Daphne POV
Haist! Another stressful day. Ang hirap pala talagang maging college student. Bagong surroundings, bagong classmates at schoolmates. Hanggang ngayon ay nag-aadjust pa ako. Masyado kasi akong happy-go-lucky nung highschool. Hindi na yun pwede ngayon kasi panigurado uulit ako next sem. hoo~ ang hirap ng Science at psych, bakit ba kasi naimbento yun.
Papunta ako ngayon sa library. Pampalipas oras at para makapagreview na din para sa I.T. Pagbukas ko ng pinto, malamig na hangin agad ang bumungad sakin. Isa ito sa dahilan kung bakit ko gusto dito eh. Malamig na, hindi pa maingay.
"ID mo po?" Tanong sakin ng isang gwapong nilalang. Hindi siyakatangkaran pero maputi at matangos ang ilong. Bakit parang uminit ata dito? Kung maputi siguro ako, ang pula pula ko na. Buti nalang talaga morena ako.
Pagkaabot ko ng ID ko. Binigay ko naman yung bag ko at kinuha yung baggage number. Dahil dun nahawakan ko yung kamay niya. Napayuko tuloy ako bigla. Lumakad na ko para makahanap ng mauupuan.
Nasa kalahating oras na siguro ako dito pero nasa unang pahina pa din ako ng binabasa ko. Hindi ako makapagconcentrate kasi tanaw na tanaw ko siya sa kinauupuan ko. Ang gwapo niya talaga lalo na kapag ngumingiti. Ano kayang pangalan niya? Ilang buwan nakong tumatambay dito pero hindi ko pa din alam ang pangalan niya. Kaya hindi ko siya mastalk sa fb. Oopps.. hehe secret lang ha?
"Hon, i missed you." May babaeng dumating. Magandang pumorma at ..maganda. Walang wala ako. Napayuko ako at inayos ang salamin ko.Napa-shh ang mga tao dito sa lib. dahil sa lakas ng boses niya.
"Sorry guyth." Hinging paumanhin niya. Ang ayoko lang sakanya ay masyado siyang pacute. Hindi sa bitter ako dahil gf siya ng pinagpapantasyahan ko. Oo, you read it right. Gf siya, GF. saklap mga tol.
Inaayos ko na yung mga librong hiniram ko kasi hindi ko na matagalan yung dalawa. Hindi ko nga sila naririnig dahil may kalayuan ako sa kanila pero katapat ko naman. Sumasakit na nga yung mata ko sa kalandian nila pati yung puso ko parang nabibiyak. O.a ba? Wala eh ganyan talaga.
Nang nakalapit na ako sa baggage counter, inabot ko lang yung number at hiningi yung ID ko.
"Apelyido?" Tanung niya. Nakayuko lang ako at hindi siya tinitignan.
"Castro" mahinang sabi ko pero sakto lang para marinig niya. Pagkaabot niya sakin ng ID ko dali-dali na akong lumabas.
Natapos ang araw ng napakabilis. Pauwi na ako ng makasalubong ko ang crush kong nagpapart time sa library kasama ang gf niya. Napayuko nanaman ako, siguro sinundo niya pa yung gf niya. Tiyaga niya talaga, sa may gate 3 pa kasi yung building ng gf niya eh nasa gate 1 yung department namin. Oh wait lang guys, hindi pa ako nagiistalk. Alam ko lang na doon siya kasi dun yung daan ko pauwi. At lagi ko lang sila nakakasalubong. Hindi ako defensive. Nagsasabi lang ako ng totoo.
Nang marating ko ang waiting shed ng gate 3. Nadatnan ko si papa na nakikipagtawanan sa isang lalaki na sa tingin ko mga nasa forty na.
"Pa." Pagkuha ko ng atensyon kay papa. Napalingon siya pati na din yung kasama niya.
"Richardo, anak mo na ba ito? Aba'y dalaga na. Naalala ko noon eh napakaliit lang nito. Ngayon ay mas matangkad pa sayo." Natatawang saad ng estranghero.
" Sinasabi mo bang maliit ako?" Tanong ni papa na ikinatawa ng lalaki." Nga pala, Dap. Si tiyo Manuel mo nga pala. Kaibigan kong matalik."
"Kamusta po kayo?" Nakangiting tanong ko.
"Ayos lang naman, aba'y kay gandang bata naman pala ng anak mo buti nalang hindi nagmana sayo." Napayuko ako sa sinabi niya. Napa-irap naman si papa kay tito manuel.