Marrying A Famous Star

133 1 1
                                    

Walang nakakaalam sa mga nangyayari sa nakalipas na isang minuto. Nakatulala lang ako kung saan siya nakaupo at siya’y ganun din lamang ang ginawa. Bakit naman nandito ang isang sikat na artista na tulad nya? At bakit walang nakakaalam ni isang fan na dumating sya dito sa Pilipinas?Anyare sa fanbase?

“Dangsin-eun mueos-eul chyeodabogo issda !” [What are you staring at?!] Ano daw yun? Parang umagos naman yung dugo ng ilong ko?

“Can you speak in English?” tanong ko sa kanya. Hay naku! Tama nga siguro si Queenie. Dapat magpaturo na ako sa kanyang magsalita ng Korean. Nakakahiya kasi lalo na pag moment na ganito tapos nganga kain bubog na naman ako.

“I said, I don’t talk to stupid people,” sabi nya. Ay, yun ba yun? Parang iba naman yung meaning eh. Imbes na intindinhin pa yung pag i-intsik nya, lumapit nalang ako kay Mama na nakaupo sa sofa na katapat kay Hero Kaizer Kim.

“Ba’t nandito yan?” pabulong na tanong ko kay mama.

“NATURAL—” pinahinaan ko yung boses ni Mama. Palagi nalang talagang nakasigaw. “Natural, asawa mo yan eh.”

Ah, asawa ko pala.

“ANO?!”

Maghahanda na ba ako ng maraming tissue paper at korean-english dictionary?! Why?! Bakit sa lahat ng lalaki, sya pa ang lalaking matagal ng pinakilala sa akin?!

Ibig sabihin magiging Cassandra Silver Kim na ako?! WHYYYYYYY?!

Marrying A Famous StarTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon