Chapter 3.

8 0 0
                                    

Magsisimula pa lang akong magtrabaho nang biglang pumalakpak ang Team Leader namin bilang paghingi nang atensyon, kaya nagkumpulan na kami malapit sa kanyang table.

"Guys, Organize! Bukas dadaan dito ang CEO, alam naman natin na minsan lang sya pumasok at sa minsan na yun eh, dinadaanan nya ang mga bawat department kung may problema ba ang mga ito o wala, at sa mga bago, magpakilala kayo dahil ginagawa talaga iyon ng mga baguhan lang, so no need to be nervous, okay?"

Nagsitanguan na lamang kaming lahat at nagsipagbalikan na sa mga kanya kanyang trabaho.

6pm na at tapos na kaming lahat sa trabaho namin, inaayos ko na yung mga gamit ko nang lapitan ako ng isa sa mga katrabaho ko.

Nag-angat ako ng ulo at tinignan sya. "Dalen, sama ka, kain tayo sa malapit na restaurant." Yaya nya. Tumango na lang ako at sumabay na sa kanila.

Naka-order na kami at hinihintay na lang yung pagkain, kwentuhan lang sila ng kwentuhan habang ako eh sumasagot lang kapag tinatanong o kinakausap.

"Dalen, pansin ko lang, sa ilang linggo mo nang pagtatrabaho kasama kami, parang mailap ka pa din sa amin?" Tanong ng isang katrabaho ko na sinang-ayunan naman ng iba.

Hinihintay nila ang sagot ko pero hindi na lang ako nagsalita at sinabing "Nandyan na yung order." Kaya hindi na rin nila ako kinulit at kumain nalang ng tahimik.

Kinabukasan ay late na ako. Kaya hindi na rin ako nagmadali dahil kahit bilisan ko ang kilos ay late pa rin naman ako.

Sumagi sa isip ko na ngayon pala ang pagdating ng CEO kaya binilisan ko na rin kahit papano. Lakad-takbo ako papuntang elevator at sakto namang pasarado pa lang yung sa unahang elevator kaya dumiretso na ko dito at pumasok.

Diretso lang ang tingin ko sa pintuan ng elevator pero ramdam na ramdam ko ang tingin sakin ng dalawang tao. Lumingon ako sa right side at nakita ko yung isang lalaki sa gitna na may dalawang lalaki sa kaliwa at kanan nya. Diretso lang ang tingin nung lalaki sa may pinto pero yung dalawang tao sa likod nya ay nakatingin sakin na para bang hindi sila makapaniwala.

Hinayaan ko na lang at naghintay hanggang sa narating ko na yung 10th floor. Lakad takbo na ako sa paglalakad pero pagdating ko dun nagre-ready pa lang sila.

Bumukas ang glass door na kapag inaapakan ay kusang bumubukas at iniluwa ang lalaking nakasabay ko kanina sa elevator.

Nakapila lang kami sa may pinto at sabay sabay na bumati.

Nag-ikot ikot lang yung CEO habang nakasunod naman sa kanya yung Team Leader namin at nagrereport sa nakaraang mga naging sales at sinabing wala naman mga naging problema.

Huminto na ulit sila sa harap namin at sumenyas yung Team Leader na magpakilala na daw kami.

Umabante kaming mga tatlong bago at nagpakilala na yung dalawa, pagkatapos ay saakin naman ngayon ang naging atensyon.

Tumitig ako sa lalaking nasa harap namin ngayon na kanina ko pa napapansing pamilyar sa akin.

"Magdalena Tolentino. Graduated of 4 years in Accounting, 1 year internship at A publishing company. Please look after me, Thank you." Nagbow ako nang onti at umatras na.

Magkatitigan pa din kami ng CEO at pamilyar talaga sakin ang feeling na to.

"Rafael Miguel Benson Jr. I know you all already know me." Malamig na sambit nito sa matigas na ingles.

Tumalikod na ito at nagsimula ng maglakad palabas kasunod ulit ang dalawang lalaki na kanina pa nakatingin sakin ng hindi parin makapaniwala.

