The Sweetiest Lie - Chapter Two

9.1K 141 5
                                    

" THE SWEETIEST LIE "

[ Sa aking Puso ]

By :"Ms. Alejos"

PANGALAWANG KABANATA

ANG HULA

Nang makasakay nang sasakyan si Hershey. Kasama nang kanyang mother in-law, pilit nyang iniisip ang lalaking nakita. Kilala nya nga ba eto? O guni-guni lamang nang kanyang isipan, dahil sa mga panaginip na nakikita nya. Tahimik naman na nagmamasid lang ang kanyang magiging byanan at tila nag-aalala pang nagtanong eto.. 

"Ayos kalang ba iha?" mahina namang tanong nitu. 

"Oho. Ayos lang ako .." sagot naman nang dalaga.. 

Habang nakasakay sila sa sasakyan at pabalik nang malaking mansyon, nakanaw lang sya sa labas nang sasakyan, pinagmamasdan ang mga nadadaanan nila at malalim ang iniisip. Habang papalapit naman ang kanilang ang pagdating nang kanyang kasintahan, mas lalo naman syang nanabik dito. 

"Napakalalim nang iniisip mo iha.." muling puna nang kanyang mother in-law.. 

"Nanabik lang ho ako sa pagbalik ni Hector, sana dito nalang sya sa bansa manatili.." wika naman ni Hershey.. 

"Pasasaan ba't magkakasama din kayo, marahil mananatili nadin naman ngayon yon dito sa bansa, wala naman nang dahilan para lumayo pa kayo.." wika naman nang Mama ni Hector.. 

"Wala ka na ba gustong daanan, o puntahan..?" muling tanong nang Mama ni Hector. 

"Wala na ho, masama kase ang pakiramdam ko.." tugon naman nang dalaga.. 

"Hindi bale pagdating nang bahay, uminom ka nang gamot.. Saka magpahinga ka.." sagot naman nang mama ni Hector.. 

"Sige ho.." pagsang-ayon naman ni Hershey.. 

Nang makarating sila sa Mansyon, dala ang pinamiling bagong mga alahas, umakyat din nang kanyang silid si Hershey. Di paman nakakapagpalit nang kanya damit ay, pabagsak na ang kanyang katawan na inilatag sa kanyang malambot na kama at binaba lang sa sahig ang mamahaling alahas na kanilang binili.. 

Nakahiga sya nang mga oras na iyon, pilit paring iniisip kung saan nya nakita at nakilala ang lalaking may dala nang Violin. 

"Hay naku! Bakit ba hinahayaan kung guluhin mo ang utak ko.." kausap ni Hershey ang sarili. Tumayo sya at inilagay sa kanyang drawer ang dalawang box nang alahas na kanilang binili.. 

Muli nyang binuksan iyon, pinagmasdan ang kinang na nandoon. Saka muling isinara, wala naman pagkakaiba sa ibang alahas na meron sya. Iniligay nya iyon kasama nang mga naunang kanilang binili sa nagdaang okasyon. Babalik sana sya sa kanyang higaan nang may kumatok sa kanyang pintuan.. Pinagbuksan nya iyon. 

"Oh iha inumin mo muna ang gamot na eto nang dina sumasakit yang ulo mo,," ang mama ni Henry at may dala pa etong isang basong gatas. 

"Salamat ho. Nag abala pa kayo.." tugon naman ni Hershey.. 

"Anak na rin kita natural lang na alagaan din kita kagaya nang anak kung si Hector.." wika pa nitu.. 

Matapos maibigay ang gamot at gatas, bumalik muli sa kanyang gawain ang Ginang. Kaya ang dalaga nahiga nalang muli sa kanyang kama. 

Isang plano ang naglalaro sa kanyang isipan. 

"Kung magpahula kaya ako..?" katanungang nasa isip ni Hershey.. Sa kakaisip nang gumugulo sa kanyang isipan, kung anu-anu tuloy ang kanyang gustong gawin para malaman ang kahulugun nang kanyang panaginip. 

Sumapit ang kanilang hapunan. Kagay nang dati nagpalit muna nang damit si Hershey at inayos ang sarili bago magtungo sa hapag kainan. 

"Kumusta ang pakiramdam mo iha..? " tanong nang Ginang.. 

The Sweetiest Lie (Sa aking Puso) [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon