He was looking at me again... pang-apat na beses na. Hindi ko na alam kung paano ko maiiwasang hindi sya tignan.
He was just so hard to resist..
[Hey Ms. Beautiful..]bati nya sakin sa chat
[Oh hi] Hindi nya dapat maramdaman ang excitement ko tuwing makaka-usap ko sya, kahit sa chat man lang.
[Ang ganda ng panahon sa labas, no? Bkit kaya?]
Nagtaka pa kung bakit maganda yung panahon. Ibang klase..
[Ah.. Eh.. Oo nga no. Buti naman tapos na ung bagyo..] Hindi ko alam kung paano ipagpapatuloy yung convo namen..
[Oo nga eh, buti nalang talaga. Para maganda ung panahon pag nag-date na tayo..] Tsk. Si Errol talaga, ang hilig bumanat.
[tsk, ang korny mo..] Kunwari bored, PERO KINIKILIG AKO! SWEAR!
[Eto naman, joke lang. Hindi ka na mabiro..]
[Hahaha! Alam ko naman eh] Ouch! Sana seryoso ka nalang...
Si Errol. Matagal ko na syang crush, simula palang nung lumipat kami sa Manila. Ang gwapo nya, hindi na ako magugulat na maraming nagkaka-crush din sa kanya.
Dati, kapag napapadaan ako sa harap ng bahay nila, susulyapan ko lang sya, masaya na ko. Hanggang tingin lang naman ako sa kanya eh.. Nahihiya kasi ako. Magtama lang mga mata namin, iiwas ko agad. Kaya di nako nag-ilusyon pa na magle-level up ung nararamdaman ko sa kanya.
Eh, eto na nga.. Sa hindi ko maipaliwanag na pagkakataon, bigla nalang kaming nagkakausap. Masaya na ko sa ganon.
He's always the best part of my day.
Andame-dame naming napaguusapan. Mga sikreto na hindi ako ready na i-share - maliban sa kanya.. Naisip ko, hinding-hindi ako magbo-boyfriend pwera nalang kung si Errol yun. I was already giving him hints na gusto ko sya.
Either di nya na-gets, o sadyang manhid lang sya..
Our conversations went on and continued for a year, and I assumed na may gusto din sya saken...
Pero isang araw nung natripan kong mag-transform into my Stalker ego, may nadiskubre akong halos ika-durog ng puso ko..
In a Relationship.
At ayun yung DP nya, kasama yung napaka-swerteng girl. Ansaya nila.
Nainis ako sa sarili ko. Ang landi rin kasi eh, umasa pa..
Parang anhirap tanggapin. Kanina lang, ang sweet-sweet namen. Pero may gusto pa syang iba..
Pero online sya..
[Hi] nag-PM ako sa kanya
Medyo matagal bago sumagot..
[Ui. hello musta??]
[ayos lang... ikaw? mukhang masaya ka ah..] Bahala na.
[ah. iyon ba? oo nga eh]
[Hmmm. Pwede ba tayo magmeet bukas?] Hindi ko alam kung saan ko nakuha ang idea na makipag-meet sa kanya..
Hindi rin sya agad nakasagot kasi ngayon lang kami magmi-meet in person. Although nagkikita kami minsan sa daan, wala namang pansinan.
[oh? Bkit? nung meron? Hahahaha.. ohsige. Saan?]
[Hmmm.. sa *censored* nalang? 1pm, ok lang?] Kung inaakala nyong sa isang makasalanang lugar ko sya inimbitahan, nagkakamali kayo. Ayoko lang magbanggit ng isang convenience store. (^_^)
[ahsige. okay lang. see you..]
[ok. cge. salamat] tapos nag-out nako..
*A DAY LATER. 1PM. NASA *censored* NA*
Nauna akong pumunta sa *censored*. Pumwesto ako ng nakatalikod sa pintuan para naman hindi ako ma-shock pag nakita ko sya. Late na din sya ng 15 minutes...
"Si Ms. Beautiful.." sabi ng isang boses sa likod ko at umupo na sya sa tabi ko..
"Ah, ikaw pala" sinubukan ko ang lahat ng makakaya ko na hindi ako kabahan o ipakitang excited ako..
"Sorry, medyo na-late ako ah. Si Joyce kasi kausap ko kanina.." Si Joyce yung pangalan ng girlfriend nya
"Ge, okay lang." Mabilis kong sabi sa kanya..
Medyo natahimik ako, tapos nagsalita na sya.
"Anung meron?" medyo natatawa pa kasi sya..
Ay shet. Pano ko ba sisimulan to? Haaaaaaaaay.. (-_-)
"T-taken ka na pala. Congrats." sinubukan kong ngumiti sa kanya, pero nahalata ata nya kasi hindi sya nag-thank you
Nag-isip sya.
"Dahil ba dun kung bakit tayo nagmi-meet ngayon?" seryoso nyang tanong
I shrugged. Tumango sya..
"Ah... " nagsimula sya pero wala syang maidugtong
"M-masakit.." yun lang yung nasabi ko.. Pinilit kong pigilan ang sarili ko na umiyak o sabihin sa kanya lahat ng nararamdaman ko..
"I'm s-sorry, Tanya... Antagal kong hinintay na may masabi kang nararamdaman ka para saken. Pero, nainip na ko eh.. Tapos dumating si Joyce, mas naramdaman nya yung intentions ko kesa sayo..." sabi nya
Ouch.
"So, manhid ko pala no? Kasalanan ko pa pala.. Pero bakit ka nainip? May karapatan ka ba? Sana sinabi mo saken ng diretso.. Di lang talaga ako makukuha sa paliguy-ligoy at pambobola.." may bitterness yung tono ko, habang nakatingin ako sa kanya.
Hindi ko napapansin na medyo napalakas yung boses ko, kaya napatingin yung ibang tao sa loob.
Pero di na mahalaga yun..
He shrugged, "Di ko naman alam eh. Sorry, dapat pala matagal ko nang sinabi sayo.. Hindi yung pinalipas ko nalang.."
"Mahal kita, Errol. Maniwala ka man o hindi." nakayuko kong sinabi sa kanya
"Naniniwala ako. Pero sana, ganun parin yung nararamdaman ko para sayo.. Pero huli nang lahat eh. Si Joyce... Mahal ko na talaga sya.." sabi nya
Dun na umagos ang mga luhang sapilitan kong pinipigil magmula kanina pa...
Ang sakit.
Ang sakit-sakit..
Huminga ako ng malalim. "Wala na yata akong magagawa dyan. G-goodluck." Hindi ko na sya tinignan pa, bago ako tumayo at lumabas ng *censored*.
Yun na ang katapusan ng err, love story namin ni Errol.. Wala man lang kaming nagawa para sa isa't isa.
Kaya naman may natutunan akong isang napaka-halagang bagay. Never assume.
~~
Yun. Sana hindi boring.. First shot ko to sa Short Story :)
Sorry kung may typo. Di ko na nabasa.
Ayun. Please Vote kung nagustuhan or naka-relate kayo.
Wag din magdalawang-isip magsabi kung may mga mali, o dapat pang i-enhance sa plot. I'll be willing to look over :)
Thanks!
Sayonara,
RedBrains :)*