The Sweetiest Lie - Chapter Three

7.6K 128 2
                                    

"THE SWEETIEST LIE" 

[Sa aking Puso] 

By: "Ms. Alejos" 

IKA-TATLONG KABANATA 

ANG MALAKING PIGING 

MAKALIPAS ang halos dalawang oras na pamamahinga ni Hershey, bumaba sya at kinuha ang halaman. Busog pa naman sya kaya wala din syang ganang kumain. Plano nyang magmeryenda nalang.. Nang nasa baba na sya nakita nya ang halaman sa may maliit na mesa na nakapatong doon.. Kinuha nya iyon at inakyat sa ikalawang palapag, nasa kalagitnaan na sya nang mataas na hagdan nang makasalubong nya ang mayordoma nang Mansyon.. 

"Sainyo po pala Ma'am yan.. Akala ko kay senora.." wika naman nang mayordoma.. 

"May nagbigay na bata sa akin kanina.." kanya namang sagot.. 

"Kakain po ba kayo nang tanghalian ma'am Hershey?" tanong muli nito.. 

"Pakigawa nalang po ako nang sandwich, at pakisabi na rin kina Tina at Trina pumunta sa kwarto ko.." wika naman nang dalaga.. 

"Sa kwarto po ba kayo kakain?" tanong muli nang katiwala.. 

"Oho. Pagpunta nina Tina at Trina pakipadala nalang po ang sandwich tsaka orange juice.." sagot naman nang dalaga.. 

"Sige po ma'am.." tugon nito. At tuluyan nang bumaba ang katiwala habang nagpatuloy naman si Hershey umakyat.. Ipinasok nya ang halaman sa kanyang kwarto, sa bintana nya iyon ilalagay. 

Binuksan nya iyon at hinayaang makapasok ang hangin, pinatay nya ang aircondition sa kanyang kwarto at hinayaang cieling fan ang gumana. Ilang minuto pa kumakatok na ang dalawang kasambahay na syang naglilinis nang kanyang silid. 

"Tuloy kayo.." wika ni Hershey. Ipinatong naman ni Trina ang dalang tray sa side table nitu. At tumayo nang tuwid sa harapan nang dalaga na nasa likuran ang mga kamay. Natutuwa talag sya sa mga uniforme nang mga eto. Kagaya ngayon, kulay dilaw nanaman ang soot nang mga eto at ang ribbon nang buhok dilaw din ang rubber shoes palagi nga lang puti.. 

"Ma'am pinatawag nyo raw po kami.." tila kinakabahan naman si Tina.. 

"Yes. I need both of you, Tina، Trina yong mga luma kung damit pakialis sa cabinet halos di na sila makahinga eh.." wika ni Hershey.. 

"Ma'am kaka tanggal lang po naman two months ago nang mga damit nyo.." sagot naman ni Trina.. 

"Alisin nyo nalang yong mga di ko na isinusoot. " ang dalaga muli.. 

Naupo sya sa sofa habang hinarap naman ang dalang sandwich nang mga eto. At nag-umpisa nadin ang mga eto na ayusin ang kabinet nang amo. Kadalasan binigay ni Hershey ang mga damit sa dalawang tagalinis nang kanyang silid kaya naman ang mga eto tuwang-tuwa pagnagdi-dispose nang gamit ang dalaga kase naman yung iba may mga presyo pa at di naman naisusuot pa. Panay lang kase ang shopping nitu kasama ni Mrs. Forbes.. 

Inisa-isa nang nilang ilabas ang mga damit at tinatanong kung ibabalik iyon sa cabinet o ayaw na nang amo. Nang matapos ang kanyang pagkain ang cabinet naman nang kanyang mga sapatos at sandal ang kanyang tiningnan, tinanggal doon ang mga ayaw na nyang gamitin. 

"Ma'am Hershey pati po ba etong mga dress disposed nyo na rin?" tanong ni Tina. 

"Yap. Pati yung kulay purple nyan.." si Hershey.. 

Nagtinginan naman ang dalawang kasambahay. Gustong-gusto kase nila ang dress na eto, nang makita nilang suot eto nang amo gandang-ganda sila. Kaya naman kinaiinggitan silang dalawa nang ibang katulong kase silang dalawa lahat ang nakikinabang nang inaayawan nang mga gamit nang ma'am Hershey nila. 

The Sweetiest Lie (Sa aking Puso) [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon