AKK 35 Telenobela

77 2 0
                                    


Paulo's POV:

Habang hinihintay ko si Baby Chi dito sa may labas ng hospital ay pinagmamasdan ko lang ang iba't ibang tao na lumalabas at pumapasok sa hospital na ito.

Naimagine ko ang iba't ibang sitwasyon ng mga ito. Mayroon siguro na naging oa lang kaya nagpadala lang sa hospital, baka may matanda na silang kamag-anak at nag-aagaw buhay na. O di kaya naman ay napilayan na kapatid. Nilalagnat na anak.

Naisip ko, ang swerte ko padin-- namin, kasi nasa maayos na kalagayan si Cends at mga sugat lang ang natamo nya ngayo-- "Ayy, sorry so-sorry..." bulong ng nakabunggo sa akin

Nakajacket lang sya ng kulay lumot at nakacap.

"Okay lang... miss?" hindi ko kasi mapagtanto kung babae ba itong nasa harapan ko na natataranta na ewan o lalaki eh

"A...alis na ko. Bye." bulong padin nya at tumakbo na sa may gawing kanan ko hanggang sa nilamon na sya ng kadiliman at hindi ko na naaninag pa

Weird.

Napatigil nalang ako sa pag-iisip ng nakarating na rin sa wakas itong si baby chi at sinalubong ako "Hi kuyaaaaa! Namimiss na kita kaagad. Nakakalungkot kasi dun sa farm eh, busy si mommy." sa tono palang ng boses nya, alam mo ng nabored sya dun sa bukid namin

Kaya naman binuhat ko sya "It's okay baby, sama ka nalang sakin. Puntahan natin si ate Cends mo ha?"

"Si ate Cends? Yung angel na lagi akong sinasagip tuwing naliligaw ako?" masaya nyang pagtatanong sa akin

"Right baby." sagot ko naman at kulang nalang eh magheart heart ang mabilog nyang mga mata

"Sir, sige ho. Mauna na ho ako." sabi sa akin ni manong na nasa kaliwa ko pala at tinanguan ko sya

Pagkapasok namin sa loob ay nagelevator na kami kaagad para mabilis kaming makarating sa room ni Cends.

"Kuya?" sabi ni baby chi na nasa kanan ko habang hawak hawak ng maliit nyang kaliwang kamau sa kanan kong kamay at tumingala sa akin

"Yes baby?"

"Why is ate here?" inosente nyang tanong

"Uhm, baby... Kasi ano eh, si Papa God, yung plan nya para kay ate ay ginawa nya." umupo ako para magpantay kami at humarap ako sa kanya, tutal kaming dalawa lang naman sa elevator ngayon eh

"Plan?" pagtataka nyang tanong, nagsalubong pa ang kilay nya

"Hahaha, ganito kasi yon baby eh. Lahat ng bagay ay may reason, siguro may reason si Papa God kung bakit nandito si ate ngayon. Hindi lang natin alam kung bakit, but I know baby, para sa kabutihan rin siguro ito ni ate." hindi ko na alam kung anu ano nang pinagsasasabi ko, nagkibit balikat nalang si baby chi hanggang sa bumukas na ang pinto ng elevator, tumuloy na ako kaagad sa room ni Cends, iniwan ko muna si baby chi sa labas at ang eksenang nasaksihan ko sa loob ay.

"No! No no... Hahahaha. You're kidding me Cends. Don't you?" parang baliw na sinasabi ni Keshia ang mga katagang yan kay Cends

"H-hey, what's going on here?" nilapitan ko si Keshia sa may tabi ni Cends na nagtataka padin, ano nanamang nangyayari?

"E...eh. H-hindi na ako kilala ni Sissy. Kyaaaaah." at tumulo na yung mga luha ni Keshia na mukhang kanina pa nagbabadya

Tinignan ko naman si Cends at nakatingin lang sya samin na parang nalilito and at the same time ay poker face lang na ewan.

"Best. Uy best. Sister. Ako to, si Keshia Riz. Ang iyong matalik na kaibigan sa oras ng kasiyahan at kalungkutan, sa oras ng kabusugan at kagutuman. Ano ba?" kulang nalang ay magwala na sya dahil umiiling lang ng dahan dahan si Cends na parang hindi sya naiintindihan

Ibinaling naman nya ang tingin nya sa akin "Ikaw, sino ka?"

"H...ha, ako. Ako si Paulo. Kuya... Kuya Paulo ang tinatawag mo sa akin noon." sabi ko ng mahina, argh nagkaamnesia sya?

Bakit hindi sinabi ng doktor?!

"Bestfriend! Ano ba. Ako ito." sabi ni keshia pero umiiling lang si Cends "O'sige, lahat lahat gagawin ko maibalik lang yang alaalala mo na baka lumipad lang kung saam
n dyan. Alam mo namang mahal na mahal kita eh. Lahat lahat, kahit sobrang hirap pa yan, gagawin ko, kahit na mag-overnight pa kami nila Ashiel at Mashie sainyo at kakain tayo ng maraming strawberries tapos manunuod tayo ng Barbie, okay lang. Mahal na mahal ka namin. Alam ko, kahit na mawala yang naaalala mo, ayos na ayos lang kasi alam ko, sa puso mo, hinding hindi yan mawawala. Baka nagloloading palang, malay naten." nag-iiiyak na si Keshia dito, at napansin ko namang umiiyak na rin pala itong si Cends

"Umiiyak ka din?" pagtatakang tanong ko, natouch ba sya? O may naaalala na sya

"W...wala naman. Kasi, ano... kung bestfriend ko nga sya, ang swerte ko pala ano? Tsaka sila ano... ying Ashe ba yun? At Machi?"

Ang boom! Bingo. Wala na syang maalala ni isa.

Naluluha narin ako ng biglang may kumatok at nakitang kong sumilip muna si Baby chi bago pumasok.

"Kuya? Are you crying?"

"No, no baby... I'm not." sagot ko naman

Bumaling naman sya kau Cends na nasa higaan. "Hi ateeeeeeeee!" masiglang sabi nya at umakyat sya sa kama at niyakan si ate nya

Kung alam mo lang baby, na ano... hindi kana rin nya muna matatandaan panandalian. Hays, bakit ba gani--- "Hello baby chi! Namiss kita!" masiglang sagot naman ni Cends dito at yakap

"ANO?!" sabay naming sabi ni Keshia tapos nagkatinginan kamk na parang isa lang ang nasa isip namin

"Oo. Hahahaha. Sorry guys, naappreciate ko mga sinabi mo Sissy tsaka yung muntikan mo ng pag-iyak kuya Paulo. Hahahaha. Pwede na bang best actre-- aray naman Keshia!" sabi ni Cends ng tamaan sya ng flying pillow galing kay Keshia na nasa kaliwa kong nakaupo din sa may couch

"Eh baliw kana pala eh. Dapat hindi ka namin sa hospital dinala, kundi dapat sa mental!" nanggagalaiting sabi ni Keshia sa kanya

"Eh sorry na. Hahahaha. Titignan ko lang naman reaction nyo eh. Mahal na mahal nyo nga ako guys. Hahaha." sabi nya at niyakap na ulit si baby chi

"Hay nako, mabuti nalang at nandito ang batang iyan, kung hindi pala, edi di kapa umamin. Ano bang naisipan mo?" sabi ko kay Cends

"Wala kuya. Hahahaha. Naalog lang ata utak ko at naisip ko yun. Balak ko sana ay yung nakaharap kayong lahat para madami akong marinig na mahal na mahal nyo ko guys kaso kayong dalawa lang. Pero okay na din. Hahahaha. Sorry na pleaseeeee." nagpuppy eyes pa sya

"Oo nga po kuya, at ate na maganda. Please forgive my ate angel." at nagpuppy eyes din itong si baby chi

"Tsaka parehas na tayong best actress sissy. Pang telenobela na kaya mga sinabi't ginawa mo. Pasado kana. Hahahaha." sabi nya kay Keshia at nakita kong sinamaan lang sya ng tingin nito. Hahahaha nakakatuwa silang tignan, isama mo pa ang baby chi namin

Hanggang sa magsidatingan na nga silang lahat ay nag-aasaran parin yung dalawa. Niloloko pa ni Cends si Keshia at ginagaya ang mga sinabi nito sa kanya nung hindi sya nakakaalala kunwari. Hahahaha.

Mabuti nalang at back to normal na ang lahat after nung incident. Ang kailangan nalang ay ang malaman at maparusahan kung ano o sino ang may gawa nito sa kanya... At kung bakit.

◆◇◆◇◆◇◆◇◆◇◆◇◆◇◆◇◆◇◆◇◆◇◆◇◆◇◆

•All Rights Reserved 2014•

© coleensumpter •﹏•

Ang Kuya Ko (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon