Forever na ba?

47 4 2
                                    

*Chapter One*

Simple  at ordinaryong tao. Parang araw-araw na buhay ko. Gigising ng 4am kikilos ng isa’t kalahating oras at aalis na ng bahay para pumasok ng school. Pumapasok para magaral, para sa mga kaibigan ko at syempre para sa baon! Hindi ako katalinuhan pero kung magsisipag ako magaral may pag asa naman. Tinatamad lang talaga ako. Pero dahil bakasyon parin ngayon ayon walang pinagbago. Gigising. Kakain. Magcocomputer. Matutulog. Balik ulit sa umpisa. Ayon boring at ordinary padin talaga. Ako nga pala si Gail. Patuloy na umaasa at umaasa para sa tamang tao para sakin, yung masasabi kong “perfect match” kami. “Forever”.

Ate Lyn:

“Gumising kana at aalis na ako, ipinagluto na kita ng ulam nyo para mamayang tanghali! Aalis nako.”

Gail:

“Oo na! Panira ka naman ng tulog dyan e. Ipasara mo nalang kay kuya Nathan yung gate.”

Kuya Nate:

“Hoy bumangon kana dyan at kumain na may laro kami ng basketball ng mga tropa ko”

Gail:

“Oo na. 5 minutes kuya!”

~ Sabe ko habang nagmumuni muni pa dahil nagulat ako sa sigaw ni ate lyn. Kasambahay naming at day off nya ngayon. Kaya kami na naman ni kuya Nate ang matitira dito sa bahay. Wala na kaming magulang pero tinutulungan kami ng tita naming na nasa Canada ngayon.

Naramdaman kong kumaripas ng takbo si kuya papunta sa kwarto ko at… at…

Kuya Nate:

“Bumangon kana dyan prinsesa!” (habang nakangiti at tuwang tuwa, dinag-anan nya na naman ako para gumising na talaga ako)

Gail:

“Aray kooo! Ang bigat mo ha! Bakit ka nakangiti dyan? Lumalandi ka na naman?”

Kuya Nate:

“Lande agad? Ikaw talaga! Aalis na muna ako ha? Di kita masasabayan mag almusal basta wag kang magpapagutom ha. Bye. Mua.”

~ Ang sweet talaga sakin ni kuya ewan ko ba basta ang swerte swerte ko sa kanya. Parang napakaprotective nya sakin. Bumangon na ko at kumain. Nag online sa fb. Uy may msg!

*CHAT*

Mark:

“Tingnan mo to oh.”

Gail:

“Oh? Si ma’am Dizon to ah?”

Mark:

“Oo nga e nagulat din ako akalain mo yun nagffb na si mam!”

Gail:

“Hahaha.”

Mark:

“Hahahaha!”

*End of conversation*

~ Pero ang chat pala na yon ay nasundan na ng nasundan ng maraming beses. Hanggang sa nakilala na naming ang isa’t isa. Si Mark batchmate ko naging kaklase ko nun grade 6 ako pero di ko siya napapansin masyado bibihira kasi pumasok e. ayon na nagsimula na magbitaw ng mga jokes at ng mga pick up lines yun pala nagkakagusto na sakin, sabagay kahit ako din naman ganon ang nararamdaman sa kanya. may sense of humor kasi sya e. Di nagtagal kwenento ko nadin kay kuya yung tungkol kay Mark. Hindi naman sya nagalit pero ang sabi nya wag ko daw seryosohin mag aral daw muna ako total malapit nadin magpasukan. Sanay naman si kuya na nagkekwento ako sakanya ayaw niya na may tinatago ako sakanya lalo na pagdating sa mga lalaki.

*CHAT*

Mark:

“Pasukan na bukas sabay tayo pumasok ha?”

Gail:

“Sige. Kaso ano e. Hindi ako marunong tumawid.”

Mark:

“Ah ganon ba? Sige sa kanto nyo nalang kita hihintayin.”

Gail:

“Excited kana no?”

Mark:

“Oo? Hahaha. Bakit ikaw hindi ba? Matulog kana baka mapuyat kapa. Goodnight.”

Gail:

“Pwede nadin. Haha. Sige na matutulog na ako at maaga pa bukas. Ikaw din. Goodnight ”

Forever na ba?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon