Shot 1

33 0 0
                                    

*****
"Oo na eto na nga maliligo na!"

'Siguraduhin mo lang Chloe Gregorio! Baka nakahiga ka parin jan sa kama mo?'

"Bye!"

'Teka Chloe-' *toot*

Banggitin daw ba yung apelyido ko? Gaga talaga yun. Nang dahil sa kanya nasira ang Sunday chill day ko huhuhu T^T Hindi naman talaga ako mahilig pumunta sa mga party na katulad ng pupuntahan ko, sa club. Maingay, inuman, lasingan. Oo, alam ko na ganun talaga parties, di lang talaga ako sanay  sa maraming tao hays.

Nagsimula na akong kumilos dahil 12 na at magsisimula ang party ng 2, naligo na ako at naghanap ng masusuot sa birthday ni Zach Newton. Yung kaibigan ko since elementary na soooobrang talino at yaman. All in one na siya kumbaga, pero kahit kailan hindi pa siya nagkaka girlfriend. Akala nga namin bakla yung mokong na yun eh, nung tinanong namin kung bakla nga siya sabi niya naman hindi, 'May hinihintay lang kasi ako na taong napaka espesyal para sakin. Matagal ko na siyang kilala, pero natatakot ako na baka kapag nagtapat ako, masira ang friendship namin kaya naghahanap pa ako ng right timing to say those words to her. And by that time, I'm all ready to give her my all. I'll make her happy every time and every day. I'll treasure her and love her and I will never let her go. Bobo ko nalang kung papakawalan ko pa yung isang katulad niya hahaha' yan yung sabi ng mokong. Ang swerte siguro nung babae na magiging girlfriend niya. Pahahalagahan niya ng sobra sobra, pasasayahin araw araw, mamahalin kada segundo at hindi iiwan kahit kailan. Sana, sana makita na niya yung babae na para sakanya dahil gusto kong makita ang bestfriend ko na masaya at inlove bwahahaha kahit na masakit na makitang may ibang nagpapasaya sakanya, okay lang basta if he's happy then I'm happy :)

Nang matapos na ako makapagbihis umalis na ako at pumunta na sa club na pagdarausan ng party ni Zachy. It's 2:30 medyo nalate ako ng konti kasi tumae pa si Vanilla, my dog, sa sofa, nilinis ko pa. Pagdating ko, akala ko di pa ako papapasukin ng bouncer dun dahil sa height ko pero mabuti naman at pinapasok niya ako dahil daw cute naman ako hihihi jowk 18 na ako and I'm on my legal age to do this things. Hinanap ko yung room nila Zachy na may nakalagay na 'Zak Newten' Bwahahahaha Zak Newten ampupu XD Binuksan ko na ang pinto at nakita ko ang mga childhood buddies ko at old friends and classmates since elementary. I caught their attention so they looked at me and I wave them 'hello'.

"Oh my gosh Chi! Ikaw na ba yan?" Yes. 'Whateveryournameis' it's me.

"You look very pretty na Chi. Since, dati di ka parin nagbabago." Ito ata yung taglish na classmate ko nung grade 6, na sobrang arte at annoying dahil sa taglish niya. Kakabadtrip eh, pero wala naman siyang ginagawang masama pero nababadtrip ako sakanya at alam yun ni Zachy dahil nga bff kami since forever and guess what, he also hated her. So, Idunno why he invited her over.

Umupo nalang ako sa tabi ni Zach kasi yun nalang yung hindi pa na o occupy na space. Ang tahimik ngayon ni Zach at hindi ako sanay na ganito tong mokong na to.

" hey, Zach."

"Hello, Chi." Sabi na eh, mar problema tong lalaking to eh. Gipit yung sagot eh at hindi Zachary ang datingan.

"May problema ka ba? Oo o oo?"

"As if may pagpipilian ako jan."

"So, oo?"

"Wala, Chi. Okay lang ako" sabay labas ng ngiti niya na nakakainsecure para sakin.

"Weeeeh. Baka wala. Utut mo Zachary Panget Newton, alam ko po na may pino problema ka dahil jan sa mga kinikilos mo. Ano ba yun? Birthday na birthday eh. Alam mo naman na pwede mo akong pagkatiwalaan diba, Zachary?"

"Wala nga kasi to, Chi. I'm perfectly fine. Just enjoy the party"

"Paano ako mag e enjoy kung hindi ka nag e enjoy?"

"Kanina pa ako nag e enjoy, ang aga mo kasing dumating. Pagod lang ako. Babalik rin yung Zachy mo mamaya."

"K. Whatever."

Hindi na ako nag bother na kulitin pa tong mokong na to, kasi mukha naman talaga siyang pagod na at sobrang stressed. Kawawa naman bff ko, hays.

"Hey everyone."

Lahat kami ay napatingin sa kung sino yung nagsalita na kakapasok lang.

Di ko siya mamukhaan batch mate ba talaga namin yan?

"Oh, hey Alex. Sa wakas nahanap mo na rin tong club."

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Dec 02, 2017 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

One Shot (short story)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon