Special Chapter

2 0 0
                                    

Pagkagising ng umaga , iminulat ang mata. Hindi mapakali at tila naaalarma. Pagod ,puyat , ngunit hindi maiayos ang pagtulog. Para sa kanya ay mundo ay tuluyan ng nahulog. 

Ilang araw ,linggo at buwan na hindi nasisikatan ng araw. Nasa loob lamang ng bahay , at tila ang katawan  pakiramdam ay patay . Nanunuyot na labi at maputlang mukha. Ang sakit na nadarama ay hindi na maidaan sa luha.

Napakabilis ang sandali kung bakit sya iniwan. Napakabagal naman ang panahon kung saan sya'y nasasaktan. Tila isang musika na nasira ang mga pyesa.  Tila isang laruan na tumigil na ang baterya.

Sa bawat sulok ng kanyang bahay , ikinulong ang sarili. Sinisi ang sarili. Sinaktan ang sariling ,gusto ng gumaling mula sa sakit na binigay ng dating dahilan kung bakit sumasaya. Masakit. Saan ba nagkamali? .Nanginginig at natatakot pa ring isipin  na wala na talaga . Wala na sya at iniwan ka na.....

"Mahal ko , nasan ka na ? .Puntahan mo ako , sapagkat ako'y nag-iisa. Natatakot ako sa dilim kung saan ay hindi kita kasama. Nasaan ka?"

Gusto kitang samahan sa liwanag at wala ng isipin pa. Takasan ang mga problema , iwasan at iwanan ang ilan pang mga oras na pilit gustong pabilisin dahil wala ng dahilan para mabuhay pa.

Akin na ang kamay mo mahal ko. Tulungan mo akong bumangon sapagkat ang kaluluwa'y naging lumpo. Gusto na kitang yakapin muli , mahagkan sa iyong mainit na braso. At ng magbigay sakin ng buhay , tumayo at mabigyang lakas ang mga tuhod ko. Para harapin pa ang mundo at ang sumaya kahit ala-ala nalang ang nagsisilbing presensya mo.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Feb 03, 2019 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

The Spring Day (Jungkook's Fanfiction)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon