LORENZ's POV:
Nu'ng Makita kong papunta sa direksyon ni Monnah ang bola, hindi na ako nagdadalawang-isip na talunin ang ilang dipang distansya masalo ko lang ang bola. Ayokong masaktan si Monnah. Kahit bola lang 'yun, masakit parin 'yun. Syempre, sa mukha pa naman tumama.
Kaya ganun nalang bigla uminit ang ulo ko. OA na kung OA. Sige tawagin nyo pa akong OA. I don't care. Nakakainis kasi. Hindi man lang nag-iingat. Sarap sapakin. But hindi ko magawa 'yun. Naku, magagalit na talaga ang bestfriend ko sa'kin kahit sabihin ko pang para sa kanya ang ginagawa ko.
Pero sa totoo lang, natatakot talaga ako sa oras na 'yun. Grabe lang. kinabahan ako dun, ah. What if hindi ko maabutan ang bola? What if nahuli na ako? What if wala ako dun nung mangyari iyon? What if natamaan si Monnah? Hay! Ang daming what ifs na naglalaro sa isipan ko. Hindi ko talaga alam kung paano ako mag-react. Nabulyawan ko na tuloy si Lloyd nang di oras.
Kahit masungit ang bestfriend ko, love na love ko talaga ang babaeng iyon. Opps! Huwag nyong sabihin sa kanya, ha. Baka lalong lumaki ulo nun. Medyo may pagka-abusado pa naman 'yun. Pero totoo talaga. Love na love ko talaga sya. Sya lang naman ang kapatid ko although hindi kami magkadugo but itinuturing ko talaga syang kapatid. Kaya walang maaaring manakit sa kanya kung hindi, lagot sila sa'kin.
Pero teka lang, nasalubong namin sa field si Jasphere kanina. Kung makapag-tanong kay Monnah akala mo close sila. Isa pa ang lalaking 'yun. Di ko maiintindihan kung bakit lapit sya ng lapit kay Monnah. Kakainis kasi. Epal lang. Pero baka naman may gusto sya kay bestfriend? Shit lang! Okay naman sya but I don't like him for my bestfriend. Hindi sila bagay.
Nang dahil sa nangyari, hindi na tuloy ako makapagpractice. Pero okay lang. Atleast hindi talaga nasaktan bestfriend ko. Ayoko talagang mangyari 'yun. Paulit-ulit ba? Pasensyahan nyo na. gwapo ako, eh. Opps! Huwag ka nang umepal, miss author. Nagsasabi lang ako ng totoo.
Nandito pala ako ngayon sa bahay namin. Umalis na ako kina Monnah. But bago ako umalis, nakita kong namumula 'yung kanang braso nya. Mukhang napahigpit ang paghila ko sa kanya. I feel sorry for her. Nadadala lang ako sa emosyon ko.
Mabilis na kinuha ko ang cellphone ko at dinayal ang number ni Lloyd. Don't worry. Wala akong balak mang-away ngayon. I'm done. Makipag-usap lang ako sa kanya.
"Hello" agad na sagot sa kabilang linya.
"Lloyd—"
"I'm so sorry, Lorenz. Hindi ko talaga sinasadya. Promise. Mamamatay man ang kuko ni Mark."
"Hoy! Ba't ang kuko ko?" sabat ni Mark. Magkasama pala sila.
"Ikaw lang naman nakita ko, eh."
"Huwag ng sa'kin. Kay Diness nalang."
"Lloyd!" singit ko. kahit kailan talaga itong si Mark. Agaw eksena.
"Lorenz, sorry na. Please.... Forgive me. Lahat gagawin ko, mapapatawad mo lang ako. Kung gusto mo, susunduin ko si Monnah tuwing umaga at ihahatid ko pa nga sya sa kanila. Ililibre ko sya ng snack during recess. Bibilhan ko pa—"
BINABASA MO ANG
Show Me the Way to Your Heart (Completed)
Teen FictionLove or friendship? Ano ang mas matimbang? Ano ang mas importante? Handa ka bang talikuran ang love dahil sa friendship o handa ka bang iwan ang friendship dahil sa love? What if you choose... Love? Paano naman si friendship na syang kasa-kasama...