Mister Pathetic

169 4 1
                                    

Leche, may pasok nanaman.

Hi, ako nga pala si Yuki Tomohisa. Pure Japanese. Nag migrate parents ko pagkatapos Kong maipanganak. Hindi ko nga alam kung bakit ehh. We live here in Quezon City for almost 17 years. My mom is a house wife while my father works as a CEO of some company that I didn't even bother to know. Well, I have a perfect life somehow, not until my first love came. She was-

"Yuki! Malalate ka na!"

Oh shit. Nakalimutan ko. Tumakbo agad ako sa banyo na may hawak na twalya. 5 minutes lang ang ligo ko tapos 5 minutes rin bihis ko. Pag katapos, kinuha ko agad bag ko.

Bat nga ba ako nag-aaral? Ahh Ewan.

Umalis ako ng bahay na may kagat kagat na tinapay sa labi . Tumatakbo na nga ako kasi 5 minutes nalang ay magsasara na yung gate.

"Ganyan ka lang ba kabilis yuki? weak mo naman."

Haaaaayyyy nako, andito nanaman siya.

"Talaga? Tignan nalang natin kung sino makakadating sa school ng maaga, Azril!!" sigaw ko sa lalaking tumatakbo sa likod ko.

Binilisan ko ang takbo ko. Ako na ang mananalo sa larong ito. Isang liko nalang..

"Weak."

Yun ang huling salita na narinig ko bago ko napansin na nauuna na pala sa akin yung mayabang.

"Damn you!" ang aking huling nasigaw noong nakita ko na malapit na siya makapasok ng gate. At nginitiian niya pa ako bago tumigil. "Good luck sa Araw mo ngayon, loser!"

Kung pwede lang talagang pumatay, ginawa ko na, dati pa.

Nagmadali akong pumasok ng classroom. Wala ng tao sa hallway. Shit.

Tumigil ako sa harap ng room. Palusot.com.ph nanaman ako...

Biglaan kong binuksan ang pintuan. Sinara ko ang mga mata ko at sumigaw ng:

"SORRY IF I'M LATE MA'AM!! BLAME MY MOTHER FOR NOT WAKING ME EARLY!!"

1 second passed...

2 ...

3 ...

... bakit walang nagrereact?!

1 minute..

Binukas ko na ang mata ko. At dun ko lang naalala. F*ck Monday pala ngayon. May flag ceremony.

Hay buhay, bakit kaya napakahirap mo. So nagpasya akong manatili nalang sa classroom since 7:07 am na at tinatamad pa akong maglakad. Oras na para sa pinaka mahalagang bahagi ng buhay ko, ang matulog. Huwag na sana akong magising. Wala rin naman akong silbi sa mundong ito ehh..

•×•×•×•×•×•×•×•×•×•×•

"Gising."

Nnhhh...

"Gising na singkit."

Nnhhh...mnnnhhh...

"Yuki!! Andito na si Maria!!"

Dumilat agad ako nung narinig ko ang pangalan niya. "Maria!"

"Ambilis mo maloko tol. Wala siya dito. Oo nga pala, 2 oras ka natulog, natalo mo na record mo na 1 hr and 31 minutes, Congrats!" ang sabi sa akin ni Azril, ang lalaking kumalaban sa akin kaninang umaga.

"Tigilan mo na nga ako. At on the side note, ikaw ang dahilan kung bakit na friendzoned ako ni Maria eh. Mas gwapo pa nga ako sayo eh." sagot ko.

Si Azril De Guzman ang aking pinaka unang kalaban sa school. Matangkad, Magaling sa sports at English, Gwapo? Ewan, para sa akin pangit siya. Mahilig pumasok ng room namin. Isa sa most famous people studying at Arevallo High. Mas matanda ng 1 year.Pareho kaming badass, pareho Kami ng eskuwelahan, at parehong hindi marunong magpatalo. At tulad niya, ako rin ay sikat. Kilala ako dahil nga sa itsura ko, Maputi, tama lang ang height, chinitong mata at cute na dimples. Ako rin ang pinaka magaling sa Chess at mathematics. Ayos no? Kaso mahina naman ako sa science. At oo , kakaiba ako. I already accepted the truth so..... yeah.

'kay , back to reality. Umalis ng room si Azril para sagutin yung cellphone niya. Ano ba meron sa kanya na wala sa akin?

"Azy~!"

Andyan na siya, ang pinaka mamahal kong kaibigan. Sadly for me, friendzoned ako sa kanya. Na inlove kasi ako sa mata niya... buhok ... smile... and even the way she walks. I smiled at my own thoughts. She's the only one for me..

But...

Tumingin ako sa pinanggalingan ng boses. Yan nanaman siya. Nilalandi ang aking kaaway. Hindi mo siguro alam kung paano masaktan.

Bulag siguro si Azril. Hindi niya ba halata na patay na patay sa kanya si Maria? Eh iniiwasan niya lang siya. Gusto ko pigilin ang sarili ko na pumunta soon, kunin kama'y niya at yakapin siya ng matagal.

Ang galing no? kanina parang napakasaya buhay ko tapos biglang sumingit love life ko? Life is so unfair. I want to give up. It doesn't know the feeling of love at first sight.

ווו×|ווו×|•×•×•×•

*riiiiiiiiiiiiing*

Umalis ako kaagad ng classroom. Ayoko masiksik sa mga naglalabasang students ngayon. Walking distance lang ako from school papunta sa bahay. Tinignan ko ang watch ko... 3:03

.. tinignan ko naman ang paligid ko. Sakto may park. Siguro ngayon na ang panahon sa pagiisip tungkol sa buhay ko.

I'm so pathetic.

Cold ka? Who Cares?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon