sakit sa puso?

Bakit ako biglang nagalit kay Brent?

At ano ang ibig sabihin ni Brent sa sinabi niya?

Ang dami kong hindi maintindhan sa sarili ko ngayon. Lalo na nang makilala ko si Thalia.

Simula ng makilala ko siya ang dami kong damdamin na hindi maintindihan. Kapag kasama ko siya gusto ko lagi siyang nakikitang masaya tapos gusto ko sakin lang siya tumatawa.

Hindi ko na maintindihan ang sarili ko. Kaya nga ng makita ko silang magkasama ni Brent uminit ang ulo ko sa hindi ko malaman na dahilan.

Ibig sabihin lang niyan may gusto ka sa fangirl mo.

Luh. Ako? Magkaka gusto sa isang fangirl napaka imposible naman. Hindi pa nga ako ready sa isang commitment gusto pa kaya. Barbero ka konsensya!

Bahala ka kung ayaw mong maniwala baka mamaya niyan magsisi ka.

Tinignan ko nalang ulit ang sarili ko sa salamin, kinuha ang susi ng sasakyan ko at lumabas na ng kwarto ko.

Pagbaba ko naman naabutan ko ang pamilya ko na nasa sala at nanunuod ng TV.

"Mukha may lakad ka ngayon, sahia. Saan ang lakad?" - Daddy

"Sa school po pa may dance lang akong aattendan."

"Bihis na bihis naman ang dance na yan anak. Ang gwapo mo masyado ngayon." - Mommy

Ngitian ko lang sila Mommy at nagpaalam na sa kanila.

Habang nasa daan naman ako nagtext ako kay Thalia na papunta na ako sa bahay nila para sunduin siya.

Thalia's POV

From: Ricci Rivero 💚

Papunta na ako sa inyo.

Bigla naman akong kinabahan agad. Papunta na dito sa bahay si Ricci.

Teka, bakit nga ba ako kinakabahan?

Eh kasi nga susunduin ka ni Ricci!

"Sinabi ko naman kasi sa kanya na mag cocommute nalang ako eh."

"Pero um-oo ka naman ng sabihin niyang susunduin ka niya."

Ugghh! Hindi ko na alam ang gagawin ko. Buti nalang at kanina pa ako nakapag ayos ng sarili.

Tok tok tok

"Miss Thalia may bisita ka po sa baba."

Holy brocolli! Nandito na siya agad?!

Huminga naman ako ng malalim at saka lumabas ng kwarto ko.

Pababa ako sa hagdanan namin tanaw ko na si Ricci sa sala namin at hindi siya nag iisa dahil KASAMA NIYA SILA MOMMY AT DADDY!

Mas lalo naman akong kinabahan. Paano kung hindi pumayag sila Mommy at Daddy na kasama ko si Ricci? Paano ang dance?!

"Oh nandito na pala si Thalia."
"You look lovely anak."

Pare pareho silang nakatingin sakin pero mas lalo akong natunaw sa itsura ni Ricci ngayon dahil sobrang gwapo niya po mga madlang peeps!

"Saan ba ang lakad niyong dalawa ngayon?" - Daddy

"Trevor huwag mo takutin ang mga bata!" - Mommy

"Naninigurado lang ako, Hon. Lalaki ang magiging kasama ng anak mo."

Tinignan ko naman si Ricci. Ngumiti lang siya sakin at parang sinasabi niyang "ako ng bahala"

"May cheerdance po ang course nila Thalia. Kailangan po niyang may ka partner at ako po ang napiling ka partner ni Thalia." - Ricci

Anong napili ka diyan?! Ikaw kaya ang nagsabi na ikaw ang magiging partner ko!

Sus. Akala mo naman hindi niya gusto.

Chupiii!

"Ganun ba? Sige, umalis na kayo at baka ma late pa kayo sa cheerdance na yan." - Mommy

"Thanks mommy!"

Hinalikan ko naman si Mommy at Daddy. Hinatid naman nila kami hanggang sa gate.

Pinauna akong sumakay ni Ricci dahil tinawag siya ulit ni Daddy.

"Take care of her young man. Hindi ako basta basta nagtitiwala sa mga lalaki aside from her brothers. Ikaw ang una kaya huwag mo ko bibiguin na pagkakatiwalaan kita sa anak ko."

"I won't hurt her. I promise."

Sumakay naman na si Ricci sa loob ng sasakyan ng naka ngiti. Umalis naman na kami papuntang DLSU.

HIS Fangirl || Ricci Rivero Fanfiction || Book 1 Of HIS Series || MAJOR EDITINGWhere stories live. Discover now