***SIMYEON***
"Kuya ala sais na!"
Bigla akong nagising.
May pasok nga pala ako.
Agad akong bumangon.
Derecho na ako ng banyo.
Nawala ang antok ko sa bilis kong maligo.
Napagod ako kagabi at nakalimutan kong iset ang alarm ng paggising ko sa cellphone ko ng dumating.
Hindi ko na napansin si Nanay Rizza at ang itinimpla niyang kape para sa akin.
Agad akong pumasok ng silid at nagbihis ng madalian.
Pasalamat talaga ako at naihanda na ni nanay Rizza ang mga uniform ko sa pagpasok.
Mabilasan ang kilos at 7:30 ang una kong klase.
Hindi na ako nakakain.
Tanging kape na lang.
Bago umalis ay humalik muna ako sa mama at sa tulog ko kapatid at saka dali-daling lumabas ng gate.
Hinabol pa ako ng nanay Rizza dahil sa biomatrix ID kong naiwan.Inaantok pa ako ng makarating mg school. Limang minuto bago ang klase ko ng makarating.
Pasalamat naman at hindi ako late.
Ayaw kong malate sa ano mang bagay lalo na sa klase.
Nakakahiya naman kung hindi ko magampanan ang practice what you preach na katuruan.
Mahalaga sa akin ang oras kaya ayaw kong napapahiya.Dalawang klase ang magkasunod na schedule ko. Tatlong oras din iyon at sa hapon ay apat naman ang magkasunod kaya sa sa gabi ay tagtag na ang katawan ko sa pag-uwi.
Sa hapon at kung kailan huling klase doon pa hindi nakikisama ang huling section ko.
Ganito talaga ang mga estudyante ko sa section na ito. Maingay kaya halos kalahating oras ang nasasayang bago makapagklase ng pormal.
Maigi na lang at may tagasaway sa kanila.
"Quite na class hindi na makapagturo si sir!"
Si Sophie ang sinasabi ko.
Siya ang presidente ng section nila kaya sinusunod naman siya ngbkaramihan pag siya na ang nagsalita.
Nagpasalamat ako kay Sophie at tinuloy ko na ang klase. Kahit kapos sa oras ay pinagkasya ko ang lesson namin.
Dahil sa maghapong kakasalita ay binigyan ko sila ng isang sit work. Nagbigay ako ng isang solving problem na sasagutan. Way ko iyon para makalabas sandali. Nagpaalam ako na pupunta muna ng canteen para uminom at pagbalik ko ay kailangan nasolve na nila ang simple physics problem na ibinigay ko.
Nagmadali akong bumili ng gatorade sa canteen. Agad ko itong inubos. Bago bumalik ng klase ay nagtungo muna ako ng cr upang magbawas. May kalayuan ng kaunti ang cr kaya patakbo na ako doon. Sa dulo iyon ng hallway. Madadaanan ko muna ang room ng huli kong klase bago makarating ng banyo.
Sinilip ko muna sila sa bintana. Busy ang klase sa pagsosolve kayat nagmadali akong dumiretso na hallway patungo sa banyo.
BINABASA MO ANG
TAKING CARE OF X
RomanceDalawang magkaibang mundo ang nagtagpo dahil sa hiling ng isang pagkakataon. Si Simyeon- isang anak na nagmamahal sa kaniyang pamilya.Mabait,matalino at gwapo ngunit sa likod ng tinatamasang tagumpay ay ang nakatagong kalungkutan. Hanggang sa dumat...