Lahat ng mga katrabaho ko ay napahinga ng malalim na para bang nabunutan sila ng tinik sa dibdib at nagsipagbalikan na sa kani-kanilang mga trabaho.

- -

Naglalakad na ko papuntang sakayan nang biglang tumunog ang phone ko.

(Ate Lala calling..)

"Hello, iha? Pauwi ka na ba?"

Tinuloy ko ang paglalakad habang kausap sa phone si Ate Lala.

Dumiretso ako sa pinakamalapit na pharmacy at bumili ng gamot para kay Karla, may sakit nanaman daw kasi ito. Tutal malayo na ako sa sakayan eh maglalakad na lang ako papunta sa kabila pa na sakayan.

Habang naglalakad, nakarinig ako ng mga hiyawan. Palakas ng palakas yung mga boses hanggang sa natanaw ko na ang mga mamahaling kotse na sunod-sunod na nakapark sa kalsada at ang mga lalaking may kasamang mga babae. Dire-diretso lang ako hanggang sa nadaanan ko sila, malakas ang loob nilang mag-ingay dahil tahimik naman sa lugar na ito ngunit masyado na siguro sila maingay kay nakabulabog na sila ng mga tulog. Kaya ang tubig na dapat sakanila ibubuhos ay sa akin naibuhos, napahinto ako at pati na rin sila. Tinignan ko ang tapat ng bahay na pinagi-istambayan ng mga maiingay na lalaki at nakita ko ang matanda na nagbuhos ng tubig sa kanila- dapat.

"Ang iingay nyong mga kabataan kayo!! Tulog na ang asawa ko at may sakit iyon!!!! Hindi na nga makatulog ng maayos ang iingay nyo pa!!" Sigaw nya sa amin.

Akala siguro ay isa ako sa kanila dahil hindi pa naman ako gaanong nakakalagpas sa kanila o hindi pa talaga. Humarap ako kay lola at humingi na lang ng pasensya dahil mukhang wala namang mga paki ang mga lalaki na ito.

Pagkapasok ni lola ay tumalikod na ako at magsisimula na sanang maglakad ng may humarang sakin. Nilapit nya ang mukha nya sakin na para bang inaalala ako.

"Alis. Nilalamig na ko." Malamig na sabi ko sakanya.

"IKAW?!" Sigaw nya.

Oo kilala ko sya. Sya yung labag sa loob na "tumutulong" sa bahay-ampunan.

"Alis." Ulit ko.

Hindi sya natinag sapagkat tumawa lang sya na para bang may katuwa-tuwang naganap at hinawakan ako sa balikat.

"Gusto mo ba ihatid na kita?" Tanong nya sa akin ng nakangiti.

"Alam ko namang labag sa loob mo kaya, alis." Nagtitigan lang kami dun at sya na rin ang umiwas.

"Ayos to ah, may thrill." Bulong nya na narinig ko naman.

Hinila nya ako at hinarap sa mga kaibigan nya.

"Guys, eto nga pala si..."

Nakatingin lang ako sa lalaking kanina lang ay nakita ko sa opisina- Ang Chief namin. Isa pala sya sa mga lalaki dito at hindi ko yun akalain, dahil wala rin naman akong pakialam.

"Magdalena Tolentino." Sambit ni Mr. Benson habang nakatitig sakin.

Napalingon sa kanya ang katabi ko na para bang nagtataka kung bakit alam nya ang pangalan ko.

"One of my employees." Sagot nya na diretso parin ang tingin.

Hinawakan nya ulit ako sa balikat pero sa likod na sya nakapwesto.

"So ayun nga, Magdalena Tolentino." Sabay tulak sa akin ng marahan palapit sa mga kaibigan nya.

Hindi naaalis ang tingin ko kay Mr. Benson at ganun din sya.

"Girlfriend ko." Marahas akong napalingon sa lalaking nasa likod ko.

A Thick Walls In Between.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon