Love at First Sight...

103 2 0
                                    

Maraming tao ang hindi naniniwala sa love at first sight. Kung sa bagay may point sila, how can you say nman that it's love kung first time mo lang siyang nakita. For all we know baka attracted ka lang talaga sa kanya and you mistake it for love. Anyway, this is my story of my so called love at first sight...

I am Denniela Bumanglag I first saw Terrence Allyson Santos during my 1st year in high school. A very serious looking guy. Napatingin ako sa kanya hindi dahil sa gwapo siya, napalingon ako sa kanya dahil sa seryosong mukha niya. I don't know pero there's something about serious men na sobrang naa-attract ako. Siguro dahil sa bungisngis ako kaya na-aamaze ako sa mga taong seryoso.

Noong una sabi ko,

Denniela: wow ang cute niya!! Hmm sana dumaan siya dito sa classroom this day...

Girl 1: Hay sus!! Malamang!! San pa ba ang ibang daan papuntang room niya.. Patawa?

Dumaan na siya sa aming classroom, (Ibang section kasi siya) dinedma ko lang pagkikita na iyon, ewan ko bakit kya , kasi minsan nasisisraan ako ng ulo Haha!! Tinuloy ko ang buhay estudyante. At true enough ilang araw lang ay nakalimutan ko na agad siya.

Pero parang nagtritrip ang pasaway na pagkakataon, isang araw habang kausap ko ang bestfriend ko na si Anna Dominique sa labas ng room namin ay dumaan itong si mr. serious face. Syempre nagulat ako. Naalala ko ulit ang unang hapon na nakita ko siya sa lobby. Dahil ayokong ipahalata na nanginginig ang mga kamay ko sa sobrang kaba, kunwari na lang ay hindi ko siya napansin. Pero dahil nga malakas talagang magtrip ang kapalaran, hindi rin umubra ang palabas ko lalo na nang batiin ng bestfriend ko ang seryosong lalaki na iyon. Sa totoo lang gusto kong tumambling sa sobrang shock ko. tingnan mo nga naman ang pagkakataon! Aakalain mo bang kaibigan pala ng bestfriend ko ang lalaking iyon?

Denniela: OMG!! Kaibigan mo pla un..

Anna: O yeah... kaibigan ko siya.. Gulat ka noh?!

Denniela: D ba obvious?

Hindi ako naipakilala ng bestfriend ko sa kanya dahil dumating na ang professor namin kaya kinailangan na kaming tumakbo papasok sa room. Sa loob habang nakaupo ako at pinipilit makinig sa mga pinagsasasabi ni sir Matt, hindi maalis sa isip ko ang seryosong mukha na iyon. Naramdaman ko na lang na sobrang init na sobrang lamig, at ang mga kamay ko ay ayaw mawala ang panginginig. Sa sobrang lakas nga ng tunog ng pagpintig ng puso ko parang nabibingi na ako dito. Huminga ako ng malalim at pilit na nagconcentrate sa lecture. Alam ko mula sa oras na iyon may gusto na ako kay mr. serious face.

Sa campus lagi ko siyang nakikita. At sa tuwing matatanaw ko siyang padating ay nagtatakbo ako para magtago. Oo para talaga akong sira ulo. Hindi ko alam kung bakit ako nagtatago. Basta ayokong makita siyang dumaan pero palagi ko naman siyang inaabangan. Pag nakadaan na siya saka ako sisilip sa pinto at panonoorin siyang makalayo. Ganun ako ka hopeless case. Minsan nga naiiyak na ako sa sobrang inis sa sarili ko.

Ilang beses kaming pilit na pinakilala ng bestfriend ko pero each time nagbaback out ako at nagtatago sa loob ng room. Ayoko talaga. Pakiramdam ko kasi magba-blush ako kapag kaharap ko na siya. Ayokong malaman niya na may gusto ako sa kanya. Baka himatayin ako sa sobrang nerbyos kapag iniabot na niya ang kamay niya para makipag-shake hands sa akin. Baka ikamatay ko ang kahihiyan kapag nawalan ako ng malay sa harap niya. Kaya naman hindi kami kahit kailan naipakilala.

Denniela: Nakakainis talaga Anna Dom!! Grr...

Anna: Ikaw kasi eh bakit ba nandyan na ung pagkakataon pinalalayas mo pa...

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Aug 30, 2012 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Love at First Sight...Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon