MNB16- Sleep Over

1.5K 31 0
                                    

Sierra's POV

Nandito na kami sa harap ng apartment ko. Hinanap ko sa loob ng bag ko ang susi ng apartment pero wala. Kinapa ko din sa bulsa ko wala din. Naknangputa san napunta yun?

"Pumasok ka na!" sabi ng hinayupak na naghatid sakin. Nakatalikod kasi ito at di napansin na naghahanap ako.

"Wait Julian." Nilunok ko na ang pride ko at sinabi ko ang problema. Oh Jesus I'm really tired. And I want to sleep right here right now. Di na ito mauulit. Swear.

"Ano nanaman?" Iritang tanong nya sakin. Siguradong pagod na din sya dahil sa trabaho namin sa Miden at sa party ni Julia.

Huminga muna ko ng malalim sya naman ay nakatitig lang. "Nawawala susi ko!" bulong ko.

"What?"

"Nawawala nga yung susi ng apartment ko. Shit baka nalalag kanina sa LRT."

"Ha? Ang tanga mo naman. Dyan ka na lang matulog sa kalsada!"

"GAGO!" eh malaking gago pala talaga ang isang 'to eh.

"Ano baragin ko na lang tong pinto?" pumwesto sya sa pinto at plano nga nyang sirain ang pinto. Siraulo talaga.

"Tanga bakal nasa likod nyan lahat ng bintana nakalock at may bakal na nakaharang impossibleng masira mo yan at pagnasira mo yan dadambahin ka ng dambuhalang may ari nitong apartment."

"Hay Tara na nga! Puro ka kamalasan. Samin ka na matulog." I don't have any choice sumama na ko sa kanya.

MY NERDY BOSSTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon