31 Days

326 19 5
                                    

Prologue

Graduate ako ng Tourism. Maganda, sexy, matangkad, maganda boses at magaling sumayaw. Hindi ko alam kung bakit hindi ako matanggap sa mga trabaho. Siguro dahil hindi ako masyadong fluent sa English. Well, di ko pa ata Lucky day ngayon.

_________________

Kanina pa ako paikot-ikot dito sa Manila. Tuyong labi, nahihilo at gutom, yan ako ngayon. Dehydrated at sa tindi ng sikat ng araw, hindi na yata ako magtatagal ng 5 oras. Ayoko pang umuwi samin dahil kaylangan ko talaga maka-hanap ng trabaho. Kung uuwi man ako ay para lang tignan at asikasuhin ang Ina kong may sakit at kapatid kong naninilaw ang balat. Wala na si Itay, patay na. Kaya lahat ay napunta sa akin, di ko naman sila sinisisi.

_________________

Naaalala ko pa yung mga malulungkot na pangyayari. Last month lang nawala si Itay, gipit na kami sa pera dati pa lang. May lumapit kay Itay, kulang daw sila ng mga tauhan. 

"Sige, basta ligtas" sabi ni Itay.

"Ligtas naman ho"

Pumayag naman si Itay pero ako hindi.

"Pero tay-"

"Angel, para sa iyo naman ito tsaka sa Inay at kapatid mo."

After that day, unang araw pa lang niya sa trabaho siguro pag-uwi ni Itay may dala siyang pagkain sa amin siguro matutuwa ang bunso namin. Pero ang nakabalik ay sapatos niya, nalunod daw si Itay.

Hindi ako makapaniwala nun, parang isang panaginip lang na sana wag ako magising pero hindi talaga, ganyan talaga ang buhay kaylangan mo harapin ang katotohanan.

_________________

Nandito na pala ako sa Makati, nadala ako kakakwento sa sinapit ni Itay. Mabuti pa siguro ay umuwi na ako, pagod na ako at gusto ko na mabantayan sila Inay. Maglalakad na lang muna ako sayang ang pera kung sasakay agad ako kaya pa naman kahit papaano.

"Miss!"  Ingay naman nun.

"Miss!" Malayo layo pa lalakarin ko.

"Miss Punzalan!" Ay kalabaw! Ako pala tinatawag. Sino kaya ito? Hmmn, pogi ah. Stalker ko? Charot! Haha.

"Ano po yun? Bakit mo ho ako kilala? Nagkita na ba tayo?"

"Ikaw si Angel Punzalan diba? Ako nga pala ang boss ng tatay mo" Nakita ko ang hiya sa mukha niya, siguro dahil sa nangyari kay Itay.

"Opo, ako nga. Ikaw ho pala iyon."

"I'm so sorry, sa nangyari sa Itay mo"

Tumawa ako ng mahinhin "Ah haha. Ok lang, nangyayari talaga ang mga bagay na di mo inaasahan."

"Nabalitaan ko pala na naghahanap ka ng trabaho"

"Paano mo-" Stalker ko nga ata siya? Biro lang.

"Kaibigan ko yung isa mong pinag-applayan"

"Ahhhh" napatango ako. "Opo, wala nga akong mapasukan, di ko alam kung bakit."

"Pwede kitang i-request sa agency ng pinsan ko? pero katulong ang hinahanap, malaki naman ang sahod makaka-ipon ka agad" Siguro ok na ito, basta may trabaho na, malaki rin naman daw ang sweldo. Sayang ang pagkakataon.

"Saan po ba ako magtratrabaho?"

"Sa Tagaytay" Wow! Masarap simoy ng hangin at maganda ang mga tanawin.

"Malayo po pala, pero ok na rin po" Ngayon lang ako makakapaglakwatsa noh!

"Pwede ka na magsimula bukas o kaya mamayang gabi, maihahatid naman kita doon kaagad." Sayang ang oras, pagkauwi sasabihin ko na kay Inay ito.

"Sige ho, ano po pala pangalan mo?" Kanina pa kami nag-uusap di pa siya nagpapakilala.

"My name is Joseph Madrigal, you can call me Joseph :)" Taray! English! Haha, abot tenga pa ang ngiti ni Sir!

"Thank you, Joseph" ngumiti rin ako

"Ihahatid kita sa inyo, di ako tumatanggap ng hindi :) Para mapakita ko na rin yung bahay."

Naglalakad kami papunta sa sasakyan niya. OMG! Limo ang sasakyan.

"Mayaman ka pala" sabi ko

"Mas mayaman ang Boss mo :)" Hilig naman ngumiti nito!

________________

Paalis na kami, nakapag ligpit na ako ng mga gamit ko. Papunta na kami ngayon sa Tagaytay.

"How old are you Angel?"

"19 po, ikaw Sir?"

"Wag mo na akong tawaging Sir at wag ka na mag-po, 22 na ako, nandito na pala tayo mga 5 minutes na lang nasa bahay na tayo ng pinsan ko"

"Sino-sino po ba makakasama ko dun?"

"Bukas pa dadating ang Boss mo, andun yung guard at isa pang maid. O, andito na tayo! Halika na."

_________________

"Dyan ang kwarto mo, matulog ka na at bukas pa dadating pinsan ko"

Haysss. Wow! Lambot ng kama, kahit katulong lang ako dito maganda ang kwarto. Maka-tulog na nga muna at masyado akong napagod kanina.

_____________________________

31 DaysTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon