“ Pam, labas tayo! Ang init dito eh!” sigaw ni kylie.
“ oo, sige teka lang!”
Hi! Ako si Pam Nicole Alvarez. Isa akong high school student. Labing anim na taong gulang ho! Average akong tao. Hindi gaanong matalino, hindi rin bobo. Ngayon ay 4th year high school ako. Opo. 4TH YEAR HIGH SCHOOL , hindi ako inabot ng k+12 eh. Buti na lang.
Excited sana akong pumasok ngayong school year dahil senior na ako sa school na pinapasukan ko. For sure gagalangin na kami dito. Ang kaso, kung minamalas talaga eh ang pangit ng room namin, sa lahat ng section sa 4th year kami yung napagkaitan. Well, ganyan talaga ang life!
“ huy! Teh, matagal lang?” sigaw ulit ni kylie habang hinihila ako.
“ papunta na nga! Excited?” kinuha ko yung pera at cellphone ko sa bag.
Bigla na lang tumigil si kylie sa kanyang walang hiyang pag hatak sakin.
“ oh, problema mo?” tanong ko.
“ hindi ka man lang magsusuklay? Maglagay ng powder or magpabango?” tanong niya habang tinitingnan ako.
“ magpapahangin lang sa labas, kailangan pa ng ganyan? Ano to? Beauty contest. Tumigil ka nga kylie!” sagot ko sakanya.
Ito talaga si kylie, nakakainis. Ginagaya niya pa ako sakanya, na kahit pupunta lang sa CR eh mag memake up pa.
“ fine! Eh di wag, bahala ka. Walang magkaka gusto sa’yo niyan!” sabi niya habang tumatawa
“ wala akong pake! Hindi ko sila kailangan!” sagot ko naman with confidence.
Wala bang pake? Oh walang talagang nagkakainteres sakin? PWE!
Eh,Totoo naman eh. Bata pa ako, hindi ko sila kailagan, besides , sagabal lang ho sila. STUDIES FIRST dude!
Dahil marami namang vacant or free period kasi Friday. Tumambay muna kami sa labas ng classroom. Nandun rin kasi yung iba naming classmate, gumagawa ng kung anu ano.. yung iba naglalaro, may sumasayaw, naglilinis.. basta kanya kanyang trip. Last year na to eh, kailangan ng sulitin.
Umupo ako sa ilalim ng puno along with kylie and marie na new friend ko. Klasmeyt ko siya this year kalog din eh kaya madali kaming nag click.
Kwentuhan lang kami ng kwentuhan nina kylie at marie.
“ buti nalang marami tayong vacant noh?” inumpisahan ni marie ang conversation.
“ oo nga. Sulit yung last schoolday of the week.” I answered
“ so marie, we have been in this school for like 3 years pero, ngaun lang kita nakita.” Kylie said
“ oo. Di kasi ako naglalalabas, wala akong masyadong kaibigan. Konti lang at karamihan pa lalaki.” Marie answered.
“ ahh.” Napa tango nalang kami ni kylie.
Kinuha ko yung earphone ko at ilinagay sa tenga. Music lover kasi ako eh..
Baby you’re the best cause you worked me out
I keep building walls up but you tear ‘em down
I’m fighting
I don’t wanna like it but you know I like it
But you know I like it like it like it
Used to always think I was bullet-proof
But you got an AK and your blowing through
Explosive, you don’t even know it, I want you to know it
I want you to know it
know it know it
All of them other boys can walk away
They ain’t even in the game
Cause they know that you own it
you got this swag you got this attitude
Wanna hear you say my name
cause you got me…
“Flying with your love, shining with your love, riding with your love
I feel like I’m on top of the world with your love!!!!” kinanta ko with matching dance moves
Bigla bigla naman akong siniko ni kylie. Nung una di ko lang siya pinansin at patuloy akong kumanta, naiirita lang yun sa boses kong soooooobrang ganda.
Pero inulit ulit niya pa ito. Kaya nainis rin ako ng konti kasi basag trip siya eh. Kaya tinanggal ko ang aking earphones at tumingin ako sakanya..
“ problema mo girl?” tinanong ko ng mahinahon.
“ tingnan mo yung kausap ni marie.” She said
Agad naman akong lumingon,, malay ko ba kung si Enrique gil or si Daniel padilla yun diba? Lakas lang mangarap teh?
Lumingon ako ng slow motion style. Pag tingin ko. OHjusko. What is the meaning of this?!
Agad akong natulala sa lalaking kausap ni marie. Unang tingin mo pa lang tulo laway na eh.
Para sa isang lalaki,, ang linis niyang tingnan..hindi yung nerd o makaluma way ah? Yung LAKAS NG APPEAL way. Tinitigan ko siya ng matindi. Konti nalang matutunaw na eh..
Lumingon akong pabalik kay kylie para hindi ako mahalata.
Smile smile ako ng konti. Kilig kilig rin eh.
Sumusulyap sulyap din ako kina marie at dun kay boy. HEAVEN talaga eh. The best.
Maya maya. Nagpa alam na siya. Ngumiti sa amin atsaka umalis.
Sino kaya ang lalaking yun? Ano tong nararamdaman ko?. Bakit ngayon ko lang siya nakita? transferee ba sya?
Marami akong tanong na gusto kong masagot. Pero one thing is for sure, gagawin ko ang lahat para mapansin niya ako.
------
author's note: muli heto nanaman po si Cha_ChedL upang magsulat ng tagalog stories. i tried to write english ones pero ... nahirapan ako. haha. nose bleed lang?
sana po ay suportahan niyo po itong T*ngina. Please Be Mine . salamat ng marami! :))

BINABASA MO ANG
My Love, Please Be Mine ♥
RomanceAraw- araw ginaganahan pumasok sa school, hindi para makakuha ng baon, hindi rin upang may matutunang makabuluhan, kundi upang may masulyapan. Kung iisipin, mali ang rason ko eh, pero aminin RELATE kayo. Ito ay ang kwento ni Pam, isang simpleng high...