CHAPTER 19: Just a kiss
=============
SHACK'S POV
=============
Gaaaah! Di ako makatulog. Sige ako na ang nagseselos! Dapat ako nalang ang first kiss ni Jijey. Grabe lang ha! Sumosobra na yang Vincent na yan ah! Hay. Makainom nga muna ng gatas. Lumabas muna ako ng kwarto. Tulog na tulog na ang iba eh. Dumeretcho ako sa kusina at nagtimpla ng gatas. Napatingin ako sa salas kung saan nangyari ang lahat.
'' Tsss... VJ couple. Sari sari!'' bulong ko habang hinahalo ko yung gatas.
''Ako dapat ang first kiss ni Jijey hindi yung Vincent na yun. Nakakainis!'' pagpapatuloy ko.
''Pero hindi ikaw ang first kiss niya.'' napalingon ako sa nagsalita. Si Yumi lang pala. Alam na din pala niya ang feelings ko para kay Jijey. At alam ko na din na siya yung nakausap ko sa canteen. Minake over lang siya ni Jijey.
''Oh Yumi. Gising ka pa pala.'' sabi ko. Nginitian niya ako at nilapitan niya ako.
''Di ako makatulog eh.'' sabi niya
''Ako din eh. Gusto mong gatas?'' pagaalok ko sa kanya. Umiling siya.
'' Mahal mo talaga si Jijey noh?'' sabi niya. Tumango ako.
'' Oo. Hindi niyo alam kung gaano ko siya kamahal. She's just so...'' sabi ko pero di niya ako pinatapos.
'' I know. Simple but at the same time adorable. Pansin ko nga.'' sabi niya. Napatawa kami. '' Pero Shack, di ka ba nagsasawa o napapagod man lang? I mean lagi ka lang nasasaktan because of those feelings that haven't reached her yet.'' sabi niya.
'' Hindi. Ewan ko ba. The more na iniiwasan ko siya, the more na namimiss at minamahal ko siya.'' sabi ko.
'' Eh yung si Yuka. Nung nabasa mo ang unang note niya, anong naramdaman mo?'' tanong niya. Teka, di ko naman kinekwento sa kanya si Yuka ah.
''Paano mo nalaman yung tungkol kay Yuka?'' tanong ko.
''Ahhh...eh.... nasabi sa akin ni Elouise?'' sabi niya. Ahhh... si Elouise lang pala. Hayy naku, kapag talaga si Elouise wala akong maitatagong sikreto.
''Ahhhh.... ganun ba? Wala lang. Naramdaman kong may nagmamahal sa akin. That I am somehow special and important.'' sabi ko.
''Alam mo, parehas lang tayo ng situation.'' sabi niya.
''Eh?'' sabi ko.
''Nagmamahal ako ng taong may iba namang mahal.'' sabi niya.
''Talaga?'' sabi ko. Tumango siya.
''Oo. Kaya alam ko ang nararamdaman mo. At alam kong masakit.'' sabi niya.
'' Eh sino ba ang sinasabi mong mahal mo?'' tanong ko.
'' Ha? Ahhh... di ko pwedeng sabihin eh. Pero malalaman mo din yun soon.'' sabi niya.
''Sige.'' sabi ko.
''Hayy, inaantok na ako. Sige, good night.'' sabi niya.
'' Sige. Goodnight.'' sabi ko. Tapos pumasok na siya sa kwarto . Parehas kami ng situation. No wonder gumagaan ang pakiramdam ko kapag kausap ko siya at may problema ako kay Jijey.
===========
YUMI'S POV
===========
Ramdam naman pala niya eh. Pero bakit hindi niya tingnan ang pangalan ko? YUmi KAzagawa a.k.a YUKA. Kung titingnan mo ang pangalan ko, malalaman mo kung sino ang mahal ko. Hayy, pagibig. Minsan mo na nga akong tamaan, pinahihirapan mo pa ako. Pagibig talaga ang sakit sa eye bags.
BINABASA MO ANG
I'm Inlove With A SUPERSTAR!!! (Finished)
Novela JuvenilAre they ready to face the consequences of their love???? Kindly click start reading. :